Pages

Wednesday, January 22, 2014

Ang Pinakamahirap na Pelikula ni Vilma!


Sa paggawa ng pelikula, kung maringgan man ng pagdaing si Vilma Santos ay bihirang-bihira. Nangyayari lang ito kung ipagpalagay nating siya'y may dinaramdam, hapong-hapo at talagang hindi na makaya ng katawang humarap sa kamera kahit ibigin niya. Gayon man, kung nagkataong napakahalaga ng eksena at kinakailangang gawin niya, kahit anong sama ng pakiramdam niya'y humaharap siya sa kamera. At sa pagtungo niya sa set o location, lagi siyang nasa oras. Kung maatraso ma'y saglit lang. Ganyan ka-professional si Vilma Santos. Ngunit sa Lipad, Darna, Lipad ay dumaraing siya. Hindi sa hindi siya enjoy gawin ito. Ang tutoo'y sa pelikulang ito lang siya na-involved. Ibig na niyang matapos na ito't makita ang pinagpaguran niya. Talaga palang mahirap gumawa ng costume picture. Lalo pa't kung tulad nito! Una, ang naging suliranin namin ay ang Darna Costume ko. Kasi, kinakailangang maging maliksi ang kilos ko bilang Darna, kaya kailangang alisin na ang padding. Kaso nga, lilitaw naman ang malaking bahagi ng aking katawan. Mabuti na lang at sumang-ayon ang aking fans.


"Pangalawa, nag-aalala ako sa mga eksenang bakbakan namin nina Gloria Romero, Celia Rodriguez, Liza Lorena. Kasi, baka masaktan ko sila nang di sinasadya. "Ang pangatlo ay ang likas na pagkatakot ko...sa mga ahas. Kasi, may bahagi roong tungkol sa Babaing Ahas, si Valentina. Dito, laging kinakailangan ang ahas sa mga eksena. Mga sari-saring ahas. Maliliit at malalaki. At makamandag! "Ang pinakamahirap sa lahat ay ang pagsu-shooting. Kailangan naming tapusin ito anuman ang mangyari. Kaya nasasagap ko ang lamig ng gabi at init ng araw. At ang suot ko nga'y labas ang malaking bahagi ng katawa! At alam n'yo namang kailan lang ay na-ospital ako dahil sa respiratory defects! Ito ang mga daing ni Vilma Santos sa pinakamahirap niyang pelikula, ang Lipad, Darna, Lipad. Ngunit mahihinuha naman ninyo na ang pagdaing niya'y parang palalambing lang. Dinaraan pa nga niyang lahat sa biro. Pagka't ang tutoo, mahal na mahal niya ang pelikulang ito. Dahil ito nga ang pinaka-mahirap. At sa isang artista, kung alin ang pinakamahirap ay siya namang pinakamasarap! - Cleo Cruz, Love Story Illustrated Weekly Magazine, No. 78, 23 Mar 1973


Cleo Cruz, Vilma Santos' publicist in the early part of her movie career, Vi normally calls her, "Mommy" or Mommy Cleo. Now retired from entertainment journalism, Cleo Cruz is reportedly now living in the United States. She referred Vi's followers in many of her columns and articles as "Luvs." - RV