Tinaguriang King of Philippine Movies si Fernando Poe, Jr. samantalang si Susan Roces ang Queen of Philippine Movies. Si Amalia Fuentes ang Ms. Number One, si Juancho Gutierrez ang Mr. Number One. Si Dolphy ang Comedy King, si Ai Ai de las Alas naman ang Comedy Concert Queen. Ang dating mag-asawang sina Martin Nievera at Pops Fernandez ang tinaguriang Concert King and Queen. Si Regine Velasquez ang Asia's Songbird, si Lani Misalucha ang Asia's Nightingale at si Pilita Corrales ang Asia's Queen of Songs. Si Boy Abunda ang King of Talk samantalang si Kris Aquino ang Queen of All Media. Si Inday Badiday ang Queen of Intrigues, si Ike Lozada ang Dambuhalang DJ at si German Moreno ang Master Showman. Tinawag na Mr. Pure Energy si Gary Valenciano, si Sarah Geronimo ang Pop Princess samantalang si Maricel Soriano ang Diamond Star. Si Sharon Cuneta ang Megastar at si Nora Aunor ang Superstar. Si Ms. Vilma Santos ay binigyan din ng titulong Star for All Seasons subali't marami pa ding ibang bansag sa kanya. Nasa buwan na tayo ng Abril kaya't sa ating ALAM NYO BA? Part 82 ay isa-isahin natin ang mga naging titulo o bansag kay Ms. Vilma Santos. Naging FAMAS best child actress si Vi para sa kanyang unang pelikulang Trudis Liit (1963) at San Beda best supporting actress para sa pelikulang Kasalanan Kaya? (1968).
The Grand Slam Queen - Si Vi ang kauna-unahang grand slam best actress dahil winalis niya lahat ng best actress award sa lahat ng award giving bodies noong 1983 sa pamamagitan ng pelikula ni Ishmael Bernal na Relasyon. Nanalo siyang best actress sa FAMAS, Gawad Urian, FAP, CMMA at Let's Talk Movies. Noong taong 1992, si Lorna Tolentino ay naka-grand slam best actress din para sa pelikulang Narito Ang Puso Ko mula sa FAMAS, Gawad Urian, FAP at Star Awards for Movies subali't sa New Fame Magazine Reader's Choice, si Vi ang nanalo ng best actress para sa pelikulang Sinungaling Mong Puso. Nabawi agad ni Vi ang grand slam best actress kay Lorna noong taong 1993 para sa pelikula ni Laurice Guillen na Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story mula sa Gawad Urian, FAP, Star Awards for Movies, MFF, Movie Magazine, Intrigue Magazine Reader's Choice at New Fame Magazine Reader's Choice. Noong taong 1995, si Nora Aunor ay naka-grand slam best actress din para sa pelikulang The Flor Contemplacion Story mula Gawad Urian (ka-tie si Helen Gamboa para sa pelikulang Bagong Bayani), FAP at Star Awards for Movies.
Noong taong 1996, si Sharon Cuneta ang naka-grand slam best actress para sa pelikulang Madrasta mula sa FAMAS, Gawad Urian (ka-tie si Nora Aunor para sa pelikulang Bakit May Kahapon Pa?), FAP at Star Awards for Movies. Grand slam best actress muli si Vi para sa pelikula ni Chito Roño na Bata, Bata Paano Ka Ginawa? noong taong 1998 mula sa Brussels International Film Festival, Gawad Urian, FAP, Star Awards for Movies (ka-tie si Nida Blanca para sa pelikulang Sana Pag-ibig Na), YCC, Pasado at Siasi, Jolo Critics Award. Ang ika-apat na grand slam best actress award ni Vi ay sa pelikula ulit ni Chito Roño na Dekada '70 noong taong 2002 mula sa Cinemanila International Film Festival, Gawad Urian, FAP, Star Awards for Movies, YCC, Pasado, Gawad Tanglaw, Cinema One's Rave Award - Critic's & People's Choice. Sa kabuuan, apat pa lang ang naging grand slam best actress subali't si Vi lang ang tanging nakaapat na grand slam best actress.
The Gawad Urian Queen - Sa mga artista, si Vi ang may pinakamaraming Gawad Urian award. Walo ang kanyang best actress award sa Gawad Urian kabilang na ang mga pelikula nina Ishmael Bernal (Relasyon -1982, Broken Marriage - 1983 at Pahiram Ng Isang Umaga -1989), Mike de Leon (Sister Stella L -1984), Laurice Guillen (Ipagpatawad Mo -1991 at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story -1993), Chito Roño (Bata Bata Paano Ka Ginawa? -1998) at Dekada '70 - 2002). Dalawa ang kanyang Aktres ng Dekada Award ('80s at '90s) mula sa Gawad Urian. Ang Pagputi Ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak (1978) ay naging best picture ng Gawad Urian kung saan ang kanyang VS Films ang nag-produce. Sa mga artistang babae, si Vi lang ang nakakuha ng tatlong best actress sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon (Relasyon - 1982, Broken Marriage - 1983 at Sister Stella L - 1984).
The Box Office Queen - Lipad, Darna, Lipad (1973), Darna & The Giants (1973), Batya't Palu-Palo (1974), Nakakahiya? (1975), Hindi Nakakahiya Part II (1976), Let's Do The Salsa (1976), Masarap, Masakit Ang Umibig (1977), Burlesk Queen (1977), Nakawin Natin Ang Bawa't Sandali (1978), Disco Fever (1978), Rubia Servios (1978), Miss X (1980), Langis At. Tubig (1980), Ex-Wife (1981), Pakawalan Mo Ako (1981), Karma (1981), Relasyon (1982), Sinasamba Kita (1982), Gaano Kadalas Ang Minsan? (1982), Paano Ba Ang Mangarap? (1983), Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 (1984), Yesterday, Today & Tomorrow (1986), Tagos Ng Dugo (1987), Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? (1987), Ibulong Mo Sa Diyos (1988), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Imortal (1989), Kapag Langit Ang Humatol (1990), Ipagpatawad Mo (1991), Sinungaling Mong Puso (1992), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Relaks Ka Lang Sagot Kita (1994), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2002) at In My Life (2009) ang ilan sa mga box-office hits na mga pelikula ni Vi.
Ilan sa mga awards na natanggap ni Vi bilang box-office champion ay ang mga sumusunod:
- 1974 - Box-Office Queen of Philippine Movies (Manila Overseas Press Club)
- 1978 - Philippine Movie Box Office Queen (PD Promotions)
- 1978 - Box-Office Champion (Grand Total Productions)
- 1978 - Box-Office Champion (Big Ike's Happening)
- 1979 - Box-Office Champion (Gand Total Productions)
- 1979 - Box-Office Champion (Big Ike's Happening)
- 1979 - Box-Office Queen of Philippine Movies (Mecca Productions)
- 1980 - Box-Office Queen of Philippine Movies (PD Productions)
- 1981 - Box-Office Queen of Philippine Movies (Geebees Productions)
- 1982 - Box-Office Queen of Philippine Movies (GMMSF)
- 1982 - Cinehan Award's Box-Office Queen (Metro Manila Theaters Association)
- 1982 - Top Female Star-Takilya Award (KASIPIL)
- 1984 - Box-Office Queen of Philippine Movies (GMMSF)
- 1996 - Longest Reigning Box-Office Queen (City of Manila)
- 2001 - Box-Office Queen of Philippine Movies (GMMSF)
- 2006 - Longest Box Office Reign (Gawad Suri)