Pages

Saturday, October 18, 2014

The All-Time Movie Queen


Why? Pati ba naman sa fantasy films si ate Vi pa rin ang Reyna? Why kaya? There are more than a thousand reasons why. No other actress, past and present has successfully transform from one super heroine to another. Think of Darna, Kampanerang Kuba, Dyesebel and immediately the name of Queen Vi will surface in your mind. Nanjan pa ang Wonder Vi, Vilma and the Beep Beep Minica at ang Phantom Lady. Mayron ngang isa jan na pilit sumabay pero sumablay naman hayun at Super ‘G’apang sa takilya.

Darna x4 - Si Queen Vi lang po ang nag-iisang aktres na gumanap ng Darna ng apat na beses at ang lahat ng mga ito ay pawang nagsipagtagumpay sa takilya. Sino ang makakalimot na ang respectable actress in the person of Ms. Gloria Romero ay papayag na maging Babaing Impakta? Ang pabulosong Celia Rodriguez bilang Valentina at isa pang mahusay na aktres na si Liza Lorena bilang Babaing Lawin sa Lipad Darna Lipad? Sumabog ang takilya sa mga sinehan, pinilahan ng lahat ng klaseng tao, bata, matanda, lalaki, babae, bakla, tomboy. Tinaguriang super blockbuster ang Lipad Darna Lipad ni ate Vi. Marami ang napatunganga, namangha, napatingala at humanga sa taas ng lipad ni Darna sa himpapawid. Hindi pa nasiyahan ang mga tao, muling pumaimbulog sa ere si Reyna Vilma sa Darna and the Giants, at muli sa Darna and the Planet Women at muli pa sa Darna at Ding. Marami na ang naging Darna before and after ate Vi, but most, if not all of them are just one-time Darna. Ngayon, sino ang Darna ng mga Darna, sino pa kundi ang Reyna ng mga Reyna, si Queen Vilma!

The Dyesebel Charm - Marami ang nakasaksi kung paano nakipagsabayan si Dyesebel sa Ang Agila at ang Lawin ni late FPJ and Former President Erap. Dalawa sa pinakamalalaking ibon ng industriya, nilunod ng isang sirena. It was actually a feat for Dyesebel to beat Agila at Lawin sa takilya. Just imagine, two top action stars together in a film against Dyesebel! I remember very well na na-pre-empt pa nga ang Dyesebel dahil the original movie starring Edna Luna was shown before our Queen Vi’s Manila Filmfest entry hit the wide screen. But still, Dyesebel at ang Mahiwagang Kabibe turned out to be a big big winner at the tills. Iba't ibang aktres na ang gumanap ng Dyesebel after ate Vi pero nananatili pa rin siyang nakatatak sa isipan ng mga tao and not Alma, Alice or even Charlene or Edna Luna. Pero bakit si Queen Vi? Kasi nga po, iba ang charisma ng ating Reyna. She has this certain magnetic charm na mahirap ipaliwanag.

The Beauty Within - Lately nga, Andang (for Sandra) of Kampanerang Kuba fame had joined the fantaserye club. Ginawa nga lamang Imang ang pangalan, short for Fatima. Pinapangit, pinagmukhang mabantot at sooper dugyot, pero lovable pa rin si Andang. Kinawawa, kinutya, inalipusta pero wagi pa rin sa bandang huli. Sounds familiar, right? Di ba ganyan din ang naranasan ni ate Vi at patuloy na nararanasan sa mga taong nabubuhay sa nakaraan at pinagtampuhan na ng panahon?

Pero, naririto pa rin si Queen Vi at patuloy na nagbibigay kasiyahan sa mas nakararaming tao, dahil ang naging pananggalang niya ay katatagan at bukal na kagandahan ng loob. Ang mga karangalang patuloy na inaani ni ate Vi ay hindi lamang pansarili kundi para sa buong bansang Pilipinas at mga Pilipino.

Sino ngayon ang maaaring bumura o pantayan man lamang ang record ni ate Vi sa pagiging All Time Queen of Fantasy Films? Ooooops, sorry! Wala pa akong natatanaw. Kayo meron ba? - Eddie Lozano, V Magaznie no. 12 2009 (READ MORE)