Pages

Wednesday, December 26, 2012

Sino ba talaga ang mas mahusay umarte, si Vilma o si Nora


Sagot Ng Isang Noranian:

Sa sandaling ito, kakalimutan ko munang isa akong fan ni ate guy. I will transform myself as a jury weighing how these two incomparable competitive Actresses span their acting career for more than four decades have fascinated us all! Minahal natin silang dalawa pati na rin ang mga taong minahal at minamahal pa nila. Malaki ang ginawa nang dalawang ito sa pagkilala at paghubog sa lalo pang ikagaganda nang takbo ng industriya nang pelikulang pilipino. Pinadama at pinakita nila ang anyo at mensahe nang bawat karakter na kanilang ginampanan (at gagampanan pa!). Maaring sa ibang paraan ay masasabi kong magpahanggang ngayon umiinog pa rin sa kanilang dalawa ang takbo ng showbiz, isang hudyat nang pagpapahalaga na hindi nalilingid at maitatanggi ng karamihan sa atin na sila lamang dalawa ang may mas higit na naiambag sa institusyon nang puting tabing at sa labanang propesyonal na ito lamang muli’t muli silang pupukaw at hahaplos sa puso nating lahat. Sabi ko kanina, kakalimutan ko munang maging isang Noranian — mahirap yata ito para sa akin. Heto nga’t hindi pa tapos itong sinusulat ko eh balik Noranian uli ako! May history kasi ito eh, seven yrs. pa lang ako alam kong isa na akong Noranian and that has already been confirmed because I remember when I was somewhere between five or four, binutas ko ang isang speaker nang aming Stereo para lang silipin kung nanduon si Ate Guy kung talagang kumakanta siya ng “pearly shell”! Sound stupid but I guess that really showed how an innocent boy would go all the way just to see the glimpse of his Idol!( to the extent that I even wanted to be sounded like her, her voice and the whole enchelada!) Hanggang na-developed pa ‘yun noong lagi pa akong kasama ni Nanay sa mga pagtitinda nang mga doormat , iskoba, bunot at mga iba’t iba pang household cleaning stuff! Enjoy ako kasi after we did all the selling at the end of the day ang treat ni Nanay sa akin ay ang manood kami ng pelikula ni ate guy.

Unang movie niya na napanood ko sa sine ay ang “The Impossible Dream”! sa Cinerama ko pa napanood ‘yun (kanto ng Claro M. Recto at Roxas blvd.) Topbilling were Miss Nora Aunor and Cocoy Laurel! Hanggang nagkasunod-sunod na yung mga pelikula niyang pinanood ko, ‘yung iba nakalimutan ko na ang title pero itong mga pelikulang ito ang kabisado ko, “Paru-parung itim” based ito sa isang english movie, na bulag at pipi siya. I like the scene ‘yung pinapakain siya ni Boots Anson-Roa and Nora was out of control and being taught how to eat properly. From there, she was astounding and learning how her eyes project to the screen and at the same time show how to express the feeling of lost and helpless through her cinematic eyes were just impressive! “Ikaw ay akin” sa pelikulang ‘yun nilamon niya nang buhay ang kanyang hiwalay na asawa na si Boyet at ang rival niyang si Vi and up to now (last scene of that movie!) kumpara sa may mga kung sinu-sinong title na may star sa unahan man o sa huli, too bad so sad and i know you all gone that far but not...beyond! Wala pa akong makitang may kakayahang pupuwedeng gumawa uli nang ganung eksena and that includes your” beloved”( ano ba yan, title pa ng isang movie ni negi) star of all season ! Only Nora can do that! And this is not only coming from me but from the director himself, Ismael Bernal! “Minsan may isang gamu-gamo” actually, this movie is much more on social relevance than acting ng mga artistang involved. The picture theme was so huge and you don’t need big names like her but that doesn’t stop Nora from stepping up on stage to recieve her best Actress trophy and This was best picture that year! Among her best were “Tatlong taong walang diyos”, “Ina ka ng Anak mo”, “Atsay” this was the most controversial award because they gathered all the best actors and actresess in a leading role in just one title, the best performer award! Dito niya binanggit ang pamosong linyang” Mamay, mali ang hula nila!”

The movie” BONA” was not bad. I guess, it wasn’t as realistic and acting-challenged as “Atsay” people watched this movie only because of her and its director late Lino Brocka. “Himala and Banaue” were so huge because of its cast and budget. Again, you will watch these movies because of her screen presence and how she managed to manipulate the admiring fans to watch her over and over again without ever feeling sorry and regret,,,, and that’s how we love her. The movie “Merika”, there was a scene from that movie na ang galing-galing niya talaga! Nakaupo lang siya sa isang bus at naka-tanaw sa bintana, facial expression shot lang ito pero you don’t need any lines to read and feel what she is really trying to emote. Yung panghihinayang at galit kay bembol rocco na minahal lang siya nito dahil sa “Green Card” and the fact na minahal na rin niya ito! Minsan, nabanggit ni Ms. Armida segion-reyna na kapag si Nora ang kaeksena mo humanda ka na dahil ang mata nang taong yan ay buburahin ang memorya ng linya mo!!! ‘Yung latest movie niyang made in U.S. hindi ko pa napapanood and i’m not expecting much. Pero yung “Naglalayag” I did watched it and frankly, from what I heard and this is coming from Vilmanians (and what did you expect from them!) the, “Lamay scene”, that was Nora’s touch. the kind of acting that only her can truly aspires, touched and magnificently project what that particular scene requires her to do! And she did it touched-down! (as always!) Magkaroon man nang mga Star of all season, Megastar. diamond star at kung anu’t ano pang mga klaseng star. Iisa lang po ang orihinal na nagkaroon ng titulong may star at yan po ay ang aming natatangi, namumukod at nag-iisang Superstar na si Ate Guy, Miss Nora Aunor! – MBA Jr.

Sagot Ng Isang Vilmanian:

Fan mentality, paano mo aalisin ito kung ang tatanungin ay kung sino ang mas magaling umarte si Nora o si Vilma. Magmula pa lamang ng pagkabata’y namulat na ako sa kahusayan ng pagganap ni Ate Vi. Ganuon rin naman marahil ang mga tagahanga ng sa kabila. Mahirap alisin ang katwirang lalo pa’t nakasalalay ang pangalan ng dalawang aktres. Pero kung tatanggalin lamang natin kahit pansamantala lamang makikita na ang katotohanang nalagpasan na ni Vilma ang sinasabi nilang numero unong superstar lalo na sa pag-arte. Hindi ang aktres ng mga darna o wonder vi kundi ang aktres na naglakas ng loob na itapon ang sweet image at yakapin ang naiibang imahen na nagpasubok ng kanyang galling simula sa pagtanggap niya ng mahamon na papel sa Burlesk Queen. Sinabi niya sa kanyang sarili, Oo wala akong gintong boses pero marunong naman akong sumayaw. At kasabay nito’y handa kong tanggapin ang mga matatapang na papel na hindi kayang sikmurain ng mala-berhen na imahen ni Nora. Kasabay nang pag-ungos ay ang sunod sunod na patok sa takilya kasabay rin nang mga mapag-hamong pelikula katulad ng Relasyon, Broken Marriage at Sister Stella L. Sunod sunod na pelikulang pinarangalan ng Urian ng mga manunuri ng pelikulang tagalog. Hindi na nga siya ang sinasabing “poor second” sa sinasabi nilang superstar. Kung tutuusin siya na ang dapat tawaging superstar ngunit hindi ito ang ninais ni Vilma, patuloy pa rin niyang hinubog ang kanyang talento sa pagganap. Sabi nga ni Charito Solis, mas magaling si Vilma sa pagganap dahil sa mas versatile ito kaysa kay Nora. Totoo ka dahil hindi lamang mga martir na role ang puedeng gawin ni Vilma, puede rin siyang maging bida contrabida, puede rin siyang maging senyorita o atsay o kaya pamartir na asawa o kabit. Samantalay napako na si Nora sa mga pamartir na papel. Ito marahil ang dahilan kung bakit kalian lang sinabi ni Elizabeth Oropeza na mas magaling umarte si Vilma kaysa kay Nora dahil sa walang pinagbago ang pag-arte ni Nora.

Totoo ito samantala’y sinabi rin ni Boots Anson Roa na si Vilma may iba’t ibang klase ng pag-iyak. Mayroon tumutulo lamang ang luha parang patak lang, meroong umaagos sa pisngi at meron namang parang gripo sa pagpatak. Ganyan kahusay si Vilma kung umiyak. Samantala ang pag-iyak ni Nora’y hindi nabago. Sa mga ilang pelikula kailan lang masyadong nagasgas na ang pagpopokos sa kanyang overrated na mata para lang masabing magaling siya sa pagganap. Ilang beses nilang pinopokus ang kamera sa kanyang mga mata para masabing super galing ni Nora. Kahit na ang maging sukli naman nito’y magsuffer ang buong pelikula. Kung hindi ang i-exploit ang mga mata’y ang pagbibitiw niya ng mga salita’y makaka-distract ng mga eksena. Bawa’t kataga’y mayroong diin sa dulo na ginagawang katatawanan ng mga komedyante dahil nga sa hindi napipigil ng mga director ang kanyang nakagawiang pag-arte. Samantala si Ate Vi ay nahasa na sa mga kilo-kilometrong linya sa mga pelikula niyang pawang kumita sa takilya. Matatandaan duon sa eksena na nagsasalita siya sa harap ng kanyang ama na patay na sa Burlesk Queen, sinabi ni director Celso Ad Castillo na pinipigil ni Leopoldo Salcedo na hindi maiyak. Hindi siyan dapat umiyak dahil patay na siya sa eksena pero mahirap itong gawin dahil nadala siya ng husto sa tuhog na dialouge ni Ate Vi. Mga tuhog na eksenang pagganap ito ang sikreto ni Ate Vi na nagpatumba kay Elsa. Marahil halos lahat ng mga tangahanga ng kabila ang nagsasabi na bakit napataob si Elsa ng Himala ni Marilou ni Ate Vi sa Relasyon. Isang eksena lang ang kasagutan. Ito ay ang death scene ni Christopher DeLeon na tuhog na tuhog meaning hindi nagkaroon ng cut ang ginawa ni Ishmael Bernal hinayaan niyang umarte si Ate Vi ng walang putol at ang naging resulta ay ang napakahusay na pagsasalarawan ng biglang pagkamatay ng mahal mo sa buhay. Walang pokus sa mga mata, at walang OA na pagi-emote ng lines. Walang “hayup” o “my brother is not a pig” na line kundi tuloy tuloy na pag-iyak.

Dahil ito ang makatotohanang pagganap hango sa tunay na buhay. Kung sa tunay na buhay naganap ang Ina Ka Ng Anak Mo nang mahuli mo ang sarili mong ina’y inasawa ang sarili mong asawa wala na ang pa-emote na oa na acting na “hayup, hayup” kungdi sa tunay na buhay sabunutan na ang mangyayari. Iyan ang dahilan kung bakit pinataob ng Relasyon ang Himala ng kabila. Hindi hango sa tunay na buhay ang pagganap ni Nora sa Himala. Samantalay si Marilou ay tutuong tao. Hango sa tunay na tao ang ginawang pagganap ni Ate Vi. Mabalik tayo sa present time, makikita sa huling pagtutunggali ng dalawa sa mga awards ang Mano Po 3: My love versus Naglalayag. Kitang kita ang ebidensiya na hindi nagbago ang akting ni Nora. Hindi niya nabigyan ang justice ang role ng isang mayamang judge. Sa pagsasalita at pagkilos. At muli sa sinasabi nilang “burol” scene hindi makatotohanan ang page-emote niya na parang nagkaroon siya ng epilepsy. Samantala si Ate Vi from the start to finish nakikita mo na sa pagsasalita’t pagganap ay makikita mo si Lilian, isang Chinese na nalilito sa pag-ibig. Kung iisipin natin mahaba na rin ang nagdaan upang tignan natin ang “body ofwork” ng dalawang aktres. Surin mo man makikita mo ang lawak ng kaibahan ng mga pelikula ni Ate Vi kumpara sa mga pelikula ni Nora. Kungbaga, na-stock na si Nora sa mga apiapihan roles. Samantalay si Ate Vi hanggang ngayon highest paid aktres dahil sulit lagi sa takilya at laging may kakaibang pinapakita sa kanyang mga pelikula. Ilang dekada na ang lumilipas at ang kinang na kanyang bituin ay nanatiling makinang samantala sa kabila halos wala nang kinang, Sino kaya ang dapat sisihin? - RV

Awards Summary: (Nominations were not counted here, both actress received numerous citations and nominations.)

Nora’s Awards - Total Awards: 42
  • Manunuri’s Urian Awards – 6
  • PMPC’s Star Awards – 4
  • Film Academy of the Phils. – 5
  • MMFF and MFF – 9
  • Catholic Mass Media Awards – 2
  • Young Critics Awards – 4
  • FAMAS – 5
  • International Awards – 4
  • Pasado – 1
  • Gawad Tanglaw – 1
  • Davao City & Bacolod City Film Festival – 2

Vilma’s Awards - Total Awards: 47
  • Manunuri’s Urian Awards – 8
  • PMPC’s Star Awards – 7
  • Film Academy of the Phils. – 4
  • MMFF and MFF – 5
  • Catholic Mass Media Awards – 2
  • Young Critics Awards – 2
  • FAMAS – 6
  • International Awards – 2
  • Pasado – 3
  • Gawad Tanglaw – 2
  • Gawad Suri – 2
  • Cebu City and Bacolod City Film Festival – 2
  • San Beda College Awards – 1
  • Let’s Talk Movies Awards – 1