Pages

Friday, January 25, 2013

MGA TITULO 1/6


Tinaguriang King of Philippine Movies si Fernando Poe, Jr. samantalang si Susan Roces ang Queen of Philippine Movies. Si Amalia Fuentes ang Ms. Number One, si Juancho Gutierrez ang Mr. Number One. Si Dolphy ang Comedy King, si Ai Ai de las Alas naman ang Comedy Concert Queen. Ang dating mag-asawang sina Martin Nievera at Pops Fernandez ang tinaguriang Concert King and Queen. Si Regine Velasquez ang Asia's Songbird, si Lani Misalucha ang Asia's Nightingale at si Pilita Corrales ang Asia's Queen of Songs. Si Boy Abunda ang King of Talk samantalang si Kris Aquino ang Queen of All Media. Si Inday Badiday ang Queen of Intrigues, si Ike Lozada ang Dambuhalang DJ at si German Moreno ang Master Showman. Tinawag na Mr. Pure Energy si Gary Valenciano, si Sarah Geronimo ang Pop Princess samantalang si Maricel Soriano ang Diamond Star. Si Sharon Cuneta ang Megastar at si Nora Aunor ang Superstar. Si Ms. Vilma Santos ay binigyan din ng titulong Star for All Seasons subali't marami pa ding ibang bansag sa kanya. Nasa buwan na tayo ng Abril kaya't sa ating ALAM NYO BA? Part 82 ay isa-isahin natin ang mga naging titulo o bansag kay Ms. Vilma Santos.


The Movie Queen - Sa mga artistang nagreyna, si Queen Vi lang yata ang nakagawa ng humigit kumulang na dalawang daang pelikula. 'Yung mga artistang nagreyna noon ay halos tumagal lamang ng isang dekada at pagkatapos ay mga supporting roles na lang ang kanilang ginagampanan. Si Queen Vi, sa kabilang banda ay tumagal ng halos limang dekada pero hanggang sa kasalukuyan ay bida pa rin ang kanyang mga ginagampanang roles sa kanyang mga pelikula. Marami sa mga pelikula ni Queen Vi ay kumita sa takilya at kinilala ng mga award giving bodies katulad ng FAMAS, Star Awards for Movies, Gawad Urian, Catholic Mass Media Award, Film Academy of the Philippines at Metro Manila Film Festival. Hindi lang mga pelikula ni Queen Vi ang kinilala ng iba't ibang award giving bodies kundi pati ang kanyang mga pagganap. Sa mga nagreyna, si Queen Vi lang ang may pinakamaraming best actress award.


Ilan sa mga naging awards ni Queen Vi bilang reyna ay ang mga sumusunod:

  • 1970 - Most Popular Loveteam ang Vilma-Edgar (Liwayway Publications)
  • 1971 - Miss Philippine Movies
  • 1972 - Reyna ng Pelikulang Pilipino
  • 1973 - Queen of Philippine Movies (BAMCI Promotions)
  • 1974 - Queen of Movie Stars (Life Publishing)
  • 1974 - Miss RP Movies (BAMCI Promotions)
  • 1975 - Miss RP Movies
  • 1975 - Queen of Southern Luzon Movies
  • 1980 - Miss Philippine Movies (PD Productions)
  • 1981 - Miss Philippine Movies-USA
  • 1983 - RP Movies Queen of Queens (Prime International Promotions)
  • 1983 - Her Highness Queen of Philippine Movies (Catholic Women's League)
  • 1988 - Queen of Philippine Movies (Star Publishing)


Ilan pa din sa mga awards ni Queen Vi ay ang mga sumusunod:

  • 1973 - Most Cooperative Star (Philippine Movie Press Club)
  • 1974 - Best Dressed Actress
  • 1975 - Fiesta Filipina (FPBA Reyna Elena)
  • 1976 - Most Appealing Star
  • 1980 - Paborito Ng Press (Philippine Movie Press Club)
  • 1981 - One of the Ten Loveliest Actresses (BBC Channel 2)
  • 1983 - Most Popular Star (Philippine Movie Press Club)
  • 1990 - Darling of The Press (Star Awards for Movies)
  • 1994 - Achievement Award - Parangal Ng Bayan
  • 1997 - Grand Achievement Award - Parangal Ng Bayan
  • 1998 - Lifetime Achievement Award (GMMSF, FAMAS)
  • 1999 - Natatanging Artista ng Taon (PASADO)
  • 2000 - Special Recognition for Winning at Brusells Film Festival (NCCA, Pelikula at Lipunan)
  • 2000 - Lifetime Achievement Award (Cinemanila International Film Festival)
  • 2003 - Lifetime Achievement Award (Cinemanila International Film Festival)
  • 2005 - All Time Favorite Actress (GMMSF)
  • 2008 - Ulirang Artista (Star Awards for Movies)
  • 2010 - Lino Brocka Achievement Award (Enpress)
To be completed - Alfonso Valencia (READ MORE)