Pages

Sunday, January 10, 2016

News Clippings 2015 1/2


Fan Club Rivalries - "...Nora Aunor and Vilma Santos, giants of the Philippine movie industry, are both just about five feet tall. But height is their only common denominator physically. As far as their other physical features go, the two petite award-winning actresses are as different as night and day. The Superstar was the little brown girl of androgynous build who broke the mold of the typical movie star, back in the time when stardom was equated with strikingly fine mestiza features. The Star For All Seasons, on the other hand, while she was not the willowy type, had fair skin and curves in the right places, which she would later show to great advantage in movies such as Burlesque Queen and Darna. Back in the days when they were young stars, Guy and Vi were also the reigning monarchs of two empires that were perpetually at war- the empires of their fanatical followers. So intense was the fanaticism of those fans that it spawned two new words in the Pinoy vocabulary: Noranians and Vilmanians. "Pati mga reporter noon talagang polarised," veteran talent manager Lolit Solis recalls. "Talagang may distinction. Pag Nora ka, Nora. Pag Vilma ka, Vilma e, di ba, gaga-gaga ako? Noong una, maka-Nora, so write ko siya lagi. Nakakatanggap ako ng tawag sa telepono mula sa Vilmanians: "Alam namin kung saan nag-aarawl ang anak mo! Mag-ingat ka!" later, naging kay Vilma na ako. Nagalit sa 'kin ang mga Noranians! "Balimbing ka! Ang bait-bait sa iyo ni Ate Guy! Wala kang utang na loob" Grabe, maloloka ka talaga!..." - 100 Most Beautiful Issue, YES! Magazine 2007

Faces Immortalized on Screen - "...Though she has become a successful politician, recently moving up from city mayor to provincial governor, Vilma Santos remains one of the country's best actresses. In Mike de Leon's Sister Stella L, she portrays a nun who experiences a political awakening. This is one of Vilma's most important, says indi filmmaker Seymour Barros Sanchez: "Nag-transform kasi siya from a bold star sa Burlesk Queen, Alyas Baby Tsina, et cetera, to a serious actress sa pelikulang me political na tema, gaya ng Sister Stella L." Vilma would later tell screenwriter Pete Lacaba that she was already in politica when she really understood some of the dialogue she delivered in the film. Yet, consummate actress that she is, she made her words ring with utmost conviction on screen, and the line she utters at a climatic moment in Sister Stella L. continue to reverberate to this day: "Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?..." - 100 Most Beautiful Issue, YES! Magazine 2007

1981 MMFF Parade - "...Hindi talaga mapapantayan sa kasayahan at kaguluhan ang tradisyunal na parada ng mga artista na ginaganap tuwing ilulunsad ang Metro Manila Film Festival. Tulad na lamang noong December 24, nasaksihan muli ng publiko ang karangyaan ng mga karosa na pumarada sa kahabaan ng Roxas Blvd. bilang hudyat sa pagsisimula ng 1981 Metro Manila Filmfest. Sampung makukulay na karosa na simbulo ng kani-kanilang kinatawanang pelikula, and ipinagbunyi ng libu-libong movie fans mula sa lahat ng antas ng buhay; ang iba ay nanggaling pa sa malalayong lalawigan na nagsadya sa Roxas blvd upang saksihan ang kani-kanilang paboritong artista..." - Exclusive Photos by Min Rosales and Mar Salabit

Best Filipino Actress of All Time - "...Celso Ad. Castillo transformed this former child star and box-office teen star into his Burlesk Queen, and Vilma Santos never looked back. Emotionally open, physical, and articulate, she has an acting style that is diametrically opposed to that of Aunor, her contemporary and competitor. Memorable in Bernalès Relasyon, Broken Marriage, and Ikaw ay Akin; Gil Portes' Miss X; and Mike de Leon's Sister Stella L., she was underrated but spectacular as the small-town mayor (actually, the wife of small town mayor, played by Eric Quizon) in Brocka's Hahamakin ang Lahat, as the Aids victim in Laurice Guillen's Dolzura Cortez Story, and as a conflicted mother in two Chito Roño films, Bata Bata Paano Ka Ginawa and Dekada '70..." - Yes! Magazine, September 2004

Golden Screen Nominee - "...Pahuhuli ba naman ang nag-iisang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa kanyang pagganap bilang Lilia Chiong Yang sa "Mano Po 3: My Love?" Wala na ngang dapat pagtalunan kung husay din lang sa pag-arte ang pag-uusapan. Inaasahan na natin ang di rin mapapantayang galing ni Vilma. Sa Mano Po3..., kinain nang buuong buo ni Vilma ang kanyang kaeksena. Wala ngang maitatapon sa mga ipinakita niyang pagganap. Lalo ang eksena niya kasama sina Boots Anson-Roa sa loob ng kanyang opisina, napakahusay niya dito. Ganun din ang eksenang mamimili kung kanino siya sasakay; kay Michael (Christopher de Leon) o sa asawa niyang si Paul (Jay Manalo). Tulad ng karibal niyang si Nora, palaging may kakaibang ipinakikita si Vilma sa bawat pelikula niya. Kaya naman talagang kaabang-abang ang bawat character na kanyang ipo-portray. Kahit na maraming mga mahuhusay na aktres pa ang magsidatingan, mahihirapan pa rin silang pantayan ang kahusayan ni Vilma, na patuloy na nagniningning sa anumang panahon..." - Golden Screen 2005 Awards Night Souvenir

RP's Ten Best Dressed Actresses! - "...After that controversial survey of La Solis regarding the ten most beautiful actresses and the ten sexiest actors in local flickerville, now comes another hard-earned survey of our very own Erlinda Rapadas T. The RP's Ten Best Dressed Actresses! Whaddayaknow? Poor Lindy, she had gher sympathy of her day running and persuading these beautiful people in haute couture! Kuwento nga niya: "D'yos ko, mahigit na dalawang linggo kong pinaghahabol ang mga 'yan. Naranasan ko pang maisnab-isnab d'yan!" Poor Lindy, (sigh) roses for you for a job well done! -that's all we could utter. Oh before we give you the survey, here's an end note of a bitchy scribe who refused (dahling, refused with capital R) and sent a noe in an accent the Germans would be scandalized to read. Say ng dallink namin: "...my requirement for a best dressed person is he or she must have a natural flair. Also, elan, imagination, style, someone with a built-in glamour. And who (she's howing now) among our so-called stars have these attributes?" The question remain unaswered. German-nuts or not, here's an exciting venture to see through the lenses of the chosen people who scribbled their choices. Comments n'yo na lang ang hihintayin namin sa Letters to the editor. Happy scrutinizing! (-editor)..." - Erlinda Rapadas T., Modern Romances and True Confessions 18 Aug 1980

Pictorial: Once Upon a Time...Noong Silaý Bata Pa! - "Maaaring hindi nínyo paniwalaan, nguni't ang mga larawang matutunghayan ninyo sa pahinang ito ay tunay na kaanyuan ng inyong ilang paboritong bituin noong silaý bata pa. Sa katunayan kund hindi namin ilalathala rito ang kani-kanilang pangalan at pababayaan namin kayong hulaang isa-isa kung sinu-sino ang mga ito, natitiyak namin na mga isa o dalawa lamang ang inyong mahuhulaan sa dahilang silaý pawang mga bata pa noon. Katunayan pa rin ang karamihan sa mga itoý mga isang taong gulang lamang nang sila'y kunan ng mga ganitong larawan. Ang pinaka-dahilan ng paglalathala namin ng Special Feature na ito na aming itinuturing ay madulutan kayo ng kasiyahan at kalugurang mamalas ang inyong ilang paboritong bituin upand pagkatapos ay mawika ninyo sa inyong sarili na "Ganito pala ang paborito kong bituin noong maliit pa" kung sinuman ang bituing inyong paborito nalalathatla rito. Ngayon pa lamang, sa pagtunghay ninyong isa-isa sa mga paborito ninyong bituing ito, inaasahan namin na nakapagdulot kami sa inyo ng ganap na kasiyahan. Narito ang mga sumusunod..." - Julio F. Silverio, Kislap Magazine April 20 1978

Most Awarded Actresses - "...These icons and their incomparable contributions to cinema continue to inspire and endure as the benchmarks for the ultimate achievement in the craft of acting...The "Star for All Seasons" has defined generations and has consistently come out on top. When tasked to come up with a number of the most awarded actresses, Vilma Santos' name is sure to be on it. With nearly a hundred acting awards for both TV and film, she is not only the star for all seasons but all generations. Her most iconic films include Sister Stell L, Bata Bata Paano Ka Ginawa? and Relasyon for which she won the grand slam for Best Actress in 1982..." - The Pulse, October 2014

Tirso Jump to First Place! Vilma Retains Second Lead! Nora Slumps Down to Third! - "...Speaking of Vilma's fans, they also deserve a pat on the shoulder. Imagine to maintain the second lead is quite a record kaya we wont be surprised if in the coming bilangan kayo naman ang manalo...that is kung hindi gaganti ang maka-Nora at kung hindi dodoblihin ng maka-Pip ang efforts nila..." - Baby K. Jimenez, TSS Magazine, June 19, 1970

Vilma Santos, Darling of the Press Nominee - "...Sa pagdaan ng mga panahon, nananatiling mahal ng press si Vilma Santos, ang box-office queen. Patunay nito, sa kasalukuyang, tuwing may kontrobersiya o intrigang kinasasangkutan si Vi, hindi na ito pinalalaking gaano ng mga reporter. Ito ay dahil na rin sa magpahanggang ngayon, isa pa rin siya sa most likeable personalities in showbiz..." - Star Awards 1984

Lino Brocka, Movie Director of the Year Nominee (Aida Macaraed: Adultery Case No. 7892, Regal Films) - "...Sa aspektong teknikal, superor ang pelikulang ito, ebidensiya ng mabusising pagkahawak ni Brocka ng renda niya bilang direktor. Ang akting ng mga pangunahing tauhan ay kapansinan din ng tatak Brocka. Tulad ng nangingislap na mata ni Phlip habang nagbibitiw ng mga mabibigat na linya, ng sinukat sa tiyempong pagpatak ng luha sa kaliwang gilid ng kaliwang mata ni Vilma Santos, ng masusing pagkaka-orkestrang komprontasyon ng dalawa mula sa salas hanggang kuwarto at maraming maliliit na tagpong dramatiko ang lapat..." - Star Awards 1984

Vilma Santos, Movie Actress of the Year Nominee - "...Kasabay ng kanyang pag-alsa bilang reyna ng takilya, ay ang nakakakumbinse niyang pagganap sa no mang tauhang binibigyan niya ng buhay sa sinema. Sa hanay ng mga pelikulang ginawa niya sa nakaraang taon, namumukod ang kinang niyang iyon sa "Sister Stella L," kung saan siya gumanap bilang isang simpleng madre na unti-unting nagising sa dahas ng isang mapang-uring lipunan, at sa "Adultery," kung saan siya naging biktima ng isang materyalistikong kapaligiran..." - Star Awards 1984

Mike De Leon, Movie Director of the Year Nominee (Sister Stella L., Regal Films) - "...Sa pelikulang Sister Stell L napanagumpayan ni Mike de Leon na ipakita ang mga tunggaliang namamahay sa damdamin at isipan ng isang alagad ng Diyos sa katauhan ng isang madreng napagitna sa isang marahas na kapaligiran. Makatotohanan ang tunggali ng ipinakita ng pelikula, tunggaliang higit na mas malawak, ang tunggalian ng manggagawa at ng kapitalista..." - Star Awards 1984

"Sister Stella L.,"Movie of the Year Nominee (Regal Films) - "...Biglang lumawak ang daigdig ng isang madre nang mamulat ang kanyang mata sa tunay na daloy ng buhay sa mga manggagawang nagwewelga. Mapuwersa ang istoryang ito ukol sa pag-aalsa ng maliliit laban sa kapitalista at kung paano masangkot sa kanila ang isang madreng datiý kuntento na sa kanyang dating gawaing itinalaga lamang ng kanilang kongregasyon. Tunay na nakaaantig damdamin ang Sister Stella L at ang teknikal na bahagi nito ay totoong mataas na uri, pati na ang pagbibigay buhay na mga artista sa kani-kanilang mga papel..." - Star Awards 1984

"Aida Macaraeg: Adultery Case No. 7892,"Movie of the Year Nominee (Regal Films) - "...Malalaking komplikasyon ang kinasuotan sa buhay ng isang babaeng nabilanggo ang asawa at naging kerida ng isang mayaman at may edad na lalaki. Ang tinamasang seguridad ni Aida Macaraeg, ang pangunahing tauhan sa istorya sa piling ng kanyang pangalawang "asawa" ay biglang naglaho ng lumabas sa piitan ang kanyang tunay na asawa. Humantong sa hukuman ang kaso, hanggang sa di-inaasahang masayang pagtatapos ng istorya, na lubhang taliwas sa mga naunang obra ni Brocka..." - Star Awards 1984

"Alyas Baby Tsina,"Movie of the Year Nominee (Viva Films) - "...Isa pang kasaysayan hango sa tunay na buhay, ang pelikulang ito ni Marilou Abaya. Bawat tagpo ay pinalabukan ng mabusising sinematograpiya at detalyadong disenyong pampelikula..." - Star Awards 1984

Those Uncertain Years - "...Vilma Santos, Everyone passes through a phase in life where one is neither a grow-up, yet not a child, any longer and it is usually during these uncertain years that parents have their difficult moments bringing up children to adulthood. Fortunately, however, Vilma Santos has not given her parents this problem at all. Even as a child, she seemed far so advanced for her age, her capacity for understanding people and situations often astounded movie folks. She was first discovered as a child actress in a dramatic series on television, Larawan Ng Buhay, and has eversince appeared in almost all the movie-making outfits in the country. Her latest dramatic portrayal in De Colores garnered for her the most coveted nomination as a finalist in the Best Supporting Actress category. It is predicted that the lovely teener will emerge a dramatic star along the caliber of a Lolita Rodriguez or a Marlene Dauden. She appears as Imee (President and Mrs. Marcos eldest daughter in the films Pinagbuklod ng Langit..." - Movielife Magazine, July1969

Alin Ang Mauuna? Nora-Edgar Pictorial o Vilma-Tirso Pictorial? - "...War ngayon sina Guy & Pip. Kaya marami ang nagsasabi, tiyak daw na gagawa ng paraan ang dalawa ngayon para mai-pictorial sila na iba ang kapareha. Pasakitan, ang sabi nga. At mas magaling daw kung si Pip ay mai-pictorial kay Vilma Santos. At si Nora naman kay Edgar Mortiz. At dahil nga dito, according to some realible sources, naguunahan daw ngayon sina Guy & Pip sa kung sino sa kanila ang mauuna na mai-pictorial na kasama nga si Vi at Edgar. Balitang ang mas gumagawa raw bng paraan ngayon ay ang kampo ng mga Tirsonians. Lagi raw pumupunta ngayon ang ilang Tirsonians sa bahay nina Vil sa may Project 6 para himukin daw si Vilma na makipag-pictorial kay Pip. Sang-ayon naman sa ilang source na maka-Vilma-Edgar, hindi raw kumporme ang kanilang mga idolo sa bagay na ito. Kung nagkakagalit man daw sina Tirso at Nora, bakit daw kailangang isali pa sila sa gulo nila? Sa tinuran nilang ito, naisip namin...ito kaya ang dahilan kung bakit parang nilayuan nina Vilma at Edgar si Nora nang minsang magkita-kita sila sa FLAME? Sumama raw ng husto ang loob ni Nora dahil dito. Ini-snob daw siya ng dalawa gayong siya na nga ang lumapit. Ito ang sumbong niya sa ilang taong close sa kanya. Pero ayon naman sa panig nina Vilma, hindi naman daw nila ini-snob si Nora nang gabing iyon. Binati naman daw nila si Nora. Hindi nga lang daw sila nakipag-usap dito nang matagal dahil may kasama itong reporter nuon at may daw raw si Norang dalawang kamera. Kaya para raw hindi sila makunan ng larawan naglaro na lang daw ang dalawa ng slot machine. Dahil daw kasi, may usapan sina Vilma at Edgar na kung papayag si Edgar na mai-pictorial kay Nora ay papayag na rin daw si Vilma na mai-pictorial kay Tirso. Ang question nga lang ay kung sino sa kanila ang mauuna. Tsk-tsk-tsk, ang labo!..." - Mercy Lejarde

Faces Immortalized on Screen - "...Though she has become a successful politician, recently moving up from city mayor to provincial governor, Vilma Santos remains one of the country's best actresses. In Mike de Leon's Sister Stella L, she portrays a nun who experiences a political awakening. This is one of Vilma's most important, says indi filmmaker Seymour Barros Sanchez: "Nag-transform kasi siya from a bold star sa Burlesk Queen, Alyas Baby Tsina, et cetera, to a serious actress sa pelikulang me political na tema, gaya ng Sister Stella L." Vilma would later tell screenwriter Pete Lacaba that she was already in politica when she really understood some of the dialogue she delivered in the film. Yet, consummate actress that she is, she made her words ring with utmost conviction on screen, and the line she utters at a climatic moment in Sister Stella L. continue to reverberate to this day: "Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?..." - YES! 100 Most Beautiful 2007

One on One for Number 1 - "...Mahalagang Balita: Tinatawagang pansin ng Kislap Magasin ang lahat ng Noranian at Vilmanians!!! Ito na ang inyong pagkakataon upang patunayan kung sino ang no. 1 - si Nora o si Vilma? Ang lahat ng ito ay sasagutin ng "One on One for No. 1 (Round One)." Isang malaking hamon sa bawat panig ang patimpalak na ito. Itaguyod ang inyong bituin at manalo ng mga sorpresang gamtimpala na ipinagkakaloob sa mapapalad ng fans na magtataguyod ng kanilang kandidata!!! Ang patimpalak ay sinimulan noong Mayo 5 at tatagal hanggang Hulyo 15, 1980. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Kislap Magasin!!!..." - Pilipino Reporter

Young Superstars & Money Makers - "...Never in the history of RP Movies is there so many young superstars and money makers than in the late sixties and early seventies. Superstar Nora Aunor, the reigning movie queen started her showbiz career at the age of 14 wayback in 1967 and has since then hold on the crown. Another superstar Vilma Santos was a child actress and begun her big time movies at the age of 16 in 1969 along with her screen sweetheart Edgar Mortiz, a fifteener in 1969. Their loveteam blossomed into the most durable loveteam of RP movies. Another child actor, Jay Ilagan hit the big time in 1969 while he was only 14. Still, another would-be superstar and a box-office draw is beauteous Hilda Koronel who entered the movies in 1969 at the tender age of 13. And of course, there is Tirso Cruz III or simply TC III or Pip who crashed into the showbiz world in 1967 when he was just 17. Today, these yound superstars are raking in money not only in the box-office but also in their recordings, TV-Radio shows and personal shows, which is unheard off sa kanilang older counterparts kahit noong heydays ng mga ito..." - Pilipino Movie Alamanac, Showbiz Reporter Magazine

Darna and Super Gee - "...The first of the legendary comic characters created by Mars Ravelo na binigyan buhay ng iba't ibang glamorous stars in the late '50s up to the '60s Rosa Del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes to name a few. The Darna series, Darna at ang Babaing Lawin, Darna at ang Impakto, Darna at ang Babaing Tuod, at iba pa, were all box office hits. The series catapulted the stars towards stardom. Then, in mid 1973, Vilma Santos, staged a Darna comeback in Lipad, Darna, Lipad na naging biggest box office draw, now her home studio Tagalog ilang-ilang Productions is planning a series of Darna flick beginning with their Christmas offering Darna and the Giants. On the heels of the fantastic success at the box offcie of Lipad Darna Lipad, the reigning queen of R.P. Movies, Nora Aunor, The Superstar decided on breathing life to Super Gee, another comic character created by Zoila in the celluloid. At the beginning of the productions, there were skeptics and critics that the superstar was hitching on a wrond bandwagon...yet, Guy proved to all that she could very well carry the character to box-office success when Super Gee with the second offering tentatively titled Super Gee is Back and hopes to continue the sequel not only for the country's cinema houses but also for television..." - Pilipino Movie Alamanac, Showbiz Reporter Magazine

Ang Favorite Christmas Date ni Tirso - Hindi mapapasubalian sa ngayon, ang pinakatanyag sa ating mga kabataang bituin ay si Tirso Cruz III. Halos kabi-kabila ang kanyang mga pelikula. Hindi pa niya natatapos ang Fiesta Extravaganza '71, New Year's at Anniversary offering ng Sampaguita Pictures, ay nakatakda na siyang gumanap uli sa Valentine offering ng nasabing kompanya, ang My Heart Belongs to Daddy. Katulad ng alam na ninyo, makakapareha niya dito ang pinakabata sa ating mga superstars. Ang ibig naming sabihin, si Snooky. Pip, besides has also contacted by Lea Productions to do a movie with their favorite protege, Hilda Koronel. Indeed, what more can a guy like him ask for? Surprisingly, maraming baga na minimithi si Pip na hindi niya naisasakatuparan sa dahilang isa siyang tanyag na bituin. Mga simpleng bagay. Katulad, halimbawa ng pakikipag-date. Ibigin man niyang makasama ang isang babae na kanyang nagugustuhan sa mga pagtitipon ay hindi maaari. At ang dahilan, tiyak na saan man siya pumunta ay tiyak na magkakaroon ng commotion. At hindi ba, kung ikaw ay nakikipag-date, ibig mong magkaroon ng privacy? Ang mangyayari ay magiging quire embarassing sa kanyang date. Isang bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari. Sa paskong ito, ibig ni Pip na magkaroon ng date. "Its high time na I go out with a girl in a public place, hindi ba?" sabi niyang pakindat-kindat pa. "Binata yata ako. Puwedeng puwede nang manligaw."

This early, mayroon siyang alam na lugar na disente na pupuntahan. Dalhin man niya doon ang kanyang date, maging ito man ang kanyang nilalangit, ay tiyak na walang makikialam sa kanila. Kasi ba naman, exclusive and place. And they come out with real fun music something which Pipp really likes. Tiyak na puwede siyang makipagsayaw sa kanyang date without anyone bothering them. Nguni't may problema siya. Hinsi niya alam kung sino sa kanyang mga kakilalang babae and kanyang aanyayahang lumabas sa Pasko...Si Hilda kaya...Si Sahlee Quizon...how about Aurora Salve...Eh, si Vilma Santos? "Gusto mo bang magkagalit kami ni Bobot. Ang Ibig kong sabihin si Edgar Mortiz. Alam naman ninyo ang dalawang iyang. Sparing partner." saad ni Pip. Sino? Tiyak na hindi si Nora. Nasa Hollywood siya hindi ba? "Si Nora sana, kung nandito siya," sagot niya. "On second thought, hindi na lang yata ako lalabas. Sa bahay na lang ako magce-celebrate ng Pasko. This way, I'll make my family happy. I'll invite na lang girls in my life na makipamasko sa amin. Kung ibig nila. Isa pa, this way, I'll be able to celebrate Christmas with my family. At sila ang talagang mahal ko." - Movielife, December 1970

Takot sa Ahas - Sa paggawa ng pelikula, kung maringgan man ng pagdaing si Vilma Santos ay bihirang-bihira. Nangyayari lang ito kung ipagpalagay nating siya'y may dinaramdam, hapong-hapo at talagang hindi na makakaya ng katawang humarap sa kamera kahit ibigin niya. Gayon man, kung nagkataong napakahalaga ng eksena at kinakailangang gawin niya, kahit anong sama ng pakiramdam niya'y humaharap siay sa kamera. At sa pagtungo niya sa set o location, lagi siyang nasa oras. Kung maatraso ma'y saglit lang. Ganyan ka-professinal si Vilma Santos. Ngunit sa Lipad, Darna, Lipad ay dumaraing siya. Hindi sa hindi niya enjoy gawin ito. Ang totoo'y sa pelikulang ito lang siya na-involved. Ibig na niyang matapos na ito't makita ang pinagpaguran niya. Talaga palang mahirap gumawa ng costumes picture. Lalo pa't kung tulad nito! Una ang naging suliranin namin ay ang Darna costumes ko. Kasi kinakailangan maging maliksi ang kilos ko bilang Darna, kaya kailangang alisin na ang padding. Kaso nga lilitaw naman ang malaking bahagi ng aking katawan. Mabuti na lang at sumang-ayon ang aking fans. "Pangalawa, nag-aalala ako sa mga eksenang bakbakan namin nina Gloria Romero, Celia Rodriguez at Liza Lorena. Kasi baka masaktan ko sila nang di sinasadya. Ang pangatlo ay ang likas ng pagkatakot ko...sa mga ahas. Kasi may bahagi roong tungkol sa Babaing Ahas, si Valentina. Dito, laging kailangan ang ahas sa mga eksena. Mga sari-saring ahas. Maliliit at malalaki. At makamandag! Ang pinakamahirap sa lahat ay ang pag-su-shooting. Kailangan naming tapusin ito anuman ang mangyari. Kaya nasasagap ko ang lamig ng gabi at init ng araw. At ang suot ko nga'y labas ang malaking bahagi ng katawan! At alam n'yo namang kailang lang ay naospital ako dahil sa respiratory defects!" Ito ang daing ni Vilma Santos sa pinakamahirap niyang pelikula, ang Lipad, Darna, Lipad. Ngunit mahihinuha naman ninyo na ang pagdaing niya'y parang paglalambing lang. Dinaraan pa nga niyang lahat sa biro. Pagka't ang tutoo, mahal na mahal niya ang pelikulang ito. Dahil ito nga ang pinakamahirap. At sa isang artista, kung alin ang pinakamahirap ay siya namang pinakamasarap! - Cleo Cruz, Love Story Magazine, 1973

Makulay Ang FAMAS Awards Night sa MET! - "...Tears and joy ang kabuuan ng FAMAS Awards Night last November 21 sa MET. Halos sumabog ang said theaters sa dami ng tao, may involvement o wala sa showbiz ay naroroon that memorable night. Surprisingly, ang daming mukhang hindi dumadalo sa nakaraang FAMAS Awards ay nagsulputan! They expected a lot sa mga nagbabagong magaganap dito. At hindi naman sila nabigo sa kanilang expectations. Tunay na iba ang naganap sa FAMAS ngayon, compared sa mga nakaraan. The simplest ito. Puro madarama ang katapatan ng layunin ng mga taong nagpapagalaw ngayon. Kahit paano ay umabot pa sa ganoon ang FAMAS, kahit sakat sa kagarbuhan ay buhay pa rin ito. Pampadagdag sigla sa local movie industry. Iyan ay dapat ipagpasalamat! Makikia sa mga photos na naririto ang hindi maipaliwanag na kaligayahan para msa nagwagi. Deserving naman ang kanilang pagkapanalo. Iyan ang bunga ng kanilang pagsisikap at pagtitiyaga at pagbibigay kulay...ang FAMAS trophy! Nanalo si Mat Ranillo bilang Best Actor, Susan Roces as Best Actress. Sina George Estregan at Angie Ferro naman as Best Supporting Actor/Actress. Tinanggap ng VS Films ni Vilma Santos ang karangalan para sa Best Picture category sa pelikulang "Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak" at Best Director si Celso Ad. Castillo. Best Child Performer naman sina Niño Muhlach at Julie Vega. Iyan ay para sa year '78 ng FAMAS. Para duon sa mga hindi nagwagi, sabi ngaý better luck next time. Alam ng lahat na nagsikap din sila, at iya'y isa nang magandang pahiwatig na may malaking pag-asa sila para sa FAMAS ay darating na panahon. At paghahandaan na nila ng dobleng sikap. Congratulation para sa lahat at inaasahan naman magtatagpo pang muli sa next FAMAS Awards Night!..." - Nards Sangalang, 3 December 1979

Hindi Kami Close - "...Nakakataba sa puso ko nung sabihin niya sa akin na sia ako sa mga hinahangaan niyang artista noong nagsisimula pa lang ako. Ilang beses daw niyang pinanood ang Trudis Liit. Kahit pa sabihing kami ang tunay na magkaribal talaga sa showbiz, the fact remains pa rin na magkumare kami. Hindi namin hinahaluan ng ka-showbiz0an ang aming friendship. Pinag-aaway man kami, e sa pelikula lang 'yon. Hindi naman pinaabot ito sa ulo. Kung close friends kami, ang totoo niyan, magkaibigan kami, pero hindi talaga kami ganun ka-close. Ang mga maituturing kong close friends, e sina Coney, Helen at Tina. Yes, dati-rati, e madalas kaming magtawagan sa telepono, lalo na kapag may problema siya. Kaya lang ngayon, e hindi na. Masyado na kamign busy pareho! Nami-miss ko na nga yung time na madalas pa kaming nagki-keep in touch eh. Pero overall, wala akong masasabi sa kumare ko. Tagahanga rin niya ako sa kanyang pag-arte. That's true! Hindi showbiz 'yon. Kami ba naman e maglolokohan pa?" pabirong wika ng Star For All Seasons..." - Monti C. Tirasol, Bandera Magazine, November 1991

Hindi Naiinggit - Naiinggit siya kay Vilma ngayon dahil mas sikat ito sa kanya. "...Bakit naman ako maiinggit? Kahit papaano, e, pinaggaaman kami niyan. Kumare ko pa siay. No. Hindi totoo yon. Siguro noon, e pumapasok sa isip namin yung mga ganoong bagay, dala na rin ng aming kabataan at that time na the height ng aming kasikatan. Pero ngayon e, hindi ko masasabing naiinggit ako sa kanya. Ang totoo pa nga niyan e masayang masaya ako para sa kanya! Sa aming pagkakaibigan lalo na ngayon, yung pagnanais na magtagumpay ang sinuman sa aming dalawa ang nangingibabaw. Walang halong kaplastikan ito. Sinasabi nila na naiinggit ako dahil may weekly show siya, tapos e mas madalas siyang gumawa ng pelikula sa akin. Wala 'yon sa akin e. Pana-panahon naman yun e di ba? Basta ako, kung sakaling manalo man siya ng awards, magkaroon siya ng bagong show, matuloy na yung kasal niya, basta everything na positive at good news, kahit na hindi mangyayari pa sa akin, I am very happy para sa kanya! Matatanda na kami para magkainggitan huh!..." - Monti Tirasol, Bandera Magazine, November 1991

Vi Likes Meng Fei - "...Si Vi likes Meng Fei, but she emphasize that liking is very much different from loving. Biniro namin siya na para sa kanya'y maaaring ganoon. But how about Bot? "Ang Mommy Cleo naman! Parang di na kabisado si Bot! Oo, noo'y halos type niya noon. Pero, hindi na ngayon. Ang Tutoo, like ni Bot si Meng Fei! Mukhang okey naman daw ito't isang maginoo. Gagalangin daw ako. He considers Meng Fei na any other na manliligaw sa akin. Pagka't binata raw si Meng Fei, there is nothing wrong kung lumigaw siya sa akin. Na, isang dalaga naman. Kaya bakit naman daw siya magagalit?" then she laughed mischiviously...Batay sa mga balita, inevitable na dumating ang "pangyayari" ang lumigaw na si Meng Fei sa kanya. What then? Kunwa'y napahumindig si Vi. "Aba di hayaan natin siyang dumiga! Para didiga lang? Saka wowi si Meng Fei yata yan! Pero kidding aside, I wouldn't think too much about it. Di pa naman nangyayari. Sabi nga burn your bridges after crossing them. Bakit ko poproblemahin ang bagay na hindi pa dumarating?...Pero it would be nice kung tulad ni Meng Fei ang manligaw sa isang dalaga, ano Mommy?" Tapos, kinurot ako ng superstar at nagbibiro lang daw siya. Tumawa nang tumawa pagkatapos. - Cleo Cruz, Showbiz Reporter Magazine, 25 August 1973

Sportsmanship Among Movie Stars - Naging masigla ang opening ceremonies ng liga ng basketball sa KBS, na kinabibilangan ng media and tv talent teams. Ang palarong ito ay lumalayon sa magandang sense of sportmanship among entertainment players at sa pagpapanatili ng magandang samahan ng mga taga-KBS. Ilan sa mga plyars ng Radio Talents Team sina Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Lito Legaspi, Eddie Gutierrez, Bert Leroy Jr, Pepot at ang kanilang muse ay si Vilma Santos. Sa mga larawan, mapapasayon ang magandang kahulugan ng cooperation and camaraderie ng mga artista at kanilang kasamahan through the number one sport in the Philippines - basketball. - Ric S. Aquino, Pilipino Reporter Magazine, 1973

Superstar na si Vi - Tulad ng dati, humble pa sin si Vilma Santos. Hindi pa rin niya na maamin na siya'y isa nang superstar. Sa katunayan kapag sinasabi mo sa kanyang sikat na sikat na siya ay iiling lamang si Vi at magalang na magwiwikang "hindi ho naman." Talagang superstar na si Vilma Santos pagkatapos patunayang ng kanyang mga pelikulang "Lipad, Darna, Lipad" at "Dyesebel." Biruin ninyo, nang itanghal ang "Lipad, Darna, Lipad" ay kasabay ng pelikula nina Joseph Estrada at Nora Aunor subali't mahigpit na nakipagtunggali ang nasabing pelikula. Sa nakaraang Pista Ng Pelikulang Tagalog, ang pelikula ni Vilma na "Dyesebel" ay sumunod naman sa lakas ng kita sa pelikula nina Fernando Poe Jr at Joseph Estrada. Iyan ay pagpapatunay lamang na superstar na si Vilma Santos. Napakaraming pelikulang gagampanan ngayon si Vilma Santos. Isa na sa ginagawa niya ngayon ay ang "Anak Ng Asuwang" para sa Roma Films. Sa pelikulang ito na pinamamahalaan ni Romy Susara, si Vilma ay gumaganap bilang anak ni Gloria Romero. Hindi batid ni Vi na ang kanyang ina ay isang vampira at asuwang. Kaya lamang niya natuklasan ang katotohanan ay nang mapatay ng mga tao ang kanyang ina datapuwa't matapos iyong mailibing at masaksihan ng kanyang mga mata ay muli niyang nakita na kanyang ina na buhay na buhay. Iyon pala, kampon ng dilim ang inaakala niyang patay na ina... - Amelia Arcega, Movie Queen Magazine, 1973

Recording Superstar - Basta't araw ng Huwebes, makakaasa kayong nasa Cinema Audio si Vilma Santos at nagsasaplaka ng kanyang pinakabagong awitin para sa Vicor. Ito ang araw na inilalalaan niya sa recording upang sa gayon ay mapabilis ang pagtatapos ng kanyang unang plakang LP para sa Vicor, ang "Sing Vilma Sing." Ilnag mga awiting na lamang ang dapat niyang maisaplaka. Natutuwa naman si Vilma sapagka't halos karamihan sa kanyang mga inaawit ay katugon ng kanyang panlasa. "Mahusay talagang pumili ng mga selections si Kuya Orly. Alam niya ang mga kantang babagay sa akin at iyong mga hindi." Isa lamang sa mga selection na kinalugdan ni Vilma ay ang "Tweedle Dee." "Okay sa aking ito sapagka't mabilis at madaling tandaan. Isa pa paborito ko na ang awiting ito kahit noon pa man." Kung hindi nagre-recording si Vilma, lubha siyang abala sa kanyang mga assignments sa pelikula. Marami siyang alok na tinatanggap at masusu niyang pinag-aaralan kung alin ang dapat tanggapin. Malapit ng matapos ang "Wonder Vi" at "Anak ng Aswang." Isusunod na niya ang pelikulang pagtatambalan nila ni Meng Fei. Anupa't mapa-recording at mapa-pelikula, mawiwikang superstar ngang talaga si Vilma Santos. - Movie Queen Magazine, 1973

Ang Hirap Ni Vi sa Anak ng Asuwang - Nang ginagawa ni Vilma ang Lipad, Darna, Lipad sinasabi niyang marahil iyon na ang pinakamahirap at challenging pic niyang nagawa. Kasi, dito'y nabilad siya ng husto sa init ng araw. Nalubog pa sa putik. Alam naman ninyo ang balat ng top superstar...manipis, maputi at sensitive. Tinubuan siya tuloy ng skin rashes. Sa Lipad, muntik na rin magkaroon ng nervous collapse si Vi. Dahil sa pakikipaglaban niya sa maliit na sawa. Heaven knows na gaano na lang ang takot ni Vi sa tulad nito and other slimy, crawling things. And so, akala nga ni Vi ay ang Lipad na ang pinakamahirap niyang pic na nagawa. But she was wrong. Pagkat, sa Dyesebel ay lalong hirap ang inabot niya. Nabilad siya rito sa init ng araw, nababad pa siya nang todo sa tubig. Ang God! ang difficulties niya sa paglipat-lipat sa sets. Paano siya makakakilos e, naka-buntot siya? At matatandaan pa ba ninyo na ilang ulit na naospital ang top superstar pagka't nanganib na mapulmonya? Kaya minsan pa'y nasabi ni Vi na ang Dyesebel na ang pinakamahirap na pic niyang nagawa. Nguni't sa paggawa niya ng Anak ng Asuwang para sa Roma Films, tambak na hirap na naman ang inabot niya. Masasabi ninyong hindi naman gaano marahil. Pagka't dito'y hindi naman naka-costume ang superstar di tulad sa Lipad at Dyesebel. - Cleo Cruz, Bulaklak Magazine, 1973

Dramatic Actresses Sa Quezon City Filmfest - "...Matunog ang bulungan na maaaring maglaban daw sina Vi at Guy sa Best Dramatic Actress category sa Q.C. Filmfest. Si Guy sa kanyang "And God Smiled At Me" at si Vi sa "Dama de Noche." Sabagay, tops si Vi basta't drama. Pero isa na ako sa nagsasabing si Guy ay hindi patatalbog sa kanya sa linyang ito. Nakita ko na itong gumagawa ng drama scene (And God) at tutoo pa namang susmaryosep! Ang galing! But then, talagang heavy ang role ni Vi sa drama. Dual pa which makes it doubly mahirap. Magkapatid na ang isaý luka-luka..." - Cleo Cruz, Superstar Magazine, 16 October 1972

The Third FAP Best Actress Nominees - "...Vilma Santos has already set two records in the history of Philippine cinema. In 1983, she be the grand slam where she was proclaimed best actress by all the local award-giving bodies that year for her performance in "Relasyon (The Affair)," Recently, she became the first actress to have collected three Urian trophies for three consecutive years (Relasyon 1982, Broken Marriage 1983 and Sister Stella L (1984). Aside from her three Urian Awards, she also won the FAMAS best actress thrice (Dama De Noche 1972, Pakawalan Mo Ako 1981, and Relasyon 1982), the Metro Manila Filmfest trophy twice (Burlesk Queen 1977 and Karma 1981) and the Catholic Mass Media Awards (also for Relasyon). We must not forget, of course, that Vilma was also the first FAP best actress awardee. This year, she is again in the running for her performance in Sister Stella L. where she plays a non-partisan religious who later gets involved in a labour dispute. Vilma has played an assortment of roles on screen - from beautiful mermaid in Dyesebel to grotesque hunchback in Kampanerang Kuba. She also used to make half a dozen filma a year. In 1972 however, she churned out no less than 25 pictures under different production companies. Four things have kept her preoccupied lately, making films for rival camps Regal and Viva, appearing in her weekly TV show V.I.P., raising her son Lucky and collecting acting trophies yearly..." - The Third Academy Awards 1985 Souvenir Program

Dumalo Kaya si Guy sa Debut ni Vi - "...Nora Aunor arrived two days before the debut of Vilma Santos. Natural, the $64 question ay kung dadalo sila ni Pip. Here are her words: "Kung iimbitahan ako ni Vilma, tiyak na dadalo ako. Hindi maaaring hindi kahit na magkataong may ibang okasiyon pa para sa akin at ni Pip. We will do our best na dumalo, kung kami ay imbitado. I am glad like me, she is also a debuntante at alam kong this is a golden moment for any girl." Guy was frank. "Mahal ko si Vilma. Kaya kahit wala ako ruon kung sakali, nais kong ipaabot sa kanya ang warm greetings namin ni Pip." This should answer the question kung ang feeling ni Guy now that vi si turning 18..." - Ric S. Aquino, TSS Magazine 12 November 1971

Nagbago Na Ba Ang "Panahon" Sa Pelikula? - Like the unpredictable weather, pabagu-bago ang panahon sa pelikula....Hindi pa natatagalan, nagkasabay naman ang mga pelikula nina Nora Aunor at Vilma Santos, ang "Wanted: Ded or Alayb (Agad-Agad)!" at "Mapagbigay Ang Mister Ko" respectively. Ngunit hindi lamang sila ang naging 'magkalaban' sa pagbubukas ng kanilang pelikula. May isa pa - ang "Kahit Sino Ka man...Mahal Kita" na tinatampukan ng isa pang baguhan si Barbara Luna. At muli, naganap ang isang kagulat-gulat na pangyayari. Tinalo ng pelikula ni Barbara Luna ang mga pelikula nina Aunor at Santos! Dahil sa mga pangyayaring ito, naglabasan na naman ang maraming pala-palagay, tulad ng hindi na mabango sa takilya ang mga establisadong bituin; ang idustriya ay nangangailangan na ng mga bagong bituin (sic); iba na ngayon ang "panahon" sa pelikula! And so on...Wanted is an old Aunor quickie; Mapagbigay is a so-so comedy. Kahit is another pretentious drama...Isang malaking bagay ang pinaniniwalaan naming dahilan kung bakit tinalo nina Alma Moreno at Barbara Luna sina Fernando Poe Jr, Nora Aunor at Vilma Santos. The bold fever. Or in another sense the "Bomba" thing. Na siyang naging dahilan din ng pagiging matagumpay ng mga pelikula nina Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Chanda Romero; kung bakit maraming pelikula sina Daria Ramirez at Carmen Ronda...while we are also happy for the discoveryof new stars like Alma Moreno and Barbara Luna, we also feel sad. Nalulunkot kami sa paraan ng kanilang pagsikat...No they are not yet "made" lalong hindi pa sila dapat tawaging superstar. Tig-isang pelikula pa lamang ito, huwang ntaing kalilimutan. Patunayan nila na ang kanilang mga susunod na pelikula ay kasimbigat sa takilya kundi man higit pa upang bumagay nga sa kanila ang taguring box office stars..." - Boy C. De Guia, Weekly Superstar Magazine, 07 June 1976

Matuloy Kaya Ang Guy-Boyet-Vi Pic? - Sa wakas, mapagsasamang muli sa isang pelikula sina Nora at Vilma, pero ayon sa mga natuklasan naming usap-usapan ay hindi na ito magiging katulad noong una na halos ay talaga namang hindi nagkakausap at hindi rin nagkikita sa malalaking eksena ang dalawang superstars. Natagpuan namin sa kanyang opisina sa Burke Bldg., Escolta si Atty. Esperidion Laxa, kaya naman naging malakas ang loob namin sa pagtatanong. Ang pagbubuklod ba uli ng dalawang malalaking pangalang ito ay tulad ng naganap sa Pinagbuklod Ng Pag-ibig? Sikreto raw muna, according to Atty. Laxa, but we cannot help being talkative dahil narito na ito. According to TIIP, ang pagsisikap nila na mapagsama muli sa isang higanting pelikula sina Guy at Vi ay hindi na tulad noong una. Samakatwid, sila ay hantarang magkikita at maghaharap sa malalaking eksena ng pelikula, tiyak ding mag-aagawan sila sa kanilang mga eksena at mahigit pa, sa acting. Lahat ito, kasama na ang tungkol sa pagkakasundo ng dalawa sa billing, ay kasama sa contract nila sa TIIP. So, believe na kami kay Atty. Laxa dahil napasang-ayon nila sina Guy at Vi, na handa nang magpaligsahan ng kanilang mga bertud sa acting, etc. "Si Ishmael Bernal ang direktor at screenplay ng pelikula, na ang titulo ay tentative pa lamang at saka na lamang ire-release sa pag-uumpisa ng siyuting. Si Christopher de Leon ang magiging leading man nina Guy at Vi sa movie, na ayon pa rin kay Atty. Laxa is the biggest project ng TIIP for '78 and much bigger than Pinagbuklod. Project din daw ito ni Ishmael Bernal, kaya naman pambihira talaga ang mangyayari kapag nagkataon. Ang shooting schedule nila ay sa first week of May at kahit daw ano ang mangyari ay tuloy na tuloy ito. A few days later ay hindi sinasadyang nagkita kami ni Bernal sa isang moviehouse sa Q.C. Ït's the biggest challenge for Guy and Vi," bulong ni Ishmael at dito raw niya ibubuhos lahat ang kanyang anting-anting sa pagdidirehe at kasama na ang paggawa ng istorya. Lamang..., huwag sanang magkaroon ng sakit sa ulo si Bernal at sana daw ay makipag-cooperate namang mabuti sa kanya ang dalawang superstars. Now, lets just wait and see how Nora and Vilma will do their thing sa pelikulang ito." - Ric S. Aquino, WOW Komiks-Magasin, 26 Mayo 1978

Ten Best Films of the '70s - "In a poll of the 10 best local films of the 70's, the Manunuri Ng Pelikulang Pilipino drew a list of 22 films out of which eight were made in 1976. Of these eight 1976 films, five actually made it to the top ten, the three others placing 11th, 12th and 13th positions. If the year 1976 proved to be a fruitful year for the Filipino film industry in terms of quantity and quality of films, that was also the year the critics organized themselves into the MPP. Nine MPP members participated in the poll, voting unanimously for Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag, and Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon? with Nunal Sa Tubig and this year's Jagual getting eight votes each. With Insiang on the 5th slot, five films got five votes each, completing the list of 10 well-remembered films, and the five are Pagdating sa Dulo, Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Itim, Sakada and Pagputi ng Uwak Pag-itm ng Tagak. Ligaw Na Bulaklak and Minsa'y Isang Gamu-Gamo topped the next 12 films with four votes each, while Tatlong Taong Walang Diyos and Burlesk Queen garnered three votes each. Nympha and Dalawang Pugad Isang Ibon got two votes each to put them in the 15th and 16th places, with the last six getting one votes each. The 10 best films of the decade chosen by the Manunuri Ng Pelikulang Pilipino are the following (with the names of their directors and the particular years they were released): 1. Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (Lino Brocka, 1975); 2. Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon? (Eddie Romero, 1976); 3. Nunal Sa Tubig (Ishmael Bernal, 1976); 4. Jaguar (Lino Brocka, 1979); 5. Insiang (Lino Brocka, 1976); 6. Pagdating Sa Dulo (Ishmael Bernal, 1971); 7. Tinimbang Ka Ngunit Kulang (Lino Brocka, 1974); 8. Itim (Mike de Leon, 1976); 9. Sakada (Behn Cervantes, 1976); 10. Pagputi Ng Uwak PagItim Ng Tagak (Celso Ad Castillo, 1978); 11. Ligaw Na Bulaklak (Ishmael Bernal, 1976); 12. Minsa'y Isang Gamu-Gamo (Mario O'Harra, 1976); 13. Tatlong Taong Walang Diyos (Mario O'Harra, 1976); 14. Burlesk Queen (Celso Ad Castillo, 1977); 15 Nympha (Celso Ad Castillo, 1970); 16. Dalawang Pugad Isang Ibon (Ishmael Bernal, 1977); 17. Stardoom (Lino Brocka, 1977); 18. Asedillo (Celso Ad Castillo, 1977); 19. Hubad Na Bayani (Robert Arevalo, 1977); 20. Ikaw Ay Akin (Ishmael Bernal, 1978); 21. Hindi Sa Iyo Ang Mundo Baby Porcuna (Danilo L. Zialcita, 1978); 22. Isang Gabi Tatlong Babae (episode of Elwood Perez, 1974)...

The nine members who voted were: Pio de Castro III, Mario Bautista, Justino Dormiendo, Bienvenido Lumbera, Clodualdo del Mundo Jr, Jun Cruz-Reyes, Hammy Sotto, Nicanor Tiongson, and this writer. Absent were Manuel Pichel and Petronilo Daroy with Ricardo Lee on leave. Isagani Cruz abstained from voting for the reason that he was out of the country during the middle part of the decade and therefore not able to see a good number of films. The voting was conducted early December, with the members agreeing to a possible inclusion to the list of any outstandiong films that may be released between that period and the current Metro Manila Film Festival. However, with teh festival in full blast now, none of the Manunuris considered any late film worthy of inclusiion to the earlier list. Some members limited their choices to less than 10 films each, while the others felt strongly that one or three films were good enough to add to the original 10. It should be noted that 1972 (an era of political turmoil in the country and the imposition of martial law) and 1973 were barren years in local filmmaking as far as creativity and vision were concerned. The same low quality of films prevailed during the entire decade, apparently because of the many problems of economics, censorship, and the lack of technical training and intellectual guidance of the film talents, among others. Despite such problems, however, a number of directors and their handpicked production crew and stars managed to transcend these difficulties and came up with films that say something about the human condition and exploit the various creative element of the art of film. The MPP members, therefore have preferred serious films that tackle, or give insight to, the problems of man and society. Fancy techniques and camera fireworks have been deliberately overlooked (not necessarily a strong political statement), and an honest depiction of authentic Filipino reality. That such films were made at all - as though to defy the purely profit-motivated concept of film production - is enough reason to look back into the 70's with fondness and adminration, and in turn that period into a source of hope for the coming 80's....10. Pagputi Ng Uwak, PagItim Ng Tagak is another ambitious epic movie that succeeds on many film levels. The story is about the love affair between a young woman belonging to a rich and powerful family, and a poor man whose mother is still bitter about having her land property snatched from her by the other family. This simple conflict develops into bigger, more significant ones, and they are all integrated within the framework of the story and the different elements of the film. It opens on a festive scene that seems to go on forever, but this gradually changes the mood of the story until it ends a bloody climax. Indulgent as the individual aspects of th film may be , they all fit director Castillo's granmd and elaborate design at story-telling, encompassing various Filipino seasons, holidays and range of experiences. Romy Vitug's cinematography is spectacular, and the cast, headed by Vilma Santos and Rafael Roco Jr are marvelous. - URIAN, Kolum ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Expressweek, 10 January 1980, re-posted by James DR, Pelikula Atbp (READ MORE)