An All-Bold FAMAA: Untold Tales Behind The Scenes! This year's FAMAS affair is the most orderly. Ang dahilan? Isa na ang kawalan ng admission tickets. Sold out! Nagtataka ang ibang movie compnies, participating or not, kung bakit hindi nangyari ang customary practice na pagpapadala ng bilang ng mga tickets sa kanila. Isa lang ang VS Films sa nagtataka kung bakit limang piraso ng tickets lang ang naipadala sa kanila gayong higit na nakararami ang bilang ng nominasyon ng entry nilang "Pag-puti ng Uwak, Pag-itim ng Tagak." Ticket ang naging pangunahing problema sa pagtatanghal. Ang mga portera ng Metropolitan Theatre, pati ng mga security guards followed instruction to the letter. Basta walang tiket, huwag papasukin. Kaya kahit na artista ka, kung wala kang tiket, bawal pumasok! Sina Al Tantay at Tet Antiquiera ay mga presentors. Pagpasok sa gate ay hinanapan sila ng ticket. Napakamot na lang ng ulo kapuwa ang dalawa nang mabatid na wala nga pala silang mga dalang tickets dahil sinabihan lang sila bilang mga presentors. Naayos din naman. Bagaman may numro ang mga tickets with corresponding seats ay hindi rin nasunod ang seating arrangements. Umupo ka kung saan mo gusto. Going to the comfort room was even worst. Papayagan kang lumabas ng portera. Pagpasok mo uli, hahanapan ka ng kaputol ng ticket mo. Ang awardee na si Director Armando Garces na bago pa lamang gumagaling sa matagal na naging karamdaman at iika-ika pang lumakad ay naisipan munang tumayo at magtungo sa CR. Pagbalik, one rude usher asked for his ticket. He was even pushed back raw nang walang maipakitang kaputol na ticket.
Paistaran sa costumes! Anuman ang maging impression sa FAMAS, its being infamous, biased and all the bad things one could think of, still namumukod-tangi pa rin ito at siyang tanging grandiose affair na sadyang pinaghahandaan ng movie industry as one affair that shouldn't be missed. Costumes purposely ordered for the occassion cost thousands of pesos more than whan an ordinary starlet would earn in one movie. One bold star reportedly ordered a gown worth P10,000.00 hoping her husband would win sa "Best Actor," but he lost! Sa lahat ng okasyon, expect the unexpected from Ellen Esguerra. Dumating siyang daig pa si Queen Juliana o si Princess Grace o si Jacqueline Kennedy sa pagkabonggadera. She arrived in a carriage na parang galing sa pamamasyal sa Central Park ng New York in white gown complete with boa feather, bra-less and panty-less. Saan galing ang karwahe? "Kasalanan ko ba kung ipahiram sa akin ni Maria Montelibano?," tanong pa niya. Her hair was done in braids, Negro-style with feathers inset, by Budjiwara. Doing it took all of four hours! Vilma Santos drew the biggest commotion. Tilian, reminiscent of the early 70's heralded her dramatic entrance with singer-actor Junior. She was wearing an all-brown gown fresh from a fashion center of Paris with a cape and dangling ostrich feathers in the arms. Timing na timing ang pagdating ni Vi. Nagsisimula pa lang ang television coverage ng proceedings. Sinundin ni Vi ang firest interviewee na si Pilar Pilapil. Pag-entra, ang bida ulit ay ang mga portera, "Ticket n'yo ho?"
Nilapitan kami ni Rudy Fernandez. Anong feeling niya sincerely afternoon pa lang ay rumored na siyang mananalo? "Wala, okey lang, medyo kabado." Paghawak sa kamay niya, daig pa nito ang ibinabad sa yelo sa lamig at pinapawisan gayung air-conditioned ang buong thetre. Maging and nominee at finalist for "Best Actor na si Boyet de Leon ay binabati na in advance. "No, alam kong hindi ko gabi ngayon." As usual, Boyet came in his casual self. Nagpunta siya sa backstage. When he found out na hindi siya presentor balik siya sa may likuran ng teatro, umupo sa isang sulok at nakipaghuntahan na lang kina Rez Cortez at Lloyd Samartino. Halos magkasabay na pumasok si Nora Aunor at ilang alalay, Llyod Samartino and Jacqui Lou Blaco. "Kami," sagot naman ni Lloyd. You mean triangle ang gabing ito? Oo lang ang sagot, ni Lloyd. Tumuloy na sa may harapan si Aunor para maupo. Mayamaya, heto na si Carmen Soriano at tinawag ang anak. Pinaupo nila si Jacqui Lou sa tabi nila ni Eddie Rodriguez. Tense ang Inday Badiday. Nakipagpustahan siya ng sinundang gabi na mananalo si Vilma. Ang five hundred niya ay mananalo ng isang libo. Dumaan ang pangulo ng FAMAS, Mario Cabling. "Balita ko ay may sariling set ka ng winners na ini-annouced sa radio program mo," tanong ng Cabling kay Inday. "May tumawag kasi sa akin, sina Rudy Fernandez at Chanda Romero raw as Best Actor and Actress with Amy Austria for Supporting," sagot naman ni Inday. "Tignan natin kung tama ang hula mo," medyo may pagka-sarcastic na wika ni Mang Mario.
Ang first portion ng programa ay isang comedy of errors. Ang mga tinatawag ng presentors ay hindi umaakyat o lumalabas sa entablado. Bagkus, sa halip na ang tinawag, ibang tao ang lumalabas. Lumabas si Ruby Anna na walang plaque at ni hindi alam ang gagawin. Si Tina Monasterio ay mistulang isang fashion model sa gitna ng stage na wala rign ginawa. Tinawag si Tina Monasterio nina Amalia Fuentes at Carlos Salazar. Ang lumabas ay iba, si Josephine Garcia. Lumabas si Tito Nards bilang escort ng isang artista pero wala silang nai-prisintang plaque. Balik sila sa loob. Tawag uli kay Tito Nards. Ang lumabas ay si Rudy Gernaskey. Tawanan ang tao. Kasama ni Rio Locsin sa backstage ang tunay niyang ama, si Mr. Sta, Ana. Ninerbiyos si Rio dahil naduon daw ang nanay niya at balak siyang iuwi sa bahay nila. Lumayas pala at kumuha ng sariling bahay niyang titirhan si Rio. When it was time for her to mount the stage, biglang may nagbiro, "Andiyan na ang nanay mo, Ogie!" Takbo kaagad si Rio kung saan at ibinalot ang sarili sa kurtina ng entablado para makapagtago! Maugong pa rin ang balita na si Chanda Romero ang siyang "Best Actress" awardee. Wala si Chanda, nasa ospital daw at nagkasalit bigla. Insecure sa suot niyang fishnet-mini si Tet Antiquiera. Patalikod kasi ay litaw ang puwit niya dahil wala siyang panty! na-at-home lang siya nang dumating din sina Aurora Salve na bukas ang tagiliran ng gown, pati si Deborah Sun na laylay nga hanggang likod ang gown pero kita naman ang parang panty niya sa harapan na kulay silver.
Kurtina lang ang pagitan nina Deborah Sun at Al Tantay, reported to be feuding. Nawala bigla sa entablado si Al dahil to his right was Deborah and to his left was Rio Locsin naman, his rumored sweetheart at the moment. And in front of hims is partner Tet Antiquiera. Bumalik lang sa stage si Al nang wala na sina Deborah at Tet. Ngayon ay kausap naman niya si Rio, sa harapan ng nanay ni Mat Ranillo na si Gloria Sevilla. Sa umpukan nina Tony Santos, Sr., Amado Cortez at Leroy Salvador, isang tao raw ang kulang si Eddie Rodriguez. Tinawag. Kumpleto na raw ang casting. All three raw have one thing in common. Amalia Fuentes, finally realizing na tila they have been calling the wrong persons on stage decided: "Ako na lang ang magsasabi ng pangalan kung sinuman ang lalabas" dahil nga sa maling mga cue sheets. Di okey naman. Kaso, lumabas uli ang isang FAMAS member na ineskotan ang isang baguhan. "Sino naman ito?" tanong uli ni Amalia. Sa labas, pinapawisang maige si Johnny Litton sa pagmo-monitor sa mga celebrities na dumarating. Tagaktak ang pawis sa noo niya habang buong kapakumbabaang panay naman ang pahid ng napkin ni Frankie Clemente sa noo at mukha ni Litton. Namamayani ang taginting ng halakhak ni Elvira Manahan sa buong teatro sa bawat pagkakamali. "I'm used to it already, siya hindi pa kasi," depensa ni Nestor Torre Jr na co-host ng "Two for the Road."
Nora Aunor made the mvoe para lapitan si Inday Badiday. Kaso mo ay alert naman pala itong si Badiday. Nagkunwa itong may kinakausap nang palapit si Aunor. Saka lumakad palayo si Inday nang malapit na sa kanya si Aunor. Snob! Break na kami, si Azenith Briones na ngayon ang asawa ko," ani Elizabeth Oropeza nang may magtanong sa kanya kung nasaan si Ingrid Salas. Kinakantiyawan ni Amalia Fuentes si Aurora Salve. "Bah, ang isusuot ba naman e 'yong long sleeves niyang gown na closed neck pa mandin! Wala kang karapatang magsuot ng ganoon. Bakit, si Susan Roces ka ba? Si Susan lang ang puwedeng magsuot ng ganoon1" Tawanan. Sumama ka sa akin, mag-Joanne Drew tayo," yaya ni Nena kay Divina Valencia na medyo tumaba nang husto. "Mahal naman doon, four thousand!" tanggi ng nanay ni Dranreb. "Bembol Roco and Rita Gomez!" tawag ng monitor girl sa dalawa, na siyang mag-e-emcee sa next portion ng affair. Both mounted the stairs na siyang magluluwa sa kanila sa entablado. "Siguruhin mo lang na ang mga tatawagin kong pangalana ay siyang lalabas sa stage," warning ni Ms. Gomez. Tumagal nang konti bago pa lumabas sina Bembol at Ms. Gomez. "Sabihin mo naman na dalian na, humuhulas na ang make-up ko," ani Ms. Gomez sa monitor-girl. "Okey na ho," sagot pa nito. Maya-maya ay nag-dim ang mga ilaw. "Hoy, bakit namatay ang mga ilaw?" naiinip na tanong ni Ms. Gomez. Commercial pa muna! "Punyeta," inis na sagot ni Mother Rita. "Wala bang may lipstick at compact? Ihiram mo naman ako," pakiusap ni Manay Ichu. Nakahagilap kami kay Ellen Esguerra. Very ironic naman. Ini-announce ni Ms. Gomez ang susunod na parangal ay para sa "Dr. Jose R. Perez Memorial Award" at ang magpi-present ng award ay si Marichu Vera-Perez-Maceda! Di Ba starwars sila since "Eva Fonda?"
Hinila ni Liza Lorena si Dante Rivero sa isang tabi. Ang bulong nito: "Dante, ipinagpalit mo na raw ako sa iba?" "Wala 'yun, 'Perfect Mother," sagot naman ni Dante. Umakyat sa stage si Alma Moreno at siyang magpi-present together with Dondon Nakar and Raul Aragon ng award for "Best Actor." Ah, tiyak na si Rudy Fernandez na, hula ng marami. Ugong naman ang bulungan na si Mat Ranillo III na. Ayaw maniwala ni Gloria Sevilla. Imposible raw. Kahit si Mat daw ang winner, "If I know si Rudy pa rin ang babasahing pangalan," biro ni Nene Riego. At nang si Mat nga ang tinawag, napa-kurus bigla si Gloria at umiyak sa halip na maglulundag sa tuwa! Five minutes bago i-announce ang winner for "Best Actor," alam na pala ni Alma na matatalo ang mister niya kaya gusto nang umuwi. Pero pinigil lang ng PRO niyang si Nene Riego para nga naman makaakyat din sa stage at mai-display ang sinasabing P10,000.00 gown. Gusto ko, si Aurora Salve ang partner ko," pagpipilit ni Dondon Nakar sa monitor girl. "Wala nang changes, last few awards na," say naman sa kanya. All throughout the proceedings, lanta at mukhang matamlay si Nora Aunor. Wala ni kapiranggot na award kasing natamo ang kanyang "Atsay." When Celso Ad Castillo won the "Best Director" award, pumuwesto siya sa tabi ng pitno. Mahaba ang kanyang ceremonial walk patungo sa stage. Pero panay jogging ang ginawa. "I'm glad I didn't win," say ni Eddie Garcia kay Celso Kid. "Marami ka na raw award kaya sa akin na ibinigay," sey naman ni Celso kay Eddie.
Hindi na tinapos ni Aunor ang buong programa. Umalis kaagad siya. Pero bago 'yon, nauna nang umiskapo si Boyet de Leon. Amy Austria took everything in good stride. She's great sport at kalmanteng-kalmante hanggang sa huli. High nang gabing iyon si Anthony Alonzo. Kabado nga raw siya pero hindi tense. Naka-diyes litros kasi. Hindi na namain siya namataan after the announcement of the winner for Supporting Actor. Nagpakuha ng larawan magkasama sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire ang pictorial nilang tatlo ay for the benefit ng magasign ito laman. Lorna Tolentino was stunning in her sequined-fitting pants, kumpleto sa naghahabaang feathers sa ulo niya. Hindi pa rin nagbabati sa mga nasa paligid, Tinaasan namin siya ng kilay. Dinilaan lang kami! "Tito Leroy, pagsabihan mo naman siya," daing na pakiusap ni Rio Locsin kay Leroy Salvador. Kung si Rey dela Cruz o si Charito Garcia ang isinusumbong ni Rio, hindi namin nabatid. Si Pete ang naiwan ngayon sa Barnyard (restaurant nila)," ani Boots Anson-Roa who came with her dad, Oscar Moreno, now staying here and is managing the resto. "Are you sure na hindi nangungu-Pete sa kaha si Pete?" question ng isang punny ones. "Wala 'yung nangungu - Pete Lang," was Boots witty remark too. "Wala bang softdrinks man lang dito o anumang makakain?" ask ng isang presentor na hindi pa yat naghahapunan. "Wala, poor kasi ang FAMAS," paliwanag ng isang miyembro-opisyal. Si Beth Bautista ay naka-gown na ang slit o biyak ay abot hanggang balakang. Nang makita ang mga matang nakapako sa kanya, sabay ang mga kilay na nagtaasang nagtatanong na nawika nitong: "Bakit, wala ba akong karapatang magsuot nang ganito?" to the amusement of Cheng Muhlach walking behind her.
Ninety percent of the women were dressed in black formal evening gowns. The rest were either in white or brown...and minis, too! "Why do you tolerate Llyod in courting Nora, Lorna and other girls? Tipo bang pa-martir ka nga ba?" was asked of Jacqui Lou Blanco. "That's what you think," sagot ng tisay na anak ni Pilita who also wore a smashing gown that evening. Pitong awards ang nakopo ng "Pagputi ng Uwak..." ni Vilma. Nag-blow-out ang VS Films sa coffee shop ng Manila Hotel. Nagtungo rin doon ang grupo nina Alma Moreno pero nang makitang maraming tao sa lobby ng hotel ay bigla nilang inilikong paalis ang kotse nila. sa 1571 na lang daw sila. Sa Manila Hotel, nasa isang hapag sina Amalia Fuentes and company. Sa isang mesa naman, iyong grupo ni Marissa Delgado at Imelda Ilanan. Sa isang mesa ay ang grupo ni Dorothy Laforteza, Tony Bernal at Rudy Genaskey. At doon sa isa pa ring mesa, grupo naman nina Elvira Manahan at Nestor Torre, all out for an early breakfast. The rest of the tables were occupied by VS Films and well wishers. Nandoon sina Manay Ichu, Celso Castillo, Romy Vitug, Junior and others to help celebrate VS Films' Triumph. Naguwian ang barkada bandang alas-kuwatro na. Hindi rin gaanong nagpaumaga sina Eddie Rodriguez, Carmen Soriano, Lloyed Samartino at Jacqui Lour dahil may curfew raw itong huli sa kanila. Umalis sila bandang alas-dos nang umaga. Nilapitan ni Vilma ang grupo. Binati niya isa-isa. Tanging si Eddie R. ang hinalikan sa pisngi ni Vi. Kinamayan lang sina Mameng, Jackie at Lloyd.
Ineskortan nanan ni Joey Gosiengfiao ang magka-date na Greg Liwag at Deborah Sun sa isang mesa. Umalis din sila kaagad without joining the VS camp. Kinilig at halos himatayin sa upuan niya si Gil Villasana nang magpaalam sa kanya si Eddie Garcia with a flying kiss! Ang pinakamalaki raw boner noon ay ang pagkakabasa sa sulat ni Angie Ferro sent in advance saying: "In case na manalo" siya. The valedictory address should have been done away with. Naghinala tuloy ang marami na sadyang may leakage na ang mga winners bago pa man mabuksan ang envelope! Hindi umakyat ng entablado si Vilma Santos to pose with the winners of the four major categories. She was an attraction sa ibaba with congratulations being raised on her left and right kaya hindi na ito nakaakyat to pose beside Susan Roces. Dalawang ulit daw nanalo nang magkasunod na FAMAS si Susan. Sadya nga raw kayang when it rains, it pours? Pareho raw temang horror ang mga roles na napanalunan ni Swanie. Next year daw ay nakakasiguro nang gagawa uli ng horror movie si Suisan upang ipanlaban sa next FAMAS derby. Maging si Mat Ranillo III ay winner last year. For "Best Supporting Actor," he won in "Masarap, Masakit ang Umibig" and this year, he won for "Isang Ama, Dalawang Ina" for Best Actor award. Pelikulang hawig sa tunay na buhay: "Isang Ina, Dalawang Ama!" Ngayon lamang nakakuha ng award buhat sa FAMAS si Celso Ad.
At ngayon lamang nagtally ang mga awards ng URIAN at FAMAS. This year ay nanalo rin si Celso at ang "Pagputi ng Uwak..." ng Best Director at Best Picture award sa Urian. Baka raw may bawian na naman sa award ni Celso Kid, tulad nang manalo siya for "Burlesk Queen." Ang speech niya noon ay handog at alay di sa Pangulo at Unang Ginang. Pero binawi ang award! Si George Estregan ay nanalo muna bilang "Best Actor" in 1972 for "Sukdulan" bago siya nagwagi uli this time ng "Best Supporting Actor" award. Pagganito ang trend, ibig sabihin kaya nito ay pababa na ang rating ni George, from leading to supporting role na lang ba, ha Jesse? Ayon sa balita, isang boto lang daw ang inilamang ni Susan Roces kay Vilma Santos. Pero lagi yatang "isa ang lamang" ang katuwiran para sa mga natalo. Ngayon kami naniniwala na hindi nagkamali si Ronnie Poe nang payagan niya uling mag-comeback sa pelikula si Susan. She kept on trying till she won the FAMAS. Ngayon naman ay pinagsunud-sunod na ang panalo. Talbog ang Amalia Fuentes! "Nang matanong si Amalia kung muli pa itong gagawa ng pelikula..."Stop na muna ako, bankrupt na kasi ako," sey niya in all candor. Kasi raw ay naniniwala raw ang BIR sa mga nababasa nila tungkol sa pasobrang kita ng mga PRO. Bunga tuloy nito ay hinahabol ng BIR ang malalaking taxes na due sa huge earnings ng mga artista.
"Bah, ako man ay nalulugi rin. Lahat ng pelukula ko, in fact, ay pawang lugi," sey na rin ni Leroy Salvador. Paging BIR then! Kawawa naman pala itong si Leroy, buong pagaakala pa naman namin e blockbuster ang mga movies niya! "Alam n'yo ba na may isang actress-singer dito na hanggang ngayon ay hindi pa binabayaran ang utang niya sa madyungan after twenty years?" tanong ng isang veteran actress-awardee. "Nakakatakot palang manalo!" Buti na lang at hindi ako candidate. Ayoko nang mawalan uli ng pelikula," say ni Daria Ramirez na ngayon ay muling nagka-comeback sa pelikula. Tanong ni Carmen Soriano: "Tell me honestly, do you think na may lakaran ngayon sa FAMAS?" Kung anong dami ng mga policemen at mga cadets present bago simulan ang palatuntunan, wala isa mang secutiry sa gate noong matapos ang show. Dinumog tuloy nang husto ang mga artista paglabas. The colros of the ngith were red, black and white to the fullest. Although medyo nakalamang ang itim sa mga damit nina Nora Aunor, Boots Anson Roa, Gloria Sevilla, Leila Hermosa, Aurora Salve, Tet Antiquiera, (siya ang pinaka-star nang gabing yaon dahil sa kanyang suot na black body net with nothing underneath to cover her delicate parts), Julie Ann Fortich (na ang costume ay lift-up mula sa isang Barbara Cartland novel), Rio Locsin, Veronica Jones and others whose name in black escaped us for the moment. Kung sinumang paboritong artista na hindi nabangit sa black list ay siugradong dumating na ang kulay ng damit ay pula o di kaya'y ibang kulay. Amalia Fuentes was ravishing in a beige from Rome. - Alfie Lorenzo and Joey de Castro, Jingle Extra Hot Magazine, December 10, 1979 (READ MORE)
Sweetest Partners of teh Night: Llyod Samartino and Jackie Lou Blanco na magkahawak kamay nang pumasok sa bulwagan. (Who sez na nagkakalabuan ang dalawang ito?) Marahil ay gutom na si Lloyd noon, we caught him religiously muching a sandwich na tangan ni Jacki Lur. Pinaka-self-confident ng gabi: Celso Ad Castillo who declared na "I'm expecting seven to eight awards, kaya't steady lamang ako rito." (Baby..."Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak" got the lion's share totalling seven awards.) Gesture of the Night: George Estregan bussing Baby Delgado heavily bago umakyat at tanggapin ang kanyang tropeo. Runner-upL Alma Moreno who kept pressing Rudy Fernandez' hands upang maibsan ang pagka-tense ng asawa. (Rudy Fernandez was resting heavily on the hope of winning that night. He lost.) Comment of the nightL "Nasaan ang mga cue cards namin?" mararay na wika ni Mother Rita Gomez pagpasok sa podium. Runner-up: Gloria Sevilla checking on daughter Bebeth: :Sabi ko naman sa'yo huwag kang iiyak..." Mommy Gloria was howling backstage upon learning na Archie won. Costume of the Night: Tet Antiquiera who stoel the show on stage and backstage dahil sa kanyang revealing otufit, reminding us of Marilyn Monroe at Jean harlow. Very sexy! Runner-up: Aurora Salve's gown na may malaking slit sa side pababa at alam mong walang suot na underwear dahil paano? Sans-Vicks-Vaporub-Eye-Mo of the Night: Julie Vega who romped onstage blinded with tears dahil sa pagkapanalo niya. Biggest disappointment of the Night: Vilma Santos hellbent in winning the Best Actress, 'cause prior to that, nanalo na ang "Pagputi ng Uwak..." ng Best Picture at Best Director. Susan Roces queenly grabbed the coveted award for "Gumising Ka, Maruja." Runner-up: The whole of Metropolitan Theater when Rudy Fernandez' fine and exquisite performance in "Anak sa Una, Kasal sa Ina" failed to bring him the bacon. "We were expecting Rudy Boy to win..." comment Auggie Cordero. "Bakit naman ganoon? Sayang!" wika ni Claire. "Nang pumasok si Alma Moreno para mag-abot ng trophy for Best Actor, sigurado kong panalo na si Rudy," wika ni Philip Salvador, nang magkita-kita kami sa Manila Peninsula. Great Escape of the Night: Rio Locsin making a dash with Al Tantay upon learning na hinahanap siya ng kanyang mama. Runner-up: Singer Eva Eugenio na biglang nawala nang malamang sa Seq. 5 ng script siya dapat kumanta, mahuhuli sina Claire at Imelda Papin. So, from Seq 28, lipat si Claire sa Seq. 5, Pagkatapos ng kanta ni Claire, lumitaw ang eva Eugenio: "Bakit hindi ninyo ako tinawag, ako pala ang kakanta..." dialogue niya. - Joey de Castro, Jingle Extra Hot Magazine, December 10, 1979 (READ MORE)
FAMAS: Gabi ng Mga Cliche: - Ano ang kahulugan sa iyo ng FAMAS, tanong ko kay Elizabeth Oropesa sa lobby ng Metropolitan Theatre, November 21. "My only acting award came from the Famas." "Prestige to a certain extent," sagot ni Bembol Roco. "Next to the stars, the technical men in the industry expect much from it," chirped Marichu Maceda. "Disappointed sila nang early this year ay kumalat ang tsismis na hindi magbibigay ng parangal ang Famas for reasons other than professional." Nakakalungkot, di ba? Papatayin nang gayon na lamang ang 28 taong institusyon na tanging witness ng rise and fall and rise of Philippine movies. Ang mas malungkot nito'y hindi naman sa mga dahilang propesyonal papatayin ang Famas. Mga personal daw na dahilan. Nag-resign si Lilia Andolong nang hindi man lang tumawag ng isang eleksyon. Ang nangyari'y naglakas-loob na lang ang natirang mga miyembro upang itaguyod ang Famas. Tradisyon, tradisyon. Kaalakbay na ng karangalang Famas ang intriga, controversy. Halos taun-taon, pagkatapos parangalan ang mga aktor at aktress, may mga kilay na hindi mapigil ang pagtaas, nagtatanong. Bakit? Bakit halimbawa nanalo si Mat Ranillo III ng best actor award gayong hindi naman siya ang lead sa "Isang Ama Dalawang Ina?" Ganoon ba ang standard na gustong ipahatid ng mga hurado - ang acting na kasing-putla ng sukang Baliuag? Does Mat Ranillo deserve that trophy? I doubt very much. Hindi sa gusto kong i-put-down si Ranillo. He's fine young gentleman but a lousy actor. He has yet to internalize, to let go. Mababaw and kanyang facial expression. Walang substance. And to use a movie cliche, walang depth. Walang relevance, say ng swardspeak. Kung sa palagay ng Famas judges, talagang kapuri-puri ang acting ni Ranillo sa nasabing pelikula, makatotohanan siguro kung ang aktor ay na-nominate sa best supporting actor category.
Susan Roces makes for a more credible winner. And we're not even saying this because we're fans of hers. Kay Amalia Fuentes ako, kung itatanong mo. Ibig sabihin, mas kapani-paniwala ang pagkakapanalo ni Susan kaysa kay Mat. Sabihin nang mahigpit ang labanan sa best actress category, may laban naman kahit paano ang reyna. Susan's role sa "Maruja" is one of her best, of not her best portrayal so far. Flaw, flaws. Ang pinakamasaya, magulong bahagi ng gabi ng Famas ay ang portion na pinamahalaan nina Amalia Fuentes at Carlos Padilla, Jr. Ito ay ang bahaging pinarangalan ng Famas ang kanyang sarili. Lahat na yata ng miyembro ng Famas ay pinarangalan, at sino pa'ng nagaabot sa kanila ng parangal kundi ang mga direktor mismo ng Famas. Ang saya! Mas masaya ang production flaws sa portion na ito, an unforgettable moment in Philippine television, if you ask me. Hayan si Amalia Fuentes, kuntodo paganda, mala-sutlang gown ang suot at glamorous talaga, star na star, subalit ano'ng nangyari sa hosting nila ni Padilla? A comedy of errors, as she herself pointed out. Ganito. So tinawag ni Amalia ang pangalan ni Ingrid Salas upang magpresent ng parangal. Ang lumabas sa backstage ay si Azenith Briones. Nagkatinginan sina Amalia at Carlos pero tuloy-tuloy lang ang show. Next, tinawag ang pangalan ni Janet Bordon, ang lumabas naman ay si Tina Monasterio. Nang tinawag naman ang pangalan ni Tina, si Josephine Garcia naman ang nag-abot ng tropeo. Ganito rin ang sitwasyon nina Deborah Sun at Baby Delgado. Later on, hindi na rin napigil nina Amalia ang kanilang sarili. Sila man ay hindi na nagseryoso sa kanilang trabaho. "Ano ba itong nangyayari sa atin?" tanong ng aktress. Nagmumukha kasi silang kuwan sa entablado. And the poor production staff did not come to their rescue. To save themselves from further shame and embarassment, sina Amalia man ay nagenjoy na sa mababaw na kaligayahan. Inaliw ang mga sarili sa kanilang mistakes.
Fashion and passion. Bakit ba sa tuwing dadalo ang ilang artista sa mga ganitong okasyon ay pilit silang nakikipagkumpetensiya kay Lady Famas sa pabonggang damit o kawalan nito? Aba'y maloloko ka sa suut-suot na headdress nitong si Ellen Esguerra. Saan ba siya pupunta't nagkagasta pa siya nang malaki sa kanyang gown na sumisigaw, nang-aagaw ng eksena? Mainam sana kung nominee man lang ang actress. Did she lend glamour to the occassion? Mmmm. Kopya raw si Celia Rodriguez, kung bonggahan lang ang pinag-uusapan. Talaga? (This is one thing I hate about movie writing. I hate bitching around). I admire Rita Gomez. Prangka niyang sinabi sa kanyang co-host na si Bembol na "totoo, wala akong offers ngayon. Iyan ang katotohanan." Ano pa, at sino? Iyak nang iyak si Julie Vega nang ideklara siyang best child actress. Cool na cool naman si NiƱo Muhlach nang manalo ito. Parang hindi bata, hindi yata excited. Kapansin-pansin na ang dalawang child stars na ito ay pawang lead roles ang ginampanan sa kanilang mga winning entries. Al Tantay and Tet Antiquiera, Llyod Samartino at Jacqui Lou Blanco. Nag-kiss sina Jacqui Lou at Oropesa. Malisya, malisya sa iyong mga mata. Si Ruby Anna sa isang mapang-akit na kasuotan, itim na blouse na pagkanipis-nipis, mababakas mo ang kanyang kinabukasan. Hu-huhhh. Iyon ba si Manding Garces, ang direktor ng maraming action pictures noong araw? Mukhang masasakitin si Garces. He walked with a limp as he received his award of recognition from the ever recognizing body. Sabi ni Mario Cabling, pangulo ng Famas, kailangan nating iligtas ang akademya. Kailangan ang koordinasyon. For once, mukhang nakinig sa Famas ang mga artista. Sa dami ng dumalo nang gabing yaon, hindi mapigil ni Johnny Litton ang malunod sa mga cliche. Ang buong gabi ay isang cliche. - N Miguel II, Jingle Extra Hot Magazine, December 10, 1979 (READ MORE)