Pages

Tuesday, January 28, 2014

Purihin Ang Ngalan Mo Vilma (Repost)


Kahit ano ang sabihin ng kabilang kampo as they always claim na matindi pa rin ang kasikatan ng kanilang iniidolong aktres, aminin man o hindi, ang kainitan ng kasikatan at patuloy na pamamayagpag sa pelikula at telebisyon ni Ate Vi sa ngayon ay tumatagal na ng apat na dekada ay malinaw na katotohanan. Sabihin na nilang sikat ang fading Sufferstar, pero gaano ba kahaba ang itinakbo ng kanyang naghingalong career?

Nagsimula si Ate Vi bilang isang child star sa pelikulang Trudis Liit at the age of 9. Noong nagkamit siya ng FAMAS Best Child Actress sa naturang pelikula, marami ang nagsabing nakatagpo na naman ang Sampaguita Pictures ng isang child wonder sa kagaya ni Tessie Agana. Lalong tumingkad ang angking kagandahan ni Ate Vi noong nagdalaga na siya at nagpatuloy bilang teenage star. Taong 1969, at the age of 14, nagsimula ang bagong pahina sa buhay at career niya. At that time, sumisikat naman ang isang singing star na si Nora Aunor na naging karibal as movie queen noong dekada '70. One incontrovertible fact then is that Nora is number one at si Ate Vi ay second lang in terms of popularity. Of course, at this point, that no longer applies because the tables have been turned. Hanggang ngayon ay mabango pa rin ang career ni Ate Vi while Nora, with no major films or TV shows up her sleeve for years. Hindi matatawaran ang galing bilang aktres ni Ate Vi kayan naman iginawad ang FAMAS ang Best Actress Award sa pelikulang Dame de Noche. At nagsimulang magpakitang-gilas sa takilya on her own noong 1973 nang itampok sa Takbo, Vilma Dali at sinundan ng Hatinggabi Na Vilma na pawang big box-office hits. Mid 1973, ginawa ni Ate Vi ang Lipad, Darna Lipad which became her biggest hit then. Ginawa din niya ang Dyesabel. By that time, nagsimula na si Ate Vi na tawagin as Takilya Queen, dahil lahat nga ng mga pelikula niya ay kumita. Siya rin ang unang-unang itinanghal na Box-Office Queen at inakyat sa Hall of Fame matapos ang limang taong sunud-sunod na siya ang nagwagi bilang Box-Office Queen.

Si Ate Vi ang unang-unang naka-grandslam sa taunang pagbibigay ng Best Actress award noong 1982 sa pelikulang Relasyon. Kahit nga naiakyat na siya sa HALL of FAME bilang Best Actress sa FAMAS, siya din ang unang aktres na nagtamo ng kanilang Circle of Excellence. Si Ate Vi rin ang kauna-unahang aktres na napagsabay ang popularidad sa pelikula at telebisyon. Kumita ang lahat ng kanyang pelikula at sa telebisyon, walang nakapagpataob sa rating's game ng "VILMA". Kaya nga siya ang tinaguriang Star for All Seasons and Reasons. Hindi kasi lumilipas ang kanyang panahon. Sa ganang popularidad, o kakayahang maging box-office attraction ay hindi pa rin mapapataob si Ate Vi hanggang ngayon. Kailanman ay hindi nanganib sa takilya ang kanyang mga pelikula.

In terms of definition, ang titulong taglay ni Ate Vi ay nangangahulugang na namumukod-tangi, pangunahin at walang kamatayan. Siya ang pinaka super ehemplo ng isang glamorous star. Anupanga't patuloy na nagsasabog ng kanyang halimuyak at kasikatan ang Vilma Santos sa langit-langitan ng Pelikulang Pilipino at maituturing na the longest-reigning movie-queen sa bansa. 42 years na siya sa lokal na aliwan and her career still continues to go strong. No one but no one has duplicated Vilma's achievement. Sa kaso ni Ate Vi, kung tutuusin ay hindi niya kailangan ang anumang klase ng titulo. Hindi kakulangan ang walang nakakabit na title sa kanyang pangalan simula pa noong nahirang siyang natatanging batang aktres sa pamosong pelikulang Trudis Liit.

Purihin at Sambahin, ang Ngalan Mo, Vilma! Isa kang huwaran!Marapat lang na ipagkaloob sa 'yo ang most coveted National Artist Award at Ramon Magsaysay Award. Akala ba ninyo natitigil si Ate Vi sa kanyang winning streak? Hindi, huh. - Willie Fernandez, V Magazine, 2005 Global Vilmanians