Pages

Friday, November 27, 2015

1998 Mayoral Political Campaign


Ano ang makapangyarihang puwersa na nagbubunsod sa isang maningning na bituin ng puting tabing upang pasukin ang masalimuot na daigdig ng pulitika? Bakit ninanais pa niya ngayon na ialay ang sarili sa paglilingkod sa bayan, magtiyaga sa limitadong kita at bilang isang halal na opisyal at isakripisyo ang kanyang maginhawa at marangyang pamumuhay bilang aktress at reyna ng pelikulang Pilipino? Maraming hindi makapaniwala nang magpasya ang premyadong aktress sa pelikula at telebisyon, Vilma Santos, na kumandidato sa pagka-alkalde ng Lipa City, ang pamosong lunsod sa Batangas. Ito ay taliwas sa paulit-ulit na pahayag ng kanyang asawa, kongresista Ralph Recto (Lakas-NUCD, ikaapat na distrito ng Batangas) na tama na ang isang pulitiko sa kanilang pamilya. Sinabi ni Recto, isa sa pinakabatang kongresista at naturingang Benjamin ng House of Representative, na buo ang kanyang pagsuporta sa pasya ni Vilma na tumakbo sa pagka-alkalde.

Si Recto mismo ay tumatakbo sa ikalawang sa term sa kanyang distrito. Ang kandidatura ni Vilma ay isa sa pinakamalaking balita sa larangan ng pulitika nang opisyal itong ipahayag ni Pangulong Ramos sa kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng Batangas sa Batangas City ilang araw bago dumating ang deadline ng pagrerehistro ng mga kandidato sa kongresyunal at lokal na posisyon. At dahil batid ng mga editor ang matinding interes ng publiko sa ganitong kakaibang balita, ito ay naging laman ng front page ng mga diyaryo. Ngunit bago pa ihayag ng Pangulo na si Vilma ang napiling opisyal na kandidato ng administrasyon sa pagka-alkalde ng Lipa, ito ay ipinabatid na ng aktress sa isang showbiz program sa ABS-CBN Channel 2, na kung saan si movie-journalist Cristy Fermin ang host. Sa naturang programa ay nagpahiwatig na kaagad ang aktress ng determinsayon na magwagi sa harap ng propaganda ng kanyang kalaban na nagmamaliit sa kanyang kakayahan.

"Huwag na huwag akong mamaliitin ng aking katunggali sa pulitika, kahit ngayon lang ako pumasok sa larangang ito, sapagkat marunong akong lumaban at at ako ay lalaban," wika niya na nababanaagan ang kanyang matibay na paninindigan. Kaya lalupang naging mainit ang interes ng madla sa bagong papel ni Vilma bilang pulitiko ay sapagkat ang buong akala ng marami ay ang aktres-singer na si Sharon Cuneta ang talagang papasok sa pulitika. Matagal nang usap-usapan ang posibleng pagtakbo ni Sharon sa pagka-alkalde ng Pasay City, kapalit ng kanyang octogenerian na ama, Mayor Pablo Cuneta na mahigit na 30 taon nang nasa kapangyarihan sa naturang siyudad. Subalit minabuti pa ni Sharon na manatili sa Estados Unidos kapiling ang kanyang asawang si Atty. Kiko Pangilinan. Siyempre pa, may kahalo ring intriga ang pagganap ni Vilma ng kanyang bagong papel bilang pulitiko.

Ito ay sapagkat ang kanyang kumare at matagal na karibal sa pelikula, aktress Nora Aunor, ay aktibong nangangampanya kay Bise Presidente Joseph Estrada, ang kandidato sa pagkapangulo ng Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMP). At dahil si Vilma at Ralph ay parehong nasa Lakas, sino pa ang kanilang ikakampanya kundi ang pangunahing kalaban ni Estrada - si Speaker Jose de Venecia Jr. - na kanila ring ninong sa kasal. Eh, kilig naman si De Venecia. Biro ninyo, mayroon na siyang panapat kay La Aunor! Ang napiling runningmate ni Vilma ay si Boy Manguera, isa sa mga pangunahing konsehal ng Lipa at dalawang beses nang naglingkod bilang miyembro ng sangguniang panlalalawigan ng Batangas. Si Vilma ay isang iginagalang na institusyon sa industriya ng pelikula. Siya ay tsikiting pa nang magsimula siyang lumabas sa pelikula. Bilang isang teenager ay lumabas siya sa mga pelikulang comedy, aksiyon, musikal, at hinggil sa mga romantikong relasyon ng mga batang mangsing-irog. Madalas niyang makatambal si Edgar Mortiz, isa sa mga singing sensation ng late 1960s at early 1970s.

Ang tamabalang Vilma-Edgar ang isa sa pinakasikat na love teams ng panahong iyon. Hindi natagalan, si Vilma ay naging pinakasikat na dramatic actress. Ginampanan niya ang iba't ibang papel na pinakamimithi ng mga babaeng artista at halos lahat ng kanyang pelikula ay naging blockbuster. Naging katambal niya ang batikang aktor na kagaya nina Christopher de Leon, Dindo Fernando, Romeo Vasquez, Edu Manzano at maging si Fernando Poe Jr. Ilang beses nang napiling pinakamahusay na aktress si Vilma ng iba't ibang award-giving bodies kagaya ng Filipino Arts of Movie Science ang Arts (FAMAS), Philippine Movie Press Club (PMPC), Metro Manila Film Festival, Manunuri ng Pelikulang Pilipino at Filma Academy of the Philippines. Maraming kritiko na nagsasabi na hindi dapat samantalahin ng mga artista ang kanilang kasikatan upang maluklok sa kapangyarihan sa gobyerno. Ngunit sa kabila ng ganitong hindi matigil na puna, lalupang dumarami ang mga artistang pumapasok sa pelikula.

Parang nagsilbing inspirasyon sa mga artista ang pangingibabaw sa pelikula ni Bise Presidente Estrada, na hari ng pelikulang tabing bago maging alkalde ng San Juan at sendor. Sa Senado ay tatlo ang miyembro ng Senado na galing sa showbiz - Tito Sotto, Ramon Revilla, at Freddie Webb. Kabilang sa mga matagumpay na artista sa larangan ng pelikula sina Gobernador Lito Lapid ng Pampanga, Mayor Rey Malonzo ng Kalookan, Mayor Jinggoy Estrada ng San Juan, Bise Alkalde Herbert Bautista ng Quezon City, Konsehal Fred Montilla at Connie Angeles ng Quezon City, Gobernador Ramon "Bong"Revilla ng Cavite at yumaong Konsehal Augusto "Chiquito" Pangan. May mga pumupuna na ang pulitika ang tagasalo sa mga artistang papalaos na. Iyan ang nababanggit ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manuel Morato. Si Morato, na tumatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Partido ng Bansang Marangal (PBM), ay dati ring chairman ng Movie and Television Review and Classification board (MTRCB).

Sinasabing ang pelikula ay daigdig ng pantasya at likahang isip. Ngunit ang tutoo, ang pelikula ay salamin ng tunay na buahy. Marming uri ng kahirapan, pang-aapi, karahasan, kasakiman at katiwalian ang isinasalarawan sa pelikula. Ngunit ang tutoo, kadalasan ay mas masahol pa ang mga kapangitan at kasamaan na nararanasan natin sa tunay na buhay. Upang maging reyalistiko at kapani-paniwala ang pagganap ng isang artista, kailangan ng isang tao o karakter na kanyang ginagampanan. Kailangang nadarama niya nang lubusan kung ano ang kanilang nasasa-isip o plastik ang kanyang dating sa puting tabing. Kung ganito ang pinagdaaanan at karanasan ng mga artista, hindi isang eksahirasyon na sabihin na taglay nila ang magagandang katangian upang maging epektibo sa pulitika. Suriin natin ang background ni Vilma. Napakaraming pelikula ang kanyang ginawa na tinatawag na may panlipunang kahalagahan o social relevance.

Nandiyan na siya ay lumabas na aktibistang madre sa pelikulang "Sister Stella L"na kung saan namuno siya sa kilusan para itaguyod ang mga karapatan ng naaping manggagawa. Sa pelikulang "Burlesk Queen", siya ay gumanap sa papel ng isang dalagita na napilitang maglantad ng kanyang katawan upang makabangon lamang sa paghihikahos ang kanyang pamilya. Hindi kataka-taka kung ang mataas na kamalayang panlipunan na nahinog sa mahabang panahon ng pag-aartista ang nagbulong at naghikayat kay Vilma upang mahatak sa kandungan ng pulitika. Sa anumang desisyon ng isang tao, ang isip at kunsensiya niya ang nagdidikta. Nabatid kaya ni Vilma sa kanyang paglilimi-limi at pagtitimbang ng lahat ng bagay na sa pamamagitan ng paglilingkod sa bayan magkakaroon ng kabuluhan ang kanyang buhay? Sumagi kaya sa kanyang isip at damdamin na pagkaraan ng panahon ng pagtatamasa ng yaman, ginhawa at kasikatan ay kapakanan naman ng kanyang mga kababayan ang kanyang dapat na asikasuhin?

Tutoo rin marahil na malaki ang naging impluwensiya ni Ralph sa desisyon ng kanyang maybahay. Ang pamilya ni Ralph - ang mga Recto - ay iginagalang na pangalan sa larangan ng pulitika. Siya ang apo ng dakilang Senador Claro M. Recto, na itinuring na isa sa ama ng nasyonalismo ng ating republika. Kagaya rin ng mga Laurel ng Batangas at Osmeña ng Cebu, nananalaytay sa dugo ng mga Recto ang pagiging pulitiko. At kagaya rin ng anumang makapangyarihang bagay, ang pulitika ay nakakahawa. Kapag ikaw ay kinagat ng political bug, malamang na hindi ka na makakaiwas dito. Sa pagdaan ng mga araw, unti-unting nakukumbise ni Vilma ang kanyang mga kababayan na seryoso at matapat ang kanyang layunin. Humanga sila sapagkat marunong pala siyang maghanda para sa bagong landas na kanyang tinatahak. Nabatid ng mga taga-Lipa ang mga balakin at programa na pinamagatang "Vilma Santos-Recto, Ihalal na Ina ng Bayan. Pag-asa ng mga Lipeño. Para sa Makabuluhang Pagbabago."

Ngayon, hindi na sila nagtataka kung bakit halos pulos obra-maestra ang kanyang mga ginagampanang papel sa pelikula. Kagaya rin ng isang magandang iskrip sa pelikula, inilahad ni Vilma ang inaakala niyang dapat niyang gawin bilang alkalde ng Lipa. "Kalinga ng ina ang hinahanap ng bayan ng Lipa. Pagmamahal ng ina ang kailangan ng mga Lipeño. Para sa Makabuluhang Pagbabago." pahayag niya. Para sa pangkaraniwang pulitiko, ang posisyon sa gobyerno ay madalas pagsamantalahan para sa pagkakamal ng kayamanan. Matapos bitiwan ang pangako, nalilimutan nila na asikasuhin ang pangangailangan ng kanilang mga kababayan. Nalalasing sila sa kapangyarihan at ang turin sa sarili ay mga hari. Nalilimutan nilang ang salapi ng bayan ang dapat bumalik sa kanila sa pamamagitan ng serbisyo-publiko. "Ang mga kalabisang ito ay hindi gagawin ng isang inang-bayan na may tunay na malasakit sa atin. Kapag ako ay nabigyan ng pagkakataong maglingkod sa mga Lipeño, hindi ako mabubulag sa kapangyarihan. Hindi ako magkakamal ng kayamanan. Walang partido sa pamumuno at negosyo.

Tayo ay magmamalasakit laluna sa mga mahihirap. At uunahin ang paglilingkod sa mga tao. "pahayag ng butihing aktres. Ipinahayag ni Vilma ang kanyang mga pangunahing layunin: Tugisin ang panunuhol at korapsiyon, linisin ang pamahalaang bayan; Gawing malaya at pantay-pantay ang kompetisyonsa negosyo; Labanan ang problema sa pagbebenta at pag-aabuso ng bawal na gamot; Itigil ang pagtaas ng upa sa palengke at pagandahin ang pamilihang bayan; Ayusin ang trapiko ng bayan; Ipaglaban at isulong ang ating kabuhayan at tigilan ang paglaganap ng kahirapan. Kabilang sa mga proyekto na balak niyang ipatupad ay ang pagpapataas ng edukasyon at pagtulong sa mga mahihirap na mag-aaral, regular at malawak na pagbabakuna, malinis na tubig at kubeta, pagtatayo ng "Aksiyon-Agad Express Service Center", paglalagay ng Complaints Desk sa munisipyo, pagpapataas ng kaalaman ng mga kawani ng city hall, pagpapalakas ng community-oriented policing system, crime prevention program, at modernisasyon ng mga daan at imprastrakturang pambayan.

Ang nagtakbo ni Vilma ay minamatyagan ng buong bansa sapagkat ang kanyang kabangga ay ang maimpluwensiyang Umali clan na maraming taon na ring kumokontrol sa kapangyarihan sa Lipa. Samantala, napag-alamang naging mas maingat sa seguridad ang magasawang Vilma at Ralph sa harap ng ulat na may mga inupahang goons ang kanilang mga kaaway sa pulitika. Ngunit sinabi ni Vilma na hindi siya nasisindak, kung tutoo man na may nagbabanta sa kanyang buhay. "Wala akong dapat ikatakot dahil wala naman akong ginagawang masama. Batid ko rin na buo ang suporta sa akin ng mga kababayan ko. At kapag kasama mo ang iyong mga kababayan, sila mismo ang iyong protektor. Magkakasama kami...sa panganib, sa sakripisyo at sa napipintong tagumpay," pahayag ng batikong aktres. - Feliciano V. Maragay, Photos: Eddie Villanueva, Pilipino Reporter Magasin, 24 April 1998

Friday, November 20, 2015

Vilma: 51 looking 25 (Throwback Article)


Vilma Santos, Star For All Seasons (and, if I may add, Reasons) is turning 51 today. She doesn’t look it, does she (although she’s "pure gold" any way you look at her)? She looks, hmmmmm, 25, doesn’t she?

As a nod to Vilma (who will forever be Ate Vi to her fans no matter how old she may be) on this her red-letter day, Funfare is paying her a tribute with the following piece by Funfare’s Toronto-based "international correspondent" Ferdinand Lapuz who made a list of Ate Vi’s films in a span of four decades (beginning 1963):

  • Did you know that Ate Vi made around 197 films from 1963 to 2002? This includes cameo appearances in Dugo at Pagibig sa Kapirasong Lupa, Mga Mata ni Angelita, Huwag Hamakin Hostess (with Nora Aunor and Alma Moreno with Vilma getting Orestes Ojeda in the end), Candy, No Other Love, Charot, Rizal Alih and Engkanto.
  • Did you know that the only years Vilma did not make any film were in 1995, 1999 and 2003?
  • Did you know that she co-starred with her two favorite actresses in her two films? Lolita Rodriguez in Trudis Liit which opened on Feb. 21, 1963 and Gloria Romero in Anak, Ang Iyong Ina which opened on April 7, 1963 both at Life Theater?
  • Did you know that Eddie Garcia also appeared in Anak, Ang Iyong Ina? He later directed her in films like Sinasamba Kita (1982) and Imortal (1989) and will appear together in Mano Po 3.
  • Did you know that the late Rita Gomez was also in Anak, Ang Iyong Ina? She later appeared with Vilma in Takbo, Vilma, Dali in 1972 directed by Joey Gosiengfiao.
  • Did you know that her busiest year was 1970 when she made 25 films? That is having two Vilma Santos movies shown every month. These were Young Love, Mardy, I Do Love You, Song and Lovers, My Pledge of Love, Love is for the Two of Us, From the Bottom of My Heart, Bulaklak at Paru-Paro, Mother Song, The Young Idols, Sixteen, Because You’re Mine, Love Letters, Ding Dong, Sweethearts, Give Me Your Love, Mga Batang Bangketa, I Love You Honey, Edgar Loves Vilma, Sapagka’t Sila’y Aming Mga Anak, Vilma My Darling, Nobody’s Child, May Hangganan ang Pag-ibig, Baby Vi and Renee Rose.
  • Did you know that Vilma or Vi was used in some of her earlier films? Edgar Loves Vilma, Vilma, My Darling and Baby Vi in 1970; Takbo Vilma Dali , Hatinggabi na Vilma and Tatlong Mukha ni Rosa Vilma in 1972; Wonder Vi in 1973; Vilma and the Beep, Beep Minica in 1974 and Vilma Veinte Nueve in 1975.
  • Did you know that she is the only actress to portray Mars Ravelo’s Darna four times with different child actors as Ding? These were Angelito in Lipad Darna Lipad, a trilogy directed by Emmanuel H. Borlaza; Joey Gosiengfiao and Elwood Perez, Dondon Nakar in Darna and the Giants (1973) directed by Borlaza; Bentot Jr. in Darna vs. the Planet Women (1975) directed by Armando Garces and Niño Muhlach in Darna at Ding (1980) directed by Erastheo Navoa Jr. and Cloyd Robinson.
  • Did you know that Vilma and arch rival Nora Aunor shared topbilling in four films? The first was Young Love in 1970 (with Tirso Cruz III and Edgar Mortiz) followed by Pinagbuklod ng Pag-ibig (Nora was paired with Tirso while Vilma with Romeo Vasquez), Ikaw Ay Akin (with Christopher de Leon) and T-Bird at Ako in 1982.
  • Did you know that after working together in Mga Tigre ng Sierra Cruz (1974) and Modelong Tanso (1979), Vilma and the late Charito Solis were co-stars in Ipagpatawad Mo (1991) and Dolzura Cortez Story (1993) both directed by Laurice Guillen?
  • Did you know that Vilma was only paired twice with ex-husband Edu Manzano as compared to Christopher de Leon’s 22 times? These were Romansa in 1980 and Palimos ng Pag-ibig in 1986?
  • Did you know that prior to co-starring with Snooky Serna in Yesterday, Today & Tomorrow (1986) and Hahamakin Lahat (1990), Vilma and Snooky were in Sweethearts in 1970? Co-starring with them aside from Edgar Mortiz and former child actor Arnold Gamboa were Snooky’s parents Von Serna and Mila Ocampo.
  • Did you know that the late Ishmael Bernal’s first film with Vilma was Now and Forever (1973) with Edgar Mortiz?
  • Did you know that before he was Vilma’s leading man in Makahiya at Talahib, Rudy Fernandez played a supporting role in Ibong Lukaret? Both films were released in 1975.
  • Did you know that former movie queen Amalia Fuentes did not only co-star with Vilma in Mga Reynang Walang Trono (1976) but co-directed it as well with Fely Crisostomo? They were co-stars in Asawa Ko, Huwag Mong Agawin in 1986.
  • Did you know that before she shared equal billing with Vilma and Boyet in Magkaribal (1979), just like ex-boyfriend Rudy Fernandez, Alma Moreno played a supporting role in Tag-ulan sa Tag-araw (1975)?
  • Did you know that before she played the ghost role in Haplos (1982) with Vilma and Boyet, Rio Locsin had a below the title billing in Simula ng Walang Katapusan directed by Luis Enriquez (aka Eddie Rodriguez) and Disco Fever in 1978?
  • Did you know that Sheryl Cruz has appeared with Vilma before in Candy (Vilma in a cameo role) and Good Morning Sunshine (1980) directed by Ishmael Bernal? Mano Po 3 is their third film together.
  • Did you know that Vilma was directed by Lino Brocka in three movies but did not win any award? These were Rubia Servios (1978), Adultery: Aida Macaraeg (1984) and Hahamakin Lahat (1990). However, she won multiple Best Actress awards in three films directed by the late Ishmael Bernal considered as the rival of Brocka. These were Relasyon (1982), Broken Marriage (1983) and Pahiram ng Isang Umaga (1989).
  • Did you know that Vilma co-starred with Anthony Castelo in Pakawalan Mo Ako (1981) directed by Elwood Perez and Nonoy Zuñiga in Never Ever Say Goodbye (1982) directed by Gil M. Portes?
  • Did you know that director Emmanuel H. Borlaza, who used to direct Vilma in the ’70s, last worked with her in Ibigay Mo sa Akin ang Bukas in 1987?
  • Did you know that Vilma is the only actress who has worked with the following award-winning Filipino directors? Aside from Lino Brocka and Ishmael Bernal, Vilma was directed by Celso Ad Castillo (Burlesk Queen, Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak), Gil M. Portes (Miss X, Never Ever Say Goodbye), Danny Zialcita (Langis at Tubig, Karma, Gaano Kadalas ang Minsan, T-bird at Ako), Mike de Leon (Sister Stella L), Marilou Diaz Abaya (Alyas Baby Tsina, Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan), Laurice Guillen (Kapag Langit ang Humatol, Ipagpatawad Mo, Dolzura Cortez Story), Maryo J. de los Reyes (Tagos ng Dugo, Sinungaling Mong Puso), Chito Roño (Ikaw Lamang, Bata, Bata Paano Ka Ginawa?, Dekada 70), Jose Javier Reyes (Nagiisang Bituin), Rory Quintos (Anak) and now by Joel Lamangan in Mano Po 3.
  • Did you know that Vilma has won the following awards? Urian, eight; Famas, five; Star Awards, five; Film Academy, four; Movie Magazine Awards, four; Metro Manila Film Festival, three; Catholic Mass Media Awards, two; Young Critics Circle, two; Pasado Awards, two; Fame Magazine Awards, two; Cinema Rave, two and one each from Manila Film Festival, SIASI Jolo Critics Awards, Gawad Tanglaw, Let’s Talk Movies Awards, Cinemascoop Awards, Bacolod Film Festival and Channel 2 Viewers Choice. She has two international awards from the Brussels Independent Film Festival for Bata, Bata Paano Ka Ginawa? and Cinemanila International Film Festival for Dekada 70 both directed by Chito Roño. She is the youngest actress to be elevated to the Famas Hall of Fame in 1989 at the age of 36. She won for Dama de Noche (1972), Pakawalan Mo Ako (1981), Relasyon (1982), Tagos ng Dugo (1987) and Ibulong Mo sa Diyos (1988). She has two Famas Circle of Excellence awards (1992 and 1993), Film Academy (1997) and Famas (1998) Lifetime Achievement awards and two Urian Best Actress ng Dekada for the ’80s and the ’90s.

For more information on Ate Vi, check out the Vilma Santos website www.vilmasantos.net managed by Vilmanian Eric A. Nadurata. It contains her filmography with layouts (I love the layouts of Tagulan sa Tagaraw and 1979 Urian and Famas Best Picture Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak) and reviews of some of her films, her acting awards, old articles and magazine covers. This website is truly impressive! - Ricardo F. Lo, The Philippine Star, 11/03/2004 (E-mail reactions at rickylo@philstar.net.ph)

Friday, November 13, 2015

The Big Girl With A Big Heart


She was not to thrive on controversies. "Yan si Vilma Santos." Dala ito marahil ng kanyang napakaagang pagkakapasok sa pag-aartista. Gayon pa man she has not been spared with some near-clashes with issues affecting her standing in the field of entertainment ay dumarating din sa kanya. Sa paminsan-minsang pagkantig sa kanyang enviable na katayuan bilang isang artista, uncondusive para sabihin nating she does it with tact...sa dahilang di na niya kailangan. She does not have to evade issues for reason na wala naman siyang dapat ipaliwanag sa ilang mga puna sa kanya. Having maintained her "sweet-image" personality sa kanyang mga followers and foes alike, isang napakalaking achievement ito paa sa isang artistang naging katungali sa larangan ng popularidad ang isang kinikilalang very formidable showbiz supergirl. Much to busy before the camera, tutoong napakahirap magkaroon ng pagkakataong makapanayam siya with ultimate gusto. But we have always been broadminded about such perchance happenings. Kahit na between "breaks" na hindi namin siya ginambala. Knowing fully well the gruelling eksenas na katatapos lang niyang harapin, its but fair na kinakailangan niya ang magpahinga, though momentarilly. However we came upon a beautiful idea kahit na di namin siya masyadong nakakuwentuhan, her showbiz life was an open book. Di kailangan ang manaliksik. Appraisal was well at hand. Gayunpaman, we sidetracked to dwell on more hearsays. Facts ang aming pinagbabasihan...mostly emanating from people close to her at gayon din sa mga taong naging asiwas sa kanyang pagiging popular. It is an accepted tenet na kapag ang isang tao ay naging successful sa kanyang hanapbuhay, the natural trend ay ang pagiging usual target ng mga pana...nakakasira and otherwise.

In her little more than a decade of involvement with showbiz, isang bagay ang naging very obvious sa kanya. Ang vigorous growth niya sa pagiging artista didn't flourish through controversy. However, she has had near-clashes with some. To mention some of those "drop-in-the-bucket" napaguusapan, napagtapunan namin ng pansin ang kanyang closeness sa kanyang reel and real ka-love team na si Edgar Mortiz. Ang dalawa raw are more than just magka-love team. That they have been married daw in some off-Philippine shore. Ang nasabing rumor however died a natural death. On it's own, di na kailangan pang ikaila ito by either Vi or Bot kung totoo which it is not. They look it as just one of those laughing matters among showbiz people. Now the talk has taken its own course...to oblivion. Action speaks louder than words...at napakita nina Vilma na with a slight dash of denial, they have proved themselves capable of being burdened with the untruth. Time justified it for them. At kamakailan lamang ay nagkaroon ng issue ang kanyang pagsusuot ng very "unsweet" attire sa kanyang latest vehicle na "Lipad, Darna, Lipad." Nagkaroon ng divided concern ang iba't ibang panig na nakapaligid kay Vilma. Dapat daw ba niyang tanggapin itong role na ito? And if so, kailangan daw ba niyang magsuot ng tights o hindi? Trifling matter possible, but defintely, ikinabahala ng marami. However, this issue has been resolved upon. Sinusulat namin ito'y nasa finishing touches na ang "Lipad..." Realism has been injected sa kapansiyahan narin ni Vilma. She didn't wear tights nor body fits. Naging acceptable na rin sa kanyang mga fans ang inakala nilang tamang desisyon ng kanilang idol. Vilma on the other hand is one girl na di man lang namin nakitang unsmiling.

She had a ready smile for everyone. Winsome in everyway, very enjoyable to talk with ang young actress na ito. Recently, nagkaroon siya ng kaunting problems with a certain press release. However it has been threshed out even before it has magnified itself into harmful proportions. Nuong huli namin siyang nakaharap sa shooting ng "Lipad..." sa mismong El Dorado Subdivision sa Antipolo, kapuna-puna ang kasigpagan ni Vilma. And she can take risks too. Immeasurable ang kanyang industry at dedication sa kanyang propesyon. Di niya alintana ang pagod sa panayang shooting. She finds time to smilingly greet her many well-wishers who flocks daily to the set. We wonder kung nakaparis man ni Vilma kay Susan Roces sa ngayon. Vilma can well be placed as having started her career at an earlier age while Susan had started hers at a blooming age. However, the comparisons ends there. Susan had maintained her sweet statute as Vilma had up to now. Vilma definitely has a long, long way to travel sa kanyang career, marami pang trivalities ang kanyang haharapin. At kailangan maging handa siya. Knowing Vi we are sure she can pass it with flying colors. For one, Vilma never has panicked sa harap ng mga problema. Hindi niya kailangan maging ugali ng takasan ang ano mang problema. She face them squarely... - Tito Nards, Kislap, 1973

Wednesday, November 11, 2015

Songs of "All Of My Life" (Videos) 2/5

Joe Satriani - All of my Life
Minus Light - All of my Life
Kevin Morby - All Of My Life
MC Magic- All My Life
Billy Preston - All Of My Life
K-Ci & JoJo - All My Life
Diana Ross - All My Life
#AllOfMyLife, #VilmaSantos, #XiamLim, #AngelLocsin, #JoyceBernal, #JoeSatriani, #MinusLight, #KevinMorby, #MCMagic, #BillyPreston, #KCandJojo, #DianaRoss