Tuesday, December 31, 2013

Ang Sarap ng Buhay Kapag May Isang Vilma Santos (Repost)


Yan po ay katagang namutawi sa labi ng isa nating magaling na taga-panulat at kasama sa Editorial staff ng VS Newsletter, ang VILMA!

Ang tinutukoy ko po ay ang kasama nating Vilmanian na si Mr. Mario Garces na ngayo'y naka-base sa New Jersey, U.S.A. Hihiramin ko po panandalian ang katagang yan ni kuya Mar as I fondly called him with his kind permission upang maibahagi at maipadama sa inyo ang nararamdaman ng milyun-milyong Vilmanians all over the GLOBE sa patuloy na tagumpay na ipinagkakaloob ng Maykapal sa Nag-iisang Bituin at Reyna ng Pelikulang Pilipino, Ms. Vilma Santos-Recto. Tunay na maipagmamalaki ng kahit sinumang Vilmanians (at maging ng mga di Vilmanians) ang isang Vilma Santos.

Patunay niyan ay ang bagong karangalang iginawad sa tinaguriang Star for All Seasons, ang 2005 Plaridel Award for Film na kamakailan ay iginawad ng U.P. College of Mass Communications sa seremonyang ginanap sa Cine Adarna (formerly U.P. Film Center) nung nakaraang ika-apat ng Hulyo ng taong kasalukuyan. Ito ang ikalawang taon ng pagkakaloob ng U.P. College of MassCom ng karangalan sa mga alagad ng sining na nakapag-ambag ng malaking kontribusyon sa larangang kanilang ginagalawan, tulad ng film or cinema. Nung nakaraang taon ang recipient ng prestihiyosong award na ito ay si Gng. Eugenia Apostol, ang founding chair ng Philippine Daily Inquirer. Ito'y sa larangan naman ng print media. At sa taon ngang ito ang butihing Mayor ng Lipa at kilalang "Ate Vi" sa karamihang Pilipino mula Appari hanggang Jolo ang ginawaran ng Plaridel Award sa larangan ng film.

Maituturing ito na pinakamataas at prestihiyosong karangalang natanggap ng iginagalang na aktres simula ng pasukin niya ang mundo ng pelikula sa edad ng siyam sa pelikulang "Trudis Liit" kung saan siya ang title role. Sa pelikulang ito natanggap niya ang kauna-unahang karangalan, ang FAMAS Best Child Actress nung 1963. Makalipas ang apatnapung-taon, ang dating "Trudis Liit" ay isa ng nirerespetong haligi ng sining ng pelikula, ang Gawad Plaridel awardee for film.

Ang Gawad Plaridel na kanyang natanggap ay patunay sa angking galing at respeto na ibinibigay sa nangungunang aktres ng bansa at sa kanyang naiambag sa industriya ng Pelikulang Pilipino. She prevailed over her co-nominees for this award, namely, the 2003 National Artist awardee for cinema, Mr. Eddie Romero, and the highly-rated and A-1 Director, Mr. Mike de Leon, whose body of works include the now classic and De Leon's most awarded film "Sister Stella L" that stars Ms. Vilma Santos herself.

Kung kaya't napakasarap ng pakiramdam sa isang Vilmanian na tulad ko. If I may borrow the now famous line of Ate Vi, "Heaven" ang feeling. Lalo na't kung maririnig mo ang mga papuri na ibinibigay ng iba't ibang tao sa iba't ibang antas ng lipunan. Tulad na lamang ng mga pananalitang ito na binitawan ng mga nakasaksi sa seremonyang ginanap sa Cine Adarna.

"Ms. Santos' speech, for me, was very profound and candid. I always had great respect and admiration for her as a person, public servant, and actress. After the lecture, that respect and admiration hot-air-ballooned. It became clear to me that even if this person is now worthy of having a constellation named after her, she is still as human and feet-on-the-ground as possible." (written by Ringhithion at 07:16 pm, posted in VS-R egroup on 13 July 2005)

"Natatawa ako habang kumukuha ng pictures, dahil dumadaloy pa rin pala kay mama ang dugong Vilmanian kahit ang tagal-tagal na. Umuwi kaming parang nasa langit si mama dahil nakamayan pa nya si Vilma Santos" (shared by Jeannie Wong in Vilma’s eGroups, as taken from Armidoodles). “She gambles her popularity to widen her scope as an actress,” proclaims Dr. Nicanor Tiongson, Dean of the College of Mass Communication of the University of the Philippines (UP). He adds, “She proves popularity and ratings need not degrade the craft.” (taken from an article by Rome Jorge)

"Star power is real power. It is the power to move people to tears, to make them cry and laugh and urge them to by with endorsements. It is to make them think what you want them to think, to make them feel what you feel. They should use it wisely, make people do good and aspire for better lives.” (Dr. Sergio Cao, chancellor of UP Diliman who confessed being a star-struck fan, “I had to nebulize before coming here; I couldn’t breath.”)

“Because of her dedication to her craft and her portrayal of roles important to women and society, Ms. Santos deserves recognition not only from the viewing public, but also from the academic community.” (UP President Emerlinda Roman)

Producer Atty. Espiridion Laxa says Vilma “has reached this incomparable height of success because of several good traits: her discipline, her determination to excel in her acting profession and her knack for choosing the right roles.” (takern from Sights and Sounds by Gigi Javier-Alfonso)

Producer/ actress Charo Santos-Concio speaks of her as a “passionate thespian, her filmography boasts of a list films that are audacious, artistic, classic and socially relevant. Inevitably, she has brought to the limelight ordinary people with extraordinary lives and has created awareness of various socio-political issues.” (also from Sights and Sounds). Ilan lamang ito sa maraming papuring natanggap, natatanggap at patuloy na tatanggapin pa ng Nag-iisang Bituin.

Tunay ngang “napakasarap ng buhay kapag may isang Vilma Santos”. May inspirasyon at palaging ngiti ka sa iyong labi. And what the next stop? Di malayong ang kasunod nito’y ang "Gawad Pambansang Alagad Ng Sining" na o ang National Artist Award. Am I dreaming? Nope, am not. After all, “Trudis Liit” is not the small lady anymore in the movie screen. She’s gone a long, long way, dwarfing all pretending to the throne. Vilma, mabuhay ka! - Charlie Gomez, V magazine 2005 (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...