Pages

Friday, May 17, 2013

International Picture for Vilma


Friendship and goodwill to man. Ito ang patakaran ng bawat bansang nagsasanig sa buong daigdig. At ang palagayan ng mga tao sa mundo'y minsan pang nabigyan ng katuparan nang ang dayuhang artista (Meng Fei), ang humanga at hinahangan naman ng mga Pilipino. Tulad ng paghanga ni Meg Fei kay Vilma at paghanga naman ni Vilma kay Meng Fei. "Hinahangaaan niya ang mga dalagang Filipina," simula ni Vilma. "Nang may sabihin si Meng Fei, ang una bang nadama ay pagmamalaki sa aking sarili para sa kapwa ko dalagang Filipino. Hindi ba karangalan nating lahat na madama at marinig mula sa dayuhang ang paghanga nila sa akin?" Napangiti si Vilma nang sabihin niya na amini ang pagiging tunay na maginoo ni Meng Fei. Sa loob ng maraming araw na pagkakalapit nina Vilma at Meng Fei, mula nang magshooting sila sa Cebu City na ginagawa nilang bagong pelikula, ang Two Fists For Justice, ay lubusang nakilala ni Vilma ang tunay na pagkatao at paguugali ng Chinese actor na ito. "Never na never sa pag-uusap namin ay pinuri ko si Meng Fei o ang mga kaugalian nila. Nakikisama ako sa kanya bilang isang kaibigan at siya, bilang isang dayuhan ay pinakitunguhan ko bilang panauhin." But most of all the time, laging nasasabi ni Meng Fei ang kanyang paghanga sa Filipina at sa mga Pilipino. Sa ganyang paraan ay makakadama ako ng kasiyahan dahil ako'y Pilipino.

Sinisikap ni Meng Fei na makapagsalita at matuto ng wikang Tagalog. Tuwing mag-uusap kami'y ugali ng mga dalagang Filipina ang lagi niyang tinutukoy. At maging kapansin-pansin para sa kanya ang pagkakaroon natin ng mga beauty queens na isang malaking karangalan sa buong mundo." ani Vilma. "Natuklasan ko ang pagiging edukado at makabayan ni Meng Fei. Bakas na bakas sa kanya ang pagmamahal sa kanyang sariling wika. Kaya nga hindi siya sanay magsalita ng Ingles. Ayong sa kanya, sa kanilang bansa ay higit na hinahangaan ang mga taong nagbibigay dangal sa sarili nilang wika. Naniniwala ako, pagka't nang makarating ako sa Japan noon ay napansin kong karamihan sa mga Japanese ay hindi makapagsalita ng ibang wika. Sarili nilang wika ang kanilang ginagamit at sa kabila nito ay makikita naman natin ang progreso ng kanilang bansa. Ang hapon ay isa sa maunlad na bansa sa buong mundo. Subalit ang China ay humahabol ngayon sa kanila. Sa kabila nito, ayon kay Meng Fei, ay mayroon silang dapat ipagmalaki ang mga Filipina. Ang kanilang mga katutubong kaugalian. Amg kaugalian natin, ang katahimikan ng ating bansa at pamahalaan, ito ay hinahangaan at pinuring lahat ni Meng Fei." Ayon naman kay Meng Fei, ang kanilang pelikulang Two Fists For Justice ay naka-booked na for intenational release. Ibig din niyang ipakita sa ibang bansa ang kagandahan ng Pilipinas na nasaksihan niya sa pamamagitan ng pelikulang ito. - Ric S. Aquino, Modern Romances Illustrated Magazine, No. 13, 17 Sep 1973

Ric S. Aquino is a Filipino movie reporter, writer, columnist who was part of Vilma Santos' circle of movie writers in the early part of her film career. He mostly reports about the latest news about Vilma. He also wrote several pieces about her relationships with Edgar Mortiz and other admirers. His articles, mostly written in Tagalog were mostly published at Movie Queen magazine, a magazine identified with Vilma Santos. - RV