Pages

Saturday, February 8, 2014

Maria Cinderella at ang Pilipino Art


Isang pelikulang fantasy ang handog ng TIIP para sa nalalapit na 4th Quezon City Film Festival. Ito'y ang Maria Cinderella na isa na namang tambalan nina Vilma at Jay. napag-alaman naming hindi isang karaniwang fantasy ang nasabing pelikula. Manapa'y bibigyang-kulay nila at ningning ang tunay na Sining-Pilipino (Pilipino Art) in the serye na kahit na itanghal ito sa ibang bansa ay makapagbibigay inpormasyon sa mga foreigners. Ang location maging ang set ay talaga namang ating-atin. Ang bagay na ito ay isa sa mga nais mangyari ni Atty. Laxa, lalo na kung sa bakuran nila o oufit gagawin ang isang pelikula. Naging tradisyon na ng TIIP ang pagbibigay ng prestihiyosang movies sa publiko. Sa loob ng labingtatlong taong nagdaan ay napatunayan na nila iyon. Katunayan, sila ngayon ang sinasabing starmaker. Ang Maria Cinderella ay isang big budgeted movie. At alam ba ninyo na sa pelikulang ito ay nagbalik ang matagal na rin namang nawawalang bituin na si Blanca Gomez! Bukod kay Blanca, kasama rin nina Vilma at Jay Ilagan sina Geena Zablan, Janet Clemente, Janina Frias, Ike Lozada, German Moreno. Kabituin sina Jingle, Beth Manlongat, Don Don Nakar, Jon Jon Salvador, Maria Rosie Jico at Winnie Santos. Narito rin sina Joseph Sytangco, Elizabeth Vaugh, Greg Lozano at Dave Esguerra. Si Maning Borlaza ang siyang nagdirehe.


Pagkatapos ng pelikulang ito, nabanggit din ni Atty Laxa na magkakaroon ng ng iba-ibang leading man si Vilma. Ang bibigyan ng pagkakataon ay iyong mga walang gaanong pangalan. Sa gayong paraaan nga naman mabibigyan pa nila ng break iyong mga may kakayahan ngunit wala lamang pagkakataong maipakita ang kanilang talent. May seven fairies ang Maria Cinderella. At itoy's binubuo ng pitong naggagandahang starlet! Nasabi rin ni Vilma na nang mabasa niya ang kabuuan ng kasaysayan ng Maria Cinderella ay natuwa siya pagka't iyan ang uri ng storya na pang-fantasy na matagal na niyang ibig gawin. Sa side ni Jay Ilagan, isang karangalan umano ang muli nilang pagsasama sa isang pelikula ni Vi. Sana'y higit na ngayong maibigan ng mga manonood kaysa una namaing ginawang pelikula ni Vi - sabi ni Jay. Simula na nga ang puspusang pagsisiyuting ng Maria Cinderella at sa husay at tiyaga naming nakikita... walang dudang ito'y isa na namang panlaban ng TIIP sa mga makakasabay niya sa nalalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino sa lunsod ng Quezon. At isa na namang karangalan para kay Vilma Santos! - Deo Fajardo Jr., Topstar Magazine, No. 73, 14 Sep 1973