Pages

Thursday, January 16, 2014

Mga "Kakuwanan" ni Vil sa Bahay


Dalagang-dalaga na si Vi. Dyan. Maging sa kilos ay hindi na sugar n spice in everythin' nice. Deliciously adult na. Ngunit, seems na hindi niya completely ma-shake-off ang teenage kakuwanan niya. Kahit anong pilit niya, they always come back. Kaya't sa kanila, madalas ay napapakamot na lang ng ulo ang mga kasambahay niya. For instance, kung minsa'y magigising si Vi ng ala-5 ng umaga (What an unholy hour!). Ang gagawin pupunta sa kusina at maghahanap na kung ano ang puwede niyang lutuin. (Yup, luvs, yes read right.) O kundin man magluluto, basta't mag-iimbento siya ng putahe. Tulad ng minsan, Mommy, kabukas-bukas ko ng refrigerator, I saw mga naging mansanas, papaya, avocado. Sabi ko kay Marie (Balbacui) na ilabas lahat. Maya-maya, hiniwa-hiwa na namin ang fruits. 'Tapos pinakuha ko ang mayonaise, leche condensada. Siya. Pinaghalo-halo ko na! Then ibinalik ko sa refrigerator. After one hour, sabi ko'y tamang-tama nang kainin. Tinikman ko, aba'y may nalasa ba naman akong mapait-pait. Alam mo bang ano iyon? 'Yun pala, hindi natalupan ang avocado! Patay! Speaking of the refrigerator, kahit na si Vi ang nagbukas nito, pagdating niya mula sa trabaho, bago siya matulog at basta nasa bahay siya every now and then ay ginagawa niya ito. Wala namang purpose. Basta't sisilip lang sa loob!

At si Vi basta't kumakain lalo na kung naka-kamay, panay ang back sa mga daliri niya. Para bang ang lahat ng kinakai'y licking' good. At sa pagdila niya sa mga daliri, laging kalingkingan ang inuuna. It is always that way. At si Vi, basta't ganado sa kinakain, kausapin mo nang kausapin, no pansin ka. Para bang ang concentration niya'y nasa pagkaing lahat. Lalo na't kung butong pagkuwan. Nakakaubos siya nito ng isang supot. Kulay suka na ang labi, arya pa rin ng kukot ng butong pakuwan. Let's say naman na mula 10 piyem hanggang alas-3 ng umaga'y nakatulog na si Vi. Babangon iyan, magso-shorts at skipper at lalabas ng bahay, maglalakad na sa paligid-ligid ng kanilang bahay. After one hour, uwi siya uli, suot uli ng pajama at bagsak uli sa kama. Maya-maya, tulog na. Parang walang anumang ginawa. May gabi pa si Vi na laging inaabangan ng mga kasama sa bahay na gawin niya. At kung hindi gawin nito, dissapointed sila. Iyon bang bago umalis, lahat ng salamin ay daraanan at sisilip doon. Hindi para manalamin lang. Basta't naging habit na niya iyon. Oh yes, luvs. Palagay nating sinumpong si Vi na magluto (o mag-concot ng anumang makakain...niya), at magma-manjong o magbibinggo o anuman ang ilang kasambahay niya, ipatatanong kung gusto ng mga itong matikman ang kanyang lulutuin. At pag hindi pinansin ang pagtatanong niya ay siya...pag nakaluto na siya at saka the group voice their desire na sampolin ang niluto ni Vi...sorry na lang. Hindi na sila patitikman. Iirapan pa niya ang grupo. Dalaga na nga si Vi. Ngunit, hindi pa rin niya maiwawaksi ang ilang teenage kakuwanan niya. Maybe, that's why she looks as young as always. - Cleo Cruz, Bulaklak, No. 164, 21 Aug 1974

Cleo Cruz, Vilma Santos' publicist in the early part of her movie career, Vi normally calls her, "Mommy" or Mommy Cleo. Now retired from entertainment journalism, Cleo Cruz is reportedly now living in the United States. She referred Vi's followers in many of her columns and articles as "Luvs." - RV