Never have we attended a party na gano'n karami ang taong dumalo. Terrible talaga! Would you believe ang maluwang na compound ng FPJ Studio sa Del Monte ay naging maliliit at masikip sa tingin dahil sa dami ng taong naroon nung gabing yon? Wow, hindi ko ma-imagine talaga! Ang take note: noong gabing 'yon. Maiyak-iyak akong talaga sa sakit. Halos lahat ng artista, producer at mga press people, malalaki at maliliit mang pangalan, ay naroong lahat. Punong abala sa pagtanggap ng mga panauhin on the part of Ronnie Poe si Susan Roces, ang kanyang maganda at very charming wife whereas kay Lito L. naman ay si Jesse Chua na halatang siyang ninerbiyos at excited noong gabing 'yon. Palakad-lakad at table hopping sina Ronnie at Lito sa kanilang mga guests upang ang lahat ay kanilang ma-entertain. Nagkaroon ng commotion at pagkagulo nang dumating si Guy. As usual kasama na naman niya ang kanyang mga PRO's. Hinandugan ng awit ni Guy ang mga may kaarawan at nagkaroon pa sila ng dance exhibition ni Lito. Halata namang nahihiya si Guy dahil hindi bigay ang kanyang pagsasayaw. Umawit din si Ronnie Poe ng isang Tagalog song na lagi niyang kinakanta. Sa may kalagitnaan ng kanta, Susan joined him at the stage. Tuwang-tuwa ang lahat, kinikilig na totoo ang mga fans sa paligid. Nagbigay rin ng ilang pangungusap si Mayor Joseph Estrada na binati ang may kaarawan. Umawit pa rin si Lirio Vital pero bago siya umawit ay umakyat sa stage si Director Carlo Caparas, inakbayan siya at nag-whisper sa kanya. Sila ba ngayon? Tanungan ng lahat. Eksaktong alas-dos ng hatinggabi ay sinidihan ang mga fireworks. Wow, ang ganda-ganda talaga! Parang 'yung mga fireworks sa Luneta kung Bagong taon...O baka mas maganda pa. Beyond description talaga sa galing. Sa kalagitnaan nang mga pagkikislapan ng mga ilaw, ng mga sagitsitan at sali-salimuot na liwanag, biglang appear ang larawan na magkahiwalay nina Ronnie Poe at Lito Lapid. Bilib na bilib talaga ang lahat ng naroon. Superb ang idea para sa promotion ng pelikulang Kalibre 45. Saludo kami. - Emy S. Vivar, Fely D. Igmat (Photos), Modern Romances, September 8, 1980 (READ MORE)