Pages

Sunday, October 28, 2012

Family Life in the 70s

Ate Vi’s family life in the 70s Nostalgia ang theme natin for this issue. So, I will write about Ate Vi noong October 1970. After staying in an apartment sa may Bambang, Tondo, Manila and later sa isa uling apartment sa La Loma, QC, nakabili na si Ate Vi ng bahay sa isang bagong subdivision sa Quezon City rin. Isang katamtamang laki ng bungalow sa may Cenacle Drive ng Arfel Subdivision ang bagong bahay ni Ate Vi. Simplicity at elegance ang masasabing keynote ng bagong bahay na ito. May tatlong bedroom na pawang carpeted and all covered by wallpapers, which was the fad then. Incidentally, the said bedrooms ay pulos air-conditioned ding lahat. Carpeted din ang loob ng kanilang living room na kumpleto ng mga makabagong furniture. Adjacent to the living room is the dining room with a fabulous dining set good for 12 person. Dalawa ang kusina. The dirty kitchen is situated at the back of the house while the main kitchen is connected to the servant’s quarter. Kumpleto rin ang nasabing dalawang kitchen ng modern equipments.

At the back of the house ay ang isang maluwang na terrace na sadyang pinagawa ni Ate Vi para sa kanyang mga fans. Sa may bandang gate ay ang wide at cemented driveway na siyang tinitigilan ng kanilang dalawang kotse. Ang landscaping ng buong bahay ay simple lang ang pagkakagawa yet very fascinating naman to everyone’s eyes. Sa may gilid ng bahay ay may grotto rin na palaging inaalayan ni Ate Vi ng bulaklak. Katabi ng bahay ni Edgar Mortiz. After Arfel, tumira si Ate Vi sa Bel-Air Subd, Makati, then sa Dasmarinas Village sa Makati rin. She also had a house sa Monterey Hills Subd. sa Marikina. Ang alam ko hindi niya tinirhan ang bahay niya sa Monterey, although dito siya nag-celebrate ng kanyang 20th birthday. For practical reasons, dahil na nga sa sobrang laki ng bahay sa Dasmarinas Vill., they decided to sell it at bumili sila ng isang mas maliit na bahay sa Magallanes Village, also in Makati, although hindi rin naman maliit ang bahay sa Magallanes, it has 5 bedrooms at may basement at swimming pool pa ito. Dito nagtagal si Ate Vi, until she bought the house where she is staying until now sa Green Meadows sa QC. Curious lang ako, ano na kaya ang itsura ng unang bahay ni Ate Vi ngayon? Sino kaya ang nakatira doon ngayon? Siguro, it will take another issue for that. Meanwhile, let us enjoy how it looked like to live in the ‘70s. - Eric Nadurata, V Magazine 2007