Pages

Thursday, July 5, 2018

Hindi Pa Ako Kasal - Vilma


Ate Mers, please lang, o...pakilinaw mo naman sa kanila na hindi totoo ýung balita na kasal na raw ako. Kami ni Bobot. Ito ang parang batang sumbong at ungot ni Vilma nang makita kami sa set nila ni Jay ng "Tsimosang Tindera" sa may LVN. Iyan nga rin ang itatanong ko sana sa 'yo e. Balitang balitang-balita, a. Na secretly married na raw kayo ni Bobot. Sa Cavite pa raw. Diyos ko, Ate Mers. Hindi totoo ýan. Iyan din nga ang itinatanong sa akin ni Mommy Cora (Mommy ni Jay) kanina. Kung kasal na raw ako. Naku, sabi ko hindi! Ow, baka naman totoo na nga. Ayaw mo pang aminin wala namang masama roon. Pati ba naman ako paglilihiman mo pa. "Well, kunsabagay, hindi na nga pala ako kasali ngayon sa mga taong pinatatapatan mo. Panghuhuli kong wika. Medyo drama effect ang sound. Take one baga. Ito talaga si Ate Mers, oo! Palibhasa'y wala na aksing panahon ngayon kay Vilma 'tapos ako pa ngayon ang babaligtarin mo kaya nga ikaw ang sinasabihan ko nitong tsismis na kumakalat sa aking ngayon dahil hindi na kita itinuturing na iba. Para ipagtanggol mo ako. Pero iyon naman e, kung mahal mo pa si Vilma Santos. Kung hindi na, okay lang. Ganting drama naman nito.

Ooops, teka...teka. Drama na naman tayo niyan eh! Tuwing magkikita tayo, eksena na natin 'yan. O sige. Serious na tayo muna. O, anong problema natin, Kid? Iyon na nga. Kalat na kalat na kasal na raw ako ngayon. Oo nga eh. At balita pa na husband and wife na raw kayo ni Bobot diyan sa bagong bahay n'yo sa may Fairview. Diyos ko naman, hindi totoo 'yon. I swear. Maski mamatay man kaming lahat ngayon. Bakit hindi ko aamninin kung kasal na akong talaga e, wala namang masama roon? Ang kaso nga lang, hindi naman totoo e. Kung kasal na ako, ibubulgar ko, ba't hindi. Hindi ko ikakahiya at itatago na nagpakasal ako sa lalaking mahal ko. Dahil para sa akin, to marry the man I love would be the greatest event in my whole life, so bakit ko ide-deny 'yon? Okay...okay. Relaz, Kid. So hindi pa kayo kasal? Hindi pa talaga. Totoo 'yan? Totoong-totoo. Honest. Ang hirap naman sa'yo, parang hindi mo ako kilala eh. Kabisado mo naman ako, di ba? Pero may plano na kayong pakasal sa taong ito? A, wala pa. Desidido pa ako ngayong magpakasawa sa pagiging dalaga. Isa pa, deeply involved ako ngayon sa aking movie career. E, ano 'yung nabalitaan ko na ikakasal ka na raw sa Feb 4? Sinong nagsabi sa 'yo niyan?

Wala. Basta 'yan ang balita ko, e. Aw, come on. Alam ko may nagsabi sa 'yo niyan. Sabi na naman sa 'yong wala, e. Balita ko lang 'yon. Ow, mayroon alam ko. Dahil isang tao lang ang pinagsabihan ko niyan. O, kita mo na. Di totoo nga 'yung Feb 4. Hindi. Lokohan lang namin 'yon. Nino? asked ko kunwari. Hus, kunwari pa raw 'to e, alam ko namang alam mo kung sino. Dahil siya lang ang pinagsabihan ko niyan. Sino nga ba 'yon? Sabihin mo. Si Jay sino pa. Talaga 'yang Ilagan na 'yan, makikita niya. O, ikaw ang nagsabi niyan, ha. Wala akong binabanggit na pangalan ni Jay. Hindi, ang totoo Ate Mers, lokohan lang naming dalawa 'yon. Usapan pa nga namin double wedding kami, e. Sa Feb 4 nga. Hindi na. Ayaw ko. Nagbago na ng date si Jay. Sinabi niya sa amin sa February 14 siya pakakasal. Sa St. Andrew Church pa nga e. Hus, maniwal ka doon. Puro goodtime 'yon. Stir lang 'yon tulad nang wedding supposed to be ko sa Feb 4. Talaga 'yang si Jay na yan, oo. So talagang hindi totoo 'yung balita na kasal ka na? O, eto ka na naman. Sabi nang hindi...hindi and a thousang hindi. Hindi pa kasali 'yon sa mga plano ko sa ngayon.

So, no wedding plans for you yet this '73, ha? -paniniyak ko. Mahaba pa ang taong 1973. Ngayon pa lang tayo nag-uumpisa. Anything, can always happen kaya ayoko munang mag-comment. It depends. Malay natin. So, may possibility? U-hurmnnn. Ikaw talaga, Ate Mers, ha. Hinuhuli mo ako talaga ano. Kabisado na kita e. -At tumawa siya. Tawang Vilma Santos pa rin na kilala ko. 'Yung Vilma na hindi artista. O, ngayon kid, anong gusto mong i-headline na natin dito. Basta sabihin mo na lang sa kanila, pag ikinasal ako, ibubulgar ko. Hindi ko itatago. Lahat makakaalam. Promise 'yan. Please lang Ate Mers, ha. Ikaw na ang bahala. OO, ba. Basta ikaw. Hayaan mo. Bukas na bukas din, ihe-headline natin....Vilma Santos Ikakasal na sa Katapusan! Okaw ba 'yon? Ano? pabigla nitong tanong. Sa katapusan...sa katapusan ng mundo! And what d'ya expect? Kurot. Tawanan. Habulan. Iyan lang naman ang ending ng usapan namin nang hapong iyon. But one thing is maliwanag na ngayon, ha? Hindi pa kasal si Vilma. Take my word okay? - Mercy S. Lejarde, Bulaklak Magazine, 05 February 1973, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)