Pages

Tuesday, October 30, 2012

How To Identify A Vilmanian


Tutoo ka, very high tech na ngayon ang mga fans. Dati nakukuntento na tayo sa pagpunta punta sa mga television station, magbasa ng mga movie magazines at photo pictures nga ating idol sa mga bangketa at bumili ng mga sampaguita para isabit natin sa ating mga idol pero ngayon nakukuha nating mag-communicate sa chat line ng internet, text sa cell phones at various e-groups ng Yahoo! Imagine all of over the globe nakakapagchika-chika at nakakapag-share ng info about our beloved Ate Vi! Sa ilang taon na ring namang pagkabuo ng ating gawi at nakapag-adopt na tayo sa teknolohiya ay kasabay rin ng mga sandali kung saan hindi natin malaman ang tutoong identity ng kausap natin. Katulad ko nakilala n’yo ako nang una bilang si Marcus Peter Lee. Huwag n’yo na akong tanungin kung saan ko nakuha ang name na iyan. Mahabang kuwento. Actually, some of you may still call me by this name. Sa confusion na naging resulta, my apology. Kasi kahit na sino puedeng maging kahit na sino sa hiwaga ng internet! At kasabay nito marami rin tayong na-encounter na mga impostor! Yup, mga nagpapanggap na mga Vilmanians. Mabuti na lang at malakas ang ating radar. Nakukuha nating kilatisin ang mga sumusulpot sa ating tahimik na e-group at nakakalaman natin kung sino ang may itim na dugo na kung tawagin natin ay kampon ng kadiliman! hahahaha! Ang tanong paano ba nating malalaman kung ang isang tao ay isang Vilmanian? Heto ang ilang mga puntos…

Panyo – Hindi niya alam na mahalaga sa mga Vilmanian ang panyo. Tulad ng ating idolo nakagawian na ng mga Vilmanians ang makita si Ate Vi na may dalang panyo na terno sa kanyang damit kung kaya karamihan sa mga Vilmanian ay may dalang panyo lalo na kapag lumalabas ng bahay. So kapag nalaman mo na ang impostor ay walang paki kung tumatagaktak na ang pawis niya at nag-comment na bakit ba laging may dalang panyo si Ate Vi, tiyak na itim ang dugo nito. Hindi ito tunay na Vilmanian!

Expression – Hindi niya alam ang expression na “heaven!” Ito ang paboritong expression ni Ate Vi kahit magpahanggang ngayon. Signature expression niya ito. Kaya naman pati ang mga Vilmanians kapag nakikita si Ate Vi ang madalas banggitin ng lahat ay “Heaven!” sabay tawa ng malakas. So, kapag ang impostor ay hindi nabanggit man lang ang salitang ito sa kahit na anong conversation, mag-doubt ka na na siya ay may dugo ng kadiliman! Another test: “I love you Lucky!” kapag ang kaharap mo ay hindi alam kung anong ibig sabihin ng “I Love You Lucky!” na comment tiyak na true blooded impostor ito at walang alam sa pagiging isang Vilmanian. Lately alam ng lahat ang expression na “I accept the Challenge!” kapag ang kaharap mo ay nagtanong na “what challenge???” mag-doubt ka na na hindi yan royal blood (Vilmanian)!

“Kilo-kilotmetrong Movie dialouge!” – Hindi niya alam o kabisado ang mga kilo-kilometrong line sa mga movie ni Ate Vi. I-test mo siya kung alam niya ang mga lines na: “para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!”; “para akong manok takbo ng takbo pero wala namang ulo!”; “kung hindi mo ako kayang respetuhen bilang isang kaibigan respetohin mo na lang ako bilang isang tao”; “kung hindi tayo kikilos ngayon kelan pa?”; tanungin mo kung anong title ng mga pelikula hango ang mga lines na iyan. Kapag ang alam niya ay mga short line lang na “hayup” or “my brother is not a pig” tiyak na may dugong kadiliman ang impostor na iyan. Mahalagang malaman mo na ang tunay na Vilmanian ay magaling ang memorya sa mga movie lines ni Ate Vi. Ang iba nga memoryado bawat kataga bawat salita tulad ni Franco Gabriel at Wonder Sam! Kapag ang impostor ay nautal-utal at na-shock sa mga memoryadong lines na binigkas mo sa kanyang harapan tiyak na hindi Vilmanian yan!

Style and Manners – Hindi lang ang pagka-peminista ang namana ng mga Vilmanians kay Ate Vi kundi pati na rin ang kanyang personal style at manners. Ang mga Vilmanians ay nanatiling updated sa fashions. Hindi tayo napapahuli kung anong trends mapa-hairstyle o damit. Tulad ng ating idol alam rin natin kung ano ang tamang damit sa tamang okasyon. Kungbaga kung pupunta tayo sa beach at maliligo dala-dala nating ang ating swimming attire. Hindi tayo balot na balot na parang suman kung mag-swimming! Kasabay ng tamang pananamit ay ang ating manners. Kapag nakikipag-usap ang mga Vilmanians tulad ni Ate Vi ay lagi tayong nakakapag-bigay ng mga salita na hindi bastos. Wala ang mapag-kunwaring “po” at “opo” pero hindi nangangahulugang wala ang respeto kapag may kausap tayo. Naruon ang pagbibigay ng mga comento na matalino. Kapag ang inaakal mong impostor ay nagcommento ng wala sa tamang pag-iisip at pabalang-balang kasabay nito ang pananamit na walang style at parang galing sa palengke tiyak na may bahid ng dugo ng kadiliman yan!

Information – Tanungin mo kung anong horoscope ni Ate Vi. Anong pangalan ng mga kapatid ni Ate Vi. Ilang silang magkakapatid. Ilang taong gulang na si Ate Vi at saan sila nakatira nuong bata pa si Ate Vi at hindi pa artista! Kapag ang impostor ay nag-isip ng matagal at napanga-nga ang bunganga tiyak na may dugo ng kadiliman ang iyong kaharap!

Love life – Isa sa pinakamakulay na bahagi ng pagiging Vilmanian ng isang tao ay ang pagpapahalaga sa naging buhay pag-ibig ni Ate Vi. Hindi niya ito ikinahihiya bagkus ikinararangal niya dahil marami siyang natutunan sa buhay dahil rito. Tanungin mo kung sino sino ang naging boyfriend ni Ate Vi. Kapag ang impostor ay hindi alam kung sino ang tunay na naging boyfriend ni Ate Vi at kung sino ang nakapareha lang niya sa pelikula tiyak na hindi ito tunay na royal blood (Vilmanian) ito bagkus ito ay may dugo ng kadiliman!

”Now” – Isa sa karakter ng isang Vilmanian ay lagi itong nagpapahalaga kung ano ang ngayon. Kung baga magandang alalahanin ang nakaraan pero mag mahalaga kung ano ang ngayon. Kung kaya naman ang buhay ng isang Vilmanian marahil ay laging positive. Hindi tayo nabubuhay sa nakaraan. Ang nakaraan ay nakaraan wala na tayong magagawa sa nakalipas maganda man o pangit. Iyan ang pag-iisip na itinanim sa atin ni Ate Vi. Kaya kapag ang kaharap mo ay nag-umpisang maglintaya tungkol sa nakaraang dekada lalo na ang dekada sitenta at nagumpisang magsalita na “I wish it is still the 70s” Tiyak na may bahid ang kalooban nito ng dugong kadiliman. Wala namang masama na magnostalgia paminsan-minsan ngunit kapag ang bukang bibig nito ay ang panahong nakaraan tiyak na may halong dugong kadiliman ang impostor na ito!

Dancer – Isa sa pinaka-trade mark ng pagigigng Vilmanian ay ang hilig ng karamihan sa pagsasayaw kaysa pagkangta. Hindi nangangahulugan na hindi mahilig kumanta si Ate Vi katunayan maraming kanta ang identified sa kanya. Tulad ng Bato sa Buhangin, Isipin Mong basta’t Mahal Kita, at iba pa. Katunayan pa rin si Ate Vi ay may signature songs (Sweet Sixteen at Bobby Bobby Bobby among others) kumpara sa mga kanta ng karibal niya na pawang hindi niya signature songs kundi mga version nya lang. Halimbawa ang Handog na lagi niyang kinakanta ay hindi siya ang original at nagpatanyag nito. Kung ang pagkanta man ang porte ng sa kabila ang pagsayaw naman ang forte ni Ate Vi at kung ang kaharap mo ay walang alam sa mga big production number ni Ate Vi tiyak na hindi royal blood (Vilmanian) kundi isang impostor na may dugo ng kadiliman!

Professionalism – Another traits na pagiging isang Vilmanian ay ang professionalism. Nasa laging tamang oras at laging handa. Isa sa mga katangian kung bakit magpahanggang ngayon mahal na mahal ng mga producer si Ate Vi dahil hindi ito nagiging cause ng delay ng production. Walang prima-donna attitude si Ate Vi kung kaya naman maging ang mga Vilmanians ay katulad niya. Kung kaya naman ang mga big companies like Star Cinema ay laging ini-imbitahan ang mga Vilmanians na umattend ng kanilang mga premmiere nights. Paano kapag sumuporta ang mga Vilmanians todo-todo. Kapag ang kaharap mo ay puro dada at kulang sa gawa tiyak na may halong dugo ng kadiliman ito. Hindi ito royal blood (Vilmanian)!

Humility – Kahit ano pa ang narating ni Ate Vi ay nanatili itong mapag-kumbaba at laging tumatanaw ng utang na loob. Hindi siya “ingrata” kaya wala siyang pelikulang ganyan! Hahahaha! At tulad ni Ate Vi ang mga tagahanga niya ay naging katulad rin niya laging mapagkumbaba at hindi mayabang. Kapag ang kaharap mo ay parang isang bagyo sa pagmamayabang na daig pa ang may ipo-ipo tiyak na may kadudadudang ito ay may dugo ng kadiliman! - RV