Sunday, March 15, 2015

Jojit Paredes



A genius has no country, isang banyagang kasabihan, pero nakikita natin sa ating bansa ang malaking katuparan nito. Ang mga binatang Pilipino ay maari nating maipagmalaki sa anumang lipunan tulad na rin ng ating mga beauty candidates. Nabanggit natin ang palasak na kasabihan sa itaas pagka't malaki ang kaugnayan nito sa tatlong binatang atking ipakikila sa inyo ngayon. Bagama't kapuwa nabibilang sa mga nakakaangat sa buhay, ang damdamin naman nila ay maka-mahirap, at ang panahon ay ginugugol para sa kasiyahan ng higit na nakararami...Buhat sa angkan ng mga maykaya, ang kanyang ama ay dating Vice-Mayor ng Pasay City na nakapaglingkod din naman nang matagal sa mga mamamayan ng naturang lunsod. Matalino si Jojit, kung ang ating kukuning basehan ay ang namana niyang karunungan sa kanyang ama, bukod pa sa buhat siya sa exlusive school for boys. Close siya sa kanyang ama, at dapat sana ay naging politically-inclined din siya pero hindi, ang bisyo niya ay nauwi sa pagkanta na malayo sa hilig ng iba pa niyang mga kapatid, who are indulged in the business of their own. Together with buddy Ronnie Henares, they formed the famous Two of Us due na sumikat sa mga school concerts, tungo sa radio at tv at pelikula. Maganda ang blending ng kanilang mga boses, hanggang sa kunin sila ng Tower Productions at nag-compose sila ng isang awiting siyang ginamit na themesong sa pelikulang may gayunding pamagat, ang "Funny Girl."

Sila din ang umawit ng plyaback nito sa pelikula na nagsisilbing background music ng first picture ni Tina Revilla. From then on ay nagkasunod-sunod na ang mga invitations nila elsewhere and they were a sensation instantly. Naging permanent cast sila ng Sunday tv show, "Sensations." Click sila kaagad sa mga viewers kung kaya naman they were deluged with invitations. Fan clubs sproutted left and right. And stardom was within armreach. Hanggang sa magkaroon ng aberya. Nang maging guest siya sa Superstar show ay naging bukambibig naman ang pagiging magkaibigan nial ni Nora Aunor. Fan mails started pouring in na humihiling na itambal siya either of the two above-mentioned stars. Rumored kasi na ipapareha siya ng Tower kay Vilma sa Citadel ng Tower at may higing din na tatambal naman siya kay Nora ng isang Independent production. Alinman sa dalawang bituin ang kanyang unang makapareha ay okay lang sa kanya, maging ng mga fans niya, basta magkapelikula lang daw si Jojit ng solo. Ang Jojit is keeping his fingers crossed na come 1973, matutupad na ang tangi niyang dalangin. - Anonymous

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...