Tinaguriang King of Philippine Movies si Fernando Poe, Jr. samantalang si Susan Roces ang Queen of Philippine Movies. Si Amalia Fuentes ang Ms. Number One, si Juancho Gutierrez ang Mr. Number One. Si Dolphy ang Comedy King, si Ai Ai de las Alas naman ang Comedy Concert Queen. Ang dating mag-asawang sina Martin Nievera at Pops Fernandez ang tinaguriang Concert King and Queen. Si Regine Velasquez ang Asia's Songbird, si Lani Misalucha ang Asia's Nightingale at si Pilita Corrales ang Asia's Queen of Songs. Si Boy Abunda ang King of Talk samantalang si Kris Aquino ang Queen of All Media. Si Inday Badiday ang Queen of Intrigues, si Ike Lozada ang Dambuhalang DJ at si German Moreno ang Master Showman. Tinawag na Mr. Pure Energy si Gary Valenciano, si Sarah Geronimo ang Pop Princess samantalang si Maricel Soriano ang Diamond Star. Si Sharon Cuneta ang Megastar at si Nora Aunor ang Superstar. Si Ms. Vilma Santos ay binigyan din ng titulong Star for All Seasons subali't marami pa ding ibang bansag sa kanya. Nasa buwan na tayo ng Abril kaya't sa ating ALAM NYO BA? Part 82 ay isa-isahin natin ang mga naging titulo o bansag kay Ms. Vilma Santos.
The Governor - Nang matapos ang termino ni Mayor Vi bilang punung-lungsod ng Lipa, hinilingan na naman siya para kumandidatong gobernador ng lalawigan ng Batangas. Nagkaroon ng problema sa pamilya dahil ang kanyang bayaw na si Ricky Recto ay gusto ring kumandidatong gobernador subali't naplantsa din ang problemang ito. Lumaban siya bilang gobernador ng lalawigan at tinalo niya ng "landslide" ang kanyang kalabang si Armand Sanchez. Si Governor Vi ang first woman governor ng Batangas. Sa pangalawang pagkakataon, lumabang muli si Gov. Vi at nakalabang muli si Armand Sanchez subali't bago mag-eleksiyon ay inatake sa puso si Sanchez at ito ay sumakabilang buhay. Ang asawa nitong si Sto. Tomas City Mayor Edna Sanchez ang pumalit sa kanya para labanan si Gov. Vi subali't tinalo pa rin ng "landslide" ni Gov. Vi ang biyuda ni Sanchez. Bilang ina ng lalawigan, ang prayoridad pa rin ni Gov. Vi ay ang kanyang HEARTS program (Health, Education, Agriculture, Roads, Tourism and Security). Hindi niya alintana ang mga taong bumabatikos sa kanya dahil siya ay may political will.
Ilan sa mga naging programa niya sa lalawigan ay ang mga sumusunod:
- 1. Namahagi ng mga health cards.
- 2. Nagkaroon ng mga medical at dental mission.
- 3. Ipina-dismantle ang mga illegal cages sa Taal Lake.
- 4. Nagkaroon ng clean-up drive sa buong lalawigan para sugpuin ang mga sakit katulad ng dengue, atbp.
- 5. Itinatag ang Pusong May K ni Gov. Vi para sa mga taong may kapansanan.
- 6. Ipinagpatuloy sa Batangas City ang VSR Timpalak Awitan
- 7. At marami pang iba.
The Star For All Seasons - Si Julio Cinco Nigado ang nagbigay kay Vi ng titulong ito nang mag-initial telecast ang Vilma! show sa GMA 7 noong taong 1986. Bakit Star for All Seasons? Nang ipinalabas ang pelikulang Anak (2000) sa mga sinehan sa Metro Manila ay usung-uso noon ang mga bomb threats subali't hindi ito inalintana ng mga taong nanood. Sa katunayan, nang pinanood ko ang pelikulang ito sa SM Megamall for the nth time eh may sumigaw na isang babae kung kaya't naglabasan ang mga tao. Ang pelikulang ito ang nagbigay muli sa kanya ng titulong Box-Office Queen mula sa GMMSF kahit na Hall of Famer na siya. Samantala, bumabagyo nang magbukas sa mga sinehan ang mga pelikulang Sinungaling Mong Puso at Bata, Bata Paano Ka Ginawa? subali't tinangkilik pa rin ng publiko quesehodang isampa nila ang kanilang mga paa sa silya ng mga sinehan ganundin ang In My Life na kumita ng mahigit na Php20 million pesos sa opening day. Ang In My Life ay ipinalabas sa iba't ibang lugar ng mundo. Nagkabasag-basag naman ang mga salamin ng sinehan sa Gotesco Theater nang mag-premiere night ang mga pelikulang Pakawalan Mo Ako at Sinungaling Mong Puso. Naiwan naman ang mga tsinelas ng mga nanood sa New Frontier Theater nang mag-premiere night ang mga pelikulang Sinasamba Kita at Gaano Kadalas Ang Minsan?
Ang pelikulang Lipad, Darna, Lipad! (1973) ang nag-alis ng tawag kay Vi bilang poor second to Nora Aunor dahil inilampaso nito ang pelikula ni Nora Aunor at Joseph Estrada na Erap Is My Guy. Una na rito ay inilampaso din nito ang pelikula ni Fernando Poe, Jr. na Esteban. Winalis ng pelikulang Burlesk Queen (1977) ang halos lahat ng awards sa MMFF at ito pa rin ang itinanghal na Top Grosser sa nasabing film festival. Hindi man nanalong best performer si Vi para sa pelikulang handog ng Sampaguita Pictures sa 1978 MMFF na Rubia Servios subali't tinalbugan nito sa takilya ang pelikula ng nanalong best actress na si Nora Aunor para sa pelikulang Atsay. Sa katunayan, sa Coronet Theater sa Cubao, Quezon ay palabas ang dalawang pelikula...ang haba-haba ng pila sa Rubia Servios samantalang sa Atsay ay walang pila kung kaya't inaway ng mga pikong Noranians ang mga Vilmanians. Si Vi ay itinambal sa mga senior actors katulad nina George Estregan (Wonder Vi - 1973 at Amorseko Kumakabit, Kumakapit! - 1978), Fernando Poe, Jr. (Batya't Palu-Palo - 1974, Bato Sa Buhangin - 1976 at Ikaw Ang Mahal Ko - 1996), Joseph Estrada (King Khayam & I - 1974), Eddie Rodriguez (Nakakahiya? - 1975, Hindi Nakakahiya Part II - 1976, Simula Ng Walang Katapusan - 1978, Halik Sa Paa, Halik Sa Kamay - 1979, Hiwalay - 1981)...
Chiquito (Teribol Dobol - 1975), Jun Aristorenas (Vilma Veinte Nueve - 1975, Mapagbigay Ang Mister Ko - 1976), Romeo Vasquez (Nag-aapoy Na Damdamin - 1976, Pulot-Gata Pwede Kaya? - 1977, Dalawang Pugad, Isang Ibon - 1977, Pinagbuklod Ng Pag-ibig - 1978, Bakit Kailangan Kita? - 1978, Pag-ibig Ko Sa Iyo Lang Ibibigay - 1978, Swing It Baby - 1979, Gusto Kita, Mahal Ko Siya - 1980 at Ayaw Kong Maging Querida - 1983), Dante Rivero (Susan Kelly Edad 20 - 1977), Eddie Gutierrez (Promo Girl - 1978 at Asawa Ko, Huwag Mong Agawin - 1986), Dolphy (Buhay Artista Ngayon - 1979), Dindo Fernando (Langis At Tubig - 1980, Hiwalay - 1981, T-Bird At Ako - 1982, Gaano Kadalas Ang Minsan - 1982, Alyas Baby Tsina - 1984 at Muling Buksan Ang Puso - 1985), Ronaldo Valdez (Karma - 1981), Eddie Garcia (Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan - 1983, Yesterday, Today & Tomorrow - 1986 at Ibulong Mo Sa Diyos - 1988), Mario Montenegro (Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 - 1984) at Ramon Revilla (Arrest: Patrolman Risal Alih Zamboanga Massacre - 1989). Si Vi ay itinambal din sa mga aktor na mas bata sa kanya katulad nina Lloyd Samartino (Good Morning Sunshine - 1980), Niño Muhlach (Darna At Ding - 1980), Gabby Concepcion (Asawa Ko, Huwag Mong Agawin - 1986, Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas - 1987, Pahiram Ng Isang Umaga - 1989, Hahamakin Lahat - 1990 at Sinungaling Mong Puso - 1992)...
Miguel Rodriguez (Tagos Ng Dugo - 1987, Ibulong Mo Sa Diyos - 1988), Lito Pimentel (Tagos Ng Dugo - 1987), Richard Gomez (Tagos Ng Dugo - 1987 at Kapag Langit Ang Humatol - 1990), Joey Hipolito (Tagos Ng Dugo - 1987), Ricky Davao (Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? - 1987 at Imortal - 1989), Tonton Gutierrez (Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? - 1987), Gary Valenciano (Ibulong Mo Sa Diyos - 1988), Eric Quizon (Ibulong Mo Sa Diyos - 1988, Pahiram Ng Isang Umaga - 1989 at Hahamakin Lahat - 1990), Aga Muhlach (Sinungaling Mong Puso - 1992 at Nag-iisang Bituin - 1994), Cesar Montano (Ikaw Lang - 1993), Ronnie Ricketts (Ikaw Lang - 1993), Ramon Revilla, Jr. (Relaks Ka Lang Sagot Kita - 1994), Albert Martinez (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? - 1998), Raymond Bagatsing (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? - 1998), Ariel Rivera (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? - 1998), Jay Manalo (Mano Po 3: My Love - 2004) at John Lloyd Cruz (In My Life - 2009). Hindi man professional singer si Vi subali't nakagawa siya ng pitong long playing albums...tatlo dito ay solo album (SIXTEEN, SWEET SWEET VILMA at SING VILMA SING), tatlo ay duet nila ni Edgar Mortiz (SWEETHEARTS, THE SENSATION at ALL I SEE IS YOU) at isang christmas album ng mga recording artists ng Wilears Records (CHRISTMAS CAROLS). Meron ding siyang ginawang mini-long playing albums (SOMETHING STUPID at BABY VI).
Ilan sa mga naisaplakang awitin ni Vi ay ang Sixteen, It's So Wonderful To Be In Love, Dry Your Eyes, Bring Back Your Love, Raindrops Keep Falling on My Head, When The Clock Strikes One, So With Me, Sometimes, Baby Baby Baby, Sealed With A Kiss, Then Along Came You Edgar, Love Love, Don't You Break My Heart, May The Good Lord Bless And Keep You, Mama, Our Day Will Come, Oh Lonesome Me, I'm The One For You, Sad Movies, Among My Souvenir, My Promise To You, Mama Don't Cry At My Wedding, Drop A Line, A Wonderful Day, Da Doo Run Run, Abadaba Honeymoon, Tweedle Dee, Bo Weebel, A Kookie Little Paradise, Bobby Bobby Bobby, A Rick-Tick Song, It's Been A Long Long Time, Breaking Up Is Hard To Do, You Made Me Love You, The Birds & The Bees, He's So Near (Yet So Far Away), I Love You Honey, Always With You, You Don't Love Me Anymore, How I Wish I Were A Model, Do Re Mi Fa Sol I Love You, Better Than All, Your Kisses Are Losing Their Sweetness, My First Kiss, To Love Again, I Wonder Why, Have A Goodtime, Yeahoo, I Have Dream, My Boy Lollipop, Always, Atin Cu Pung Singsing, Baby Cakes, Little Brown Gal, Nine Little Teardrops, Jealous Heart, The Wonderful World of Music, I Understand, I Saw Mommy Kissing Santa Claus at Santa Claus Is Coming To Town, Something Stupid, Goodnight My Love, Hawaiian Medley, Seven Lonely Days, Mandolins In The Moonlight, Daddy, Seventeen, Palung-Palo Ako, Walang Umiibig, Basta't Isipin Mong Mahal Kita, Mamang Kutsero, Tok Tok Palatok at Batya't Palu-Palo.
Ang mga awiting Sixteen at Palung-Palo ako ay naging gold record award. Samantala, naging FAMAS best child actress (Trudis Liit - 1963), San Beda best supporting actress (Kasalanan Kaya? - 1968), best actress (FAMAS, Gawad Urian, FAP, CMMA, Star Awards for Movies, Gawad Tanglaw, PASADO, Gawad Suri at iba't ibang film festivals - local and foreign) at producer of best film (Pagputi Ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak - FAMAS at Gawad Urian). Sumulat ng isang kuwento (Biktima - 1974), naging direktor ng isang telemovie (Lazarito - GMA 7), naging tagapayo sa isang radio soap (From You To Me Vilma - DWWW). Naging idolo ng mga kilalang celebrities katulad nina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Ai Ai de las Alas, Claudine Barretto, Amalia Fuentes, Liezl Sumilang, Boots Anson Roa, Imelda Ilanan at marami pang iba. Gusto ding maiderek ng mga direktor na sina Carlos Siguion Reyna, Jeffrey Jeturian, Armando Lao, Adolf Alix Jr., Jerry Lopez Sineneng, Peque Gallaga, Brillante Mendoza at marami pang iba. Nagampanan na halos ang lahat ng roles...kerida (Relasyon - 1982), OFW (Anak - 2000), madreng rebelde (Sister Sella L - 1984), cancer victim (Pahiram Ng Isang Umaga - 1989), dual role (Dama de Noche - 1972), burlesque dancer (Bulesk Queen - 1977), inang may anak na autistic (Ipagpatawad Mo - 1991), person with aids (Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story - 1993), abogada (Relaks Ka Lang, Sagot Kita - 1994), inang may dalawang anak sa magkaibang ama (Bata, Bata Paano Ka Ginawa? - 1998), inang tahimik (Dekada '70 - 2002), babaeng nagbebenta ng aliw (Miss X - 1980), bulag (Ibulong Mo Sa Diyos - 1988), bilanggo (Alyas Baby Tsina - 1984), adulteresa (Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 - 1984), kuba (Kampanerang Kuba - 1974), pipi (Hatinggabi Na Vilma - 1972), babaeng pumapatay pag may regla (Tagos Ng Dugo - 1987), beauty queen (Mga Reynang Walang Trono - 1976), rape victim (Rubia Servios - 1978), bida-kontrabida (Sinasamba Kita - 1982 at Hahamakin Lahat - 1990), katulong (Kapag Langit Ang Humatol - 1990), pilay (Little Darling - 1972), Darna (Lipad, Darna, Lipad - 1973, Darna & The Giants - 1973, Darna vs. The Planetwomen -1975 at Darna at Ding - 1980), sirena (Dyesebel At Ang Mahiwagang Kabibe - 1973), konduktora (Ang Konduktora - 1972), tindera (Tsismosang Tindera - 1973) at marami pang iba.
Ilan pa sa mga naging awards ni Vi ay ang mga sumusunod
- 1975 - Most Outsanding Nueva Ecijana (Local Government of Nueva Ecija)
- 1992 - Ten Outstanding Young Achievers Award (Quezon City Jaycees)
- 1997 - Celebrity Mother of Gintong Ina Award (Dove Foundation)
- 1998 - One of the Most Outstanding Manileño (City of Manila)
- 2000 - Recognition Award in Government Service (GMMST)
- 2003 - Women with a Heart Award (Mary Kay Philippines)
- 2003 - Most Admired Filipino Men & Women (Rank No. 6 Pulse Asia, Inc.)
- 2004 - Power 100: Most Admired Filipino Men & Women (Rank No. 86 BizNews Asia Magazine)
- 2005 - UP Gawad Plaridel Award for Film (UP College of Mass Communication)
- 2006 - Diwata Award (UP)
- 2009 - Honoris Causi (Iriga City)
- 2010 - 1st Lingkod TV Awards
- 2011 - Starpreneur Go Negosyo Award (Philippine Center for Enterpreneurship)
Noong dekada '70, ang labanan ay VilmaSantos-Nora Aunor, sa dekada '80 naman ay Vilma Santos-Sharon Cuneta, sa dekada '90 naman ay Vilma Santos-Claudine Barreto/Judy Ann Santos at ngayong dekada 2000 ay Vilma Santos-Sarah Geronimo. Bongga talaga si Vi dahil name-maintain niya ang kanyang drawing power sa takilya. Durable at bankable pa rin siya at lahat ng nagsisikatang artista dekada kada dekada kada dekada ay nakakatunggali niya. Truly, Vilma Santos is The Star For All Seasons. - Alfonso Valencia (READ MORE)