Pages

Saturday, July 13, 2013

Vilma S. Meet the Real Sister Stella L.

Those who have seen "Sister Stella L." in its various previews and premieres nights are one the same in their opinion: it is indeed Vilma Santos' best screen portrayal in the history of her long moive career! Si Vilma mismo ay inamin sa amin ito: "It is a once-in-a-lifetime movie role na talagang puedeng ipagmalaki ng kahit na sinong artista. Ang tagal bago tuluyang naisapelikula at natapos ang "Sister Stella L." pero talagang mula nang ialok sa akin 'yan, hindi na naalis sa isip ko. Kung kani-kaninong producer na nga inalok 'yan. Like sa Viva noon na akala ko'y matutuloy na, pero hindi pa rin pala. Kaya't kahit anong pelikula ang ginagawa ko noon, at the back of my mind, talagang nakareserba pa rin ang "Sister Stella L." Itinatabi ko talaga ko 'yan. Parang dream role na lagi kong binabalik-balikan. At finally, nang gawin na namin sa Regal, nabuhos na talaga ang buong atensiyon ko, ang lahat ng panahon ko. Ang now, after hearing all the favorable comments about the movie, and siyempre about me and my performance too, talagang tumataba ang puso ko at maha-high ako.

First and foremost, talagang it's a great honor na makatrabaho ang isang direktor like Mike de Leon. Dati ko na siyang nirerespeto, pero after working with him and making "Stella L.", lalo pang tumaas ang pagtingin ko sa kanya, First rate talaga!" Vilma recognizes the fact that without Mike's help, she will not be able to give the right characterization that her role required. "Kaya paulit-ulit ko isyang tinatanong kung tama ang mga kilos ko bilang isang madre," aniya. "and maniniwala ka ba, I met the real Sister Stella L.!" Nakakataw niya pahayag. Nagulat kami. You mean, sabi namin sa kaya, this is really a true story? Na ang kuwento ng madreng naging aktibista sa pelikula ay talagang ibinatay sa totoong tao? Akala namin kasi ay fiction lamang ito. "From what I heard," sabi ni Vilma, "may kaibigan talagang madre si Mike na siyang naka-inspre sa kanya para gawin ang pelikulang ito. One day, dumating si Mike sa set na kasama niya. She is very pretty. Sa ganda, parang hindi madre." Akala mo raw ay isa itong socialite. Ayaw sanang ipasabi ni Vi ang tunay na pangalan nito, pero we personally feel na wala namang masama dahil dapat pa nga siyang purihin sa kanyang prinsipyo. Kaya ire-reveal namin sa inyo ang tunay niyang identity. Her name is Sister Consuelo Ledesma, anak ng pinagpipitaganang si Pura Kalaw Ledesma at pamangkin ng ating current censors chief na si Maria Kalaw Katigbag or MKK. Now, isn't that a very interesting sidelight of the movie? Ayon kay Vilma, tuwang-tuwa siya dahil naaprubahan ang pelikula nang walang anumang putol. "That means the censors now are broadminded enought to realize na wala namang talagang masama sa pelikula," aniya. "Noon pa man, sinasabi ko nang ang ipinakikita lang ng movie, 'yung totoong nangyayari, 'yung mga prinsipyo lang ng taop ngayon. Like 'yung mga strikes, manonood ka nga ng newscast sa TV, di ba makakapanood ka rin ng mga ganyan? Kaya I'm really very happy na it was passed without any cuts.

Kung pinutulan kasi, parang makukulangan na 'Yung pelikula." How does it feel when people keep on saying na siguradong mananalo na naman siya ng best actress award ss susunod na taon? "Naku, ha," natatawa niyan wika, "ang layu-layo pa noon. Siyempre pa I'm flattered, pero ayaw ko munang isipin 'yon. Ang tagal pa bago matapos ng 1984 at maraming-marami pang puedeng ibang mangyari. Malay natin kung marami pang ibang magagandang pelikula ang magawa featuring the equally good performaces ng ibang mga artista? Basta natutuwa ako't ngayon pa lang, may panlaban na ko. 'Yong lang." With her fine performances in "Adultery" and "Sister Stella L.", marami ngang movie insiders ang nagpapalagay that Vilma can easily rest on her laurels for this year. Sabi pa nila: "Maski huwag na siyang gumawa ng ibang pelikula at next year na uli siya magkaroon ng bagong release, okay lang.

For this year, talagang she has already proven herself." We Believe similarly, too, but Vilma is apparently not content with just two good movies this year kaya she is on her way to making a third one. She is currently doing "Alyas Baby Tsina" for Viva Films. This time, reunited siya with Famas best director Marilou Diaz Abaya. "It's a period movie, set in 1969-70 when unrest was at its peak," ani ni Vi. "We've started shooting pero ilang ulit ding na-delay dahil ulang nang ulan, e. Tapos, nagkasakit pa ako for three days." She will be completely deglamorized in the movie. Ang papel niya ay isang babaing naging puta at nabilanggo sa correctional kung kaya't nilagyan doon ito ng tattoo. In several scenes, wala siyang make-up at ipinakikitang naglilinis ng kubeta. Clearly, this is another challenging acting vehicles for Vilma. Kaya nga may katwiran talagang magreklamo yung mga ibang artistang babae natin. How come she is getting the best roles in the best projects? What did she do to deserve such a wonderful, enviable fate? Vilma dismisses all these with a simple shrug of her frail-looking shoulders. " I guess I'm just lucky," aniya. "Talagang Somebody up there loves me. Wala naman kasi akong atraso sa kanya eh." The bloom in Vilma these days is unminstakable. Talagang lalo siyang gumanda. And whatever joys and good fortune she is enjoying these days, we are sure she deserves all that bounty. - Mario Bautista MovieLIFE Magazine 1984