Pages

Wednesday, December 30, 2015

Songs of "All Of My Life" (Videos)5/5


Songs with title "All Of My Life" - past and present...

Billy Eckstine - All Of My Life
Bryka - All Of My Life
Tipinifini - All Of My Life
The Ringleaders - All Of My Life
MYMP - For All Of My Life
Sammy Kaye - All Of My Life
Linda Ronstadt and Aaron Neville - All My Life
Nora Aunor - All of My Life
#AllOfMyLife, #VilmaSantos, #XiamLim, #AngelLocsin, #JoyceBernal, #BillyEcktine, #Bryka, #Tipinifini, #MYMP, #SammyKaye, #LindaRonstadt, #AaronNeville, #NoraAunor

Friday, December 18, 2015

Vilma Santos faces movie camera anew (Throwback Article)


"Bata, Bata, Paano Ka Ginawa" was a tough act to follow for Star for All Seasons Vilma Santos, but she delivers another powerful performance in Star Cinema's seventh anniversary presentation, "Anak."

Single parent - She plays a single parent in conflict with her three children who can't accept the reality that she has to sacrifice the family to work as a domestic helper in Hong Kong. When she comes home 10 years later, she finds her family in shambles.

Vilma's character here is completely different from Lea Bustamante in "Bata, Bata." She does not have a succession of lovers, and the movie concentrates more on the sacrifices of a mother who seeks a better future for her children. Specifically, the film focuses on Vilma's relationship with her daughter (Claudine Barretto).

Uncomfortable - This is the first time for Vilma to work with Rory Quintos and admits feeling uncomfortable for the first two weeks of shooting. "Parang there was no rapport between us dahil pinababayaan lang niya akong umarte. I decided to talk to her to break the ice and after that, okay na ang aming naging samahan."

Vilma gave some inputs on how a grieving mother feels. "I may not have a daughter in real life but I am a daughter and I know how my Mama felt during those years when I rebelled. I am also a mother of two boys, and that enables me to relate to the character of Josie."

What would be Vilma's greatest joy and biggest fear? - "Being a mother is my greatest joy. My fear would be the day they would marry at malalayo na sila sa piling ko. Luis never gives me a headache at hindi sila spoiled. I am a liberal mother but there are limitations. I won't meddle when they have their own lives. Nahawakan ako noon sa leeg ni Mama kaya ako natutong mag-rebelde."

Fitting finale - For authenticity, Star Cinema went on location for a week in Hong Kong to shoot with our OFWs there. All work and no rest is how Vilma describes their Hong Kong schedule. For a fitting finale, she was photographed in the company of 10,000 domestic helpers at Statue Square in a long crane shot.

Cherrie Pie Picache and Amy Austria co-star with Vilma as domestic helpers who became victims of cruelty. Vilma's role in "Anak" is predicted to be "pang-grand slam," but she says she never thinks about winning an award everytime she makes a movie.

Vilma's three screen children are played by Barretto, Baron Geisler and Sheila Mae Alvero. Vilma says she's impressed with Claudine's acting, particularly in their confrontation scene where she pours out all the hurt and resentment in her heart to her mother. - Remy M. Umerez, Inquirer, April 15,2000 (READ MORE)

Wednesday, December 16, 2015

Songs of "All Of My Life" (Videos) 4/5


Songs with title "All Of My Life" - past and present...

Gianni Vancini - All of My Life
Phoebe Katis - All Of My Life
Detroit Soul - All Of My Life
Roger Whittaker - All of my life
America - All My Life
Sarah Geronimo - All My Life
Barbra Streisand - All Of My Life
#AllOfMyLife, #VilmaSantos, #XiamLim, #AngelLocsin, #JoyceBernal, #GianniVancini, #PhoebeKatis, #DetroitSoul, #RogerWhittaker, #America, #SarahGeronimo, #BarbraStreisand

Friday, December 11, 2015

Pip and Bobot Left Alone in The Cold


Si Vilma, tumambal na kay Jay Ilagan. Si Nora naman, matunog na matunog ang balitang tatambal kay Walter Navarro sa isang pelikula para sa Lea. Added to this, Nora had announced her break-up with Pop "for good." That means bye-bye na muna, Edgar Mortiz and Tirso Cruz, III. For sure, nagngingitngit na ngayon ang mga fans ng tambalang Vilma-Edgar at Guy-Pip. Aba'y namemeligro nga namang matabunan ang mga pogi nilang idolo sa pagpasok sa eksena ng mga "other guy" sa buhay nina Vilma at Nora. E, ang popogi rin naman ng mga iyon. Nakakakaba talaga di ba? At ba't din nga naman sila kakabahan, e hayan sila kakabahan, e hayan na nga. Panayan na ang gawa ni Vi ng pelikulang hindi na si Bobot and partner but Jay. Sabi nga ng mga nakakakita, sweet na sweet ang dalawa. Panay ang biruan, laging sila ang magkausap. Paano nga naman kung mahulog nang husto ke Jay ang loob ni Vilma? Kung sabagay, may paunang sabi na si Jay na hinding-hindi niya liligawan si Vi, hindi raw katalo. At lalong hindi raw niya maaaring sirain ang pagtitiwala sa kanya ng pareng Edgar niya. Okey din naman. But that's not the point. Ke manligaw o hindi si Jay kay Vilma, nariyan na ang katotohanang out muna sa eksena si Bobot, that is kung ang pag-uusapan ay ang kanilang movie team-up. Going back to Nora and Tirso, halos katulad rin ng kina Vi at Bot ang nangyayari sa dalawang ito.

Okey na kay Guy na tumambal siya sa ibang leading man, like Walter halimbawa. Hindi gaya ng dati na kung di rin lang si Pip ang katambal niya'y kalimutan na lang. But after what have happened between him and Nora, 'yung nakaraang tampuhan nila na naging dahilan tuloy ng pagpapahayag ni Guy na "isasaisang tabi ko muna ang pag-ibig"- we doubt kung hindi makakaapekto kay Pip ang pagpareha ni Guy sa iba. Besides, marami na rin ang nagpapahayag ng boredom concerning the Guy & Pip tandem. They want something really hot about Guy. Kunsabay, napatunayan nang malakas pa rin sa takilya ang mga pelikula nina Nora at Tirso in and out of the Sampaguit umbrella. And that goes for Vilma and Edgar, too. Up to now, they are still considered by their loyal fans as the love team na "subok na matibay, subok na matatag." Tahimik lang daw ang dalawang ito, walang awayan, nothing controversial whatsoever about them. And they seem to love it. Katwiran nila, mas magiging maligaya ang dalawang ito pag mag-asawa na dahil very compatible daw sa pag-uugali at lahat. So, kuntento na rin sila sa palagiang pagtatambal nina Vi at Bot sa pelikula. Oo't minsan ay tumambal na si Paolo Romero kay Vi, pero hindi sila nangamba na mawawala siya kay Bobot.

Besides, that particular picture na pinagtambalan nila ay sa ilalim ng Virgo Productions, not under Vilma's home studio, ang Tagalog-Ilang-Ilang. Pero ngayong ang pagtatambal nga nina Vilma at Jay sa ilalim ng TIIP, ibang usapan na 'yan. Mangangahulugan daw ba na pinalitan na ng TIIP si Bot para maging ka-love team ni Vi? And how true is it na hindi raw muna nila itatambal si Vi kay Bobot hangga't hindi nakapagreduce nang husto itong huli? Kasi nga, marami na ang nakakapuna na hindi na bagay si Bobot kay Vi dahil sa kanyang katabaan. Para na raw junior version ni Ike Lozada. Anyway, kahit nga medyo isinama ng loob ng mga fans ang hakbang na ito ng TIIP, they are still hoping na hindi naman magiging napakalupit ng said production para paglayuin na nang tuluyan, o sa ibang sabi'y putulin na, ang tambalang Vilma-Edgar. At iyon din ang ipinananalangin ng mga fans nina Nora at Tirso. Nananalig silang kahit pa sino ang makatambal ni Guy, still sila pa rin ni Pip in reel at real life. Because kapag nga naman ang kabaligtaran ang naganap, Pip and Bobot will be left...all alone in the cold. - Horacio Morelos, II

Friday, December 4, 2015

Ms. Vilma Santos: The one and only...Actress For All Seasons


And the winner is...Ms. Vilma Santos! From day one ng isinagawa naming Readers'Choice for Best Actress sa taong 1991, kung saa'y pumili kami ng walong pinakamahuhusay na akres no'ng nakaraang taon (natunghayan n'yo na kung sinu-sino ang pumasok sa INTRIGUE Magazine's Circle of 8) bilang mga nominado, malinaw agad ang tinungong landas ng Star for All Seasons bilang eventual winner.

Nasa '90's na tayo, kungbaga, at batid naman ng lahat kung gaano pa rin ka-strong ang following ng TV-movie actress na si Vilma. Masasabing ito ang edge ni Vi kay Guy at this point; komo ang mga tagasubaybay ng pelikulang lokal ang nagsilbing mga hurado sa ating mini-patimpalak na ito sa akting, naro'n 'yong factor na nakahihigit ang aktibong fans ni Vilma kesa kay Nora, hence the glaring result.

Ngunit sa punto ng kahusayan, parehong hindi matatawaran ang acting prowess ng dalawang most durable superstars ng local showbiz. 'Yon nga lang, kailangang may manalo at may matalo, base sa kani-kanilang pagganap sa mga pelikula nilang inilaban. This time, si Vilma Santos ang winner natin, para sa isa ng namang madamdamin niyang pagganap bilang isang ina na may kapansanang anak sa obra ni Direktora Laurice Guillien - Ipagpatawad Mo.

Hindi man kasimbongga ang parangal na ito sa mahigit isang dosenang major acting awards na natamo na ni Vi mula nang pumasok sya sa showbiz, para sa ami'y isa na rin itong busilak na pagkilala ng kakayahan nya bilang aktres. kani-kanilang enties na pumipili kay Vilma bilang best actress '91 nila'y buong kaseryosohan ding hinimay-ang uri o tipo ng pagganap ni Vi sa naturang pelikula, upang i-justify nga kung bakit si Vilma ang dapat tanghaling pinakamahusay.

Sa ami'y wala ring kuwestiyon ukol dito. Deserving talaga si Vilma na manalo kaya binabati namin sya, in behalf of the magazine's editor and staff. Ito ngang issue namin ngayo'y tribute, kungbaga, sa natatanging kahusayan ni Vilma bilang actres. Hindi nga lang siguro sya Star for All Seasons; sa punto ng pagiging aktres ni Vi, lagi syang kinikilala sa kanyang kahusayan sa magkakaibang panahon ng kanyang pamamayagpag, making her an actress for all seasons, indeed!

This October, magte-thirty years na si Vilma Santos sa pagiging artista. More than two-thirds of her lifetime, nai-devote na nga ni Vi sa pag-arte, pero kung tatanungin mo sya, despite the downtrends and the pitfalls in her career (naapektado ang kanyang personal na buhay in some intances) sasabihin nyang wala syang anumang pagsisisi sa larangang pinasok.

Nineties na, pero nariyan pa rin si Vilma. Sumisipa pa rin sa pagiging bankable star at highly respected actress. Iniwan nya ang ang nagdaang dekada otsenta na well-recognized ang kanyang kakayahan bilang aktres (isa sya sa nabigyan ng Gawad Pandekada ng Urian para sa acting achievements throughout the '80's), pumapalaot uli sya sa panibagong panahong ito sa local showbiz na taglay ang ibayong kaningningan 'yon. Siguro nga, kahit maging lola na si Ate Vi, win pa rin sya ng best actress trophies! - William Reyes, Intrigue Magazine, No. 166 March 19, 1992

Wednesday, December 2, 2015

Songs of "All Of My Life" (Videos) 3/5


Songs with title "All Of My Life" - past and present...

Magnum - All of My Life
Foo Fighters - All My Life
Phil Collins - All of my life
Kenny Rogers - All My Life
Lesley Gore - All Of My Life
The Carpenters - All Of My Life
Regine Velasquez - All Of My Life
#AllOfMyLife, #VilmaSantos, #XiamLim, #AngelLocsin, #JoyceBernal, #Magnum, #PhilCollins, #FooFighters, #KennyRogers, #LesleyGore, #TheCarpenters, #RegineVelasquez