Pages

Friday, January 17, 2014

Money and Vilma Santos


Have you ever stop to wonder kung paanong ginagasta ni Vilma Santos ang "limpak-limpak" na salaping kinikita niya? Marami ang nagsasabi na 'talagang masuerte ang batang yang si Vi. Kahit na ano ang hilingin niya ay kayang bilhin...Sunod-sunod ang pelikula na halos P100,000 per picture ang bayad sa kanya...hindi naman mahilig sa night clubbing! Kayang kayang magbuhay reina n'yan!" Kung iisipin nga ang inaakalang kitang ito ni Vilma, ay madaling isipin ang ganito. Kumikita, hinahangaan, pinupupog ng fans, at minamahal ng maraming kabinataan, pambihira na nga ang suerteng pamoso ngayon kay Vi. Puede na ngang magbuhay reina, ngunit sabi ng kanyang family, "Vi is a professional sa kanyang gawain, ngunit isa lamang siyang karaniwang tao sa loob ng tahanan. Kapatid lamang naman siya. Marahil kung tatratuhin namin siyang parang reina, ay siya ang ma-iiwas sa amin at siya pa ang maiirita!" Sa mga pakikipanayam noon kay Vilma ay napatunayan ang ganitong attitude niya. The only time na mistulang reina ang trato kay Vi ay tuwing matutulog ito. Lahat sila ay sinisikap na huwag siyang magambala sapagkat batid nilang pagod na pagod siya at mahalagang mahalaga na siya ay makapagpahinga nang husto.


Batid nilang napakademanding ng career ni Vi, na walang oras na iginigalang basta't kailangang tapusin ang pelikula, at si Vilma, kalimitan na kahit na may sakit ay sinisikap na tapusin ang sariling commitment. Sa sandaling mabatid na ready na siya o gising na, mistulang central park ang silid niya sapagkat doon nakikilumpon ang mga kapatid na kung tulog siya ay sa silid naman ng mga parents nila naglilipon. Hindi na yata mauubusan ng balitaan, tanungan, at biruang magkakapatid, at si Edgar Mortiz na tumutungo rin doon kapaga batid na gising na si Vi o nakikibantay kapag tulog ito. That's right, Vilma Santos is just big sister to Maritess, 14, Winnie, 11 and Sonny, 8 and plain younger sister to Emmelyn, Vi's older sister. At ganito rin siya sa gastusan. Si Vi, tulad ng mga kapatid ay ang allowance lamang niya ang ginagasta. Binibigyan siya ng P200 a week ng ina, ng kalimitan ay binabahagi pa rin sa mga kapatid tulad nang magtopnotcher si Maritess sa klase. Binigyan niya ito ng P20.00 bilang premyo. Dito ay kinukuha pa rin niya ang pambile nang ilang damit at di dahil sa pinagdadamutan ina kundi Vi does not ask. Pinaghuhusto ang kanyang allowance. Magrebelde kaya si Vi sa ganitong pasunod ng mga magulong, gayong mapagmamalaki naman niyang siya ang kumikita na rin tulad ng father at mother?


Minsan ay tuwang tuwa na ikinuwento ni G. Amado Santos na father ni Vi, napakasuwerte raw nilang mag-asawa. Imagine raw ng minsan ay masayang masaya na umuwi si Vi kasama ng ina, buhat sa pamimili. "Ay nadaya ko si Mama! Siya ang nagbayad ng blouse na ito. Ang sweet sweet po naman ng mama ko!" at walang higit na pinupopog ng halik ang ina. Nangiti lamang...silang mag-asawa sa pagsasalimuot ay sana manatiling gayong kabait ang anak nila. Kung tutuusin ay sa kinikita ni Vi ay kahit ano kaya niyang bilhin, ngunit higit siyang maligaya na mapabilang sa mga mahal na kapatid. Tutungo roon at siyang bumubili. Batid nilang dahil sa pelikula kailangang ni Vi ng pambihirang mga damit at kagamitan. Lahat nang ito ay ipinauubaya ni Vi sa ina. Parang siyang-siya siya that there is somebody else to take care of things for her, someone who had known her all her life. And because she respects her mother's business accumen, Vi and Mrs Santos used to sit up nights, making plans and later on making it up with the rest of the members of the family. Hanggang sa mga sandaling ito, hindi pa nagre-resign o nagre-retire si Mr. Santos sa kanyang gawain sa isang booking office. Sa kanyang pakiwari, itinuturing pa hanggang ngayon ni Vi na isang privilege na ang mapabilang sa kanyang mga kapatid at mapamahal sa mga ito.


Isa na ring kaligayahan niyang isipin na siya ay pinagagastusan ng kanyang parents. Lahat ng kinikita ni Vi ay pino-program ng kanyang mga parents. Namimili sila ng lupa, noong nagsisimula siya (mga 9 na taon gulang) namili na rin ng bahay at ang balak pa rin pumasok sa isang negosyo na malaki ang maitutulong sa suliranin ng tourism sa bansa, ang pagpapatayo ng gusaling puedeng makatawag sa housing problems sa ngayon. At sa mga Santoses, mula pa kay Vi...na siyang nagpasiya nito...may kabuhayan silang lahat, may bahagi sa kanilang pinagsikapan, sapagkat sila ang family who lives and loves together...lahat ay galak sa kasiyahan sa mga tagumpay ni Vi sapagkat itinuturing nilang kanilang tagumpay rin tio at si Vi naman ay walang atubili ng pagtanggap ng kanilang mga tulong at kalinga. Vi knows what money can do for their family but it has not yet occured to her what it can do for her only! Vi has never been placed in a position na inisip niyang siya ang workhorse...because she now makes the decisions. The whole household is made to revolve around her and the demands of her profession, without losing sight at the idea that she is a member of a whole and not the whole thing. Father and mother are the principal personalities in the vortex and Vi is just another daughter, able to make full use of her profession. And this is what makes life beautiful for Vi, being fullfilled as a professional and yet remaining a daughter of a family, "belonging" to someone, that "sense of belonging" providing her the security so essential to people in her profession. - TSS Magazine, No. 169, 08 Feb 1974