Pages

Sunday, January 8, 2012

GAANO KADALAS ANG MINSAN (1982)

“If he goes, you go, if he dies…dalawa na kayong nawala sa buhay ko." - Lily

"You're supposed to be the father of the sick boy, not the willing husband of the boy's mother! That was the arrangement Louie!" - Elsa


Basic Information: Direction: Danny Zialcita; Adapted Screenplay: Danny Zialcita, Tom Adrales; Original screenplay: Tom Adrales; Cast: Vilma Santos, Hilda Koronel, Dindo Fernando, Chanda Romero, Tommy Abuel, Mark Joseph Enriquez, Suzanne Gonsales; Original Music: George Canseco; Cinematography: Sergio Lobo; Editing: Ike Jarlego Jr.; Sound: Vic Macamay; Theme Song: "Gaano Kadalas Ang Minsan" sung by Pilita Corales, Basil Valdez; Producer: Vic del Rosario Jr.; Released date: 25 November 1982

Plot Description: They are two women in love with one man. One is the wife, the other is the mistress. And between them, the man whose love and time they share. But even the most discreet of affairs can be laid open, and the most submissive of wives can lose her patience. Vilma Santos, Hilda Koronel and Dindo Fernando lend their thespic talents to this moving tale of love, betrayal and retribution.. – IMDB

Film Achievements: FAMAS: Best Editing - Ike Jarlego, Jr., Best Musical Score - George Canseco, Best Screenplay - Tom Adrales and Danny Zialcita, Best Story - Tom Adrales, Best Sound - Vic Macamay, Best Theme Song - George Canceso, Best Sound - Vic Macamay,Best Actor nomination - Dindo Fernando, Best Child Actor nomination - Mark Joseph Enriquez, Best Director nomination - Danny Zialcita, Best Picture - Viva Films, Best Supporting Actor nomination - Tommy Abuel

"Gaano kadalas ang Minsan" Grossed 7.3 Million in its few days run in Metro Manila in 1982 outgrossing "Sinasamba Kita" for Philippine movies' all-time box office tally. With inflation and currency rate in consideration that will be around 95 million. But that?s not the only exciting thing about these film. It was the only film that Vilma Santos and Hilda Koronel did while atleast when Hilda was still at her peak. Ofcourse, Ate Vi?s career remained as hot as ever while Koronel now accepts supporting roles. It was obvious that year that Hilda was also more glamourous than Vilma but looking at the two right now, Vilma maintained that slim, youthful look while Hilda struggled and visibly gained so much weight she can be mistaken as Ate Vi's aunt or mother! After Gaano Kadalas, Hilda did a few more leading roles under Viva Films even co-starred with Nora Aunor but didn?t get the same results as Gaano. But like what William Leary says, ?mahirap matalbugan si Vilma, Vilma is Vilma in any season and whatever movie!" - RV (READ MORE)

Film Reviews: Sa “Gaano Kadalas ang Minsan?,” minsan pang pinatunayan ni Danny Zialcita ang kanyang pambihirang abilidad sa pagbibigay ng bagong treatment sa lumang tema ng pag-ibig, na kadalasa’y umiikot sa pormula ng triangulo. (Hindi nga ba’t maging sa kanyang mga naunang obra, tulad ng “Hindi sa Iyo ang Mundo, Baby Porcuna” at “Ikaw at ang Gabi”, ay naitatak ni Zialcita ang kanyang makabagong sensibilidad sa pagtalakay sa mga kuwento ng pag-ibig? Mula sa istorya ni Tom Adrales (nagsilbing katulong ni Zialcita sa iskrip at sa direksyon), ang “Gaano kadalas” ay tungkol sa magkaibigang Lily (Vilma Santos) at Elsa (Hilda Koronel), na bagama’t kapwa nakaririwasa sa buhay ay magkaiba naman ang swerte. Matapos magpatingin si Hida sa doktor, nalaman niyang wala na siyang pag-asang magka-anak pa.

Si Vilma nama’y may kaisa-isang anak nga sa pagkadalaga pero wala naman itong ama at, mas grabe pa, may taning na ang buhay ng bata (may congenital heart disease ito). Minsan, nagkahingahan ng problema ang magkaibigan, at sa kanilang pag-uusap, inalok ni Hilda si Vilma na gawing ama ng kanyang anak ang asawa nitong si Louie (Dindo Fernando). Bagamat ipinalabas niyang mahal din niya ang bata at gusto niya itong mapaligaya kahit pansamantala lang, ang kanyang tunay na pakay ay mapaglapit ang kaibigan at ang asawa nang sa gayo’y magkaroon siya ng maaampong anak na mula sa relasyon ng dalawang taong kapwa niya mahal. Nagtagumpay ang tatlo sa kanilang pagpapanggap, at gaya ng inaasahan, nagkaibigan nga ang dalawa. Pagkatapos mamatay ang anak, nagbuntis si Vilma. Dahil delikadong manganak siyang muli (diumano’y may sakit siya sa puso), nagtangkang ipalaglag ni Vilma ang nasa kanyang sinapupunan. Napigilan siya ng kaibigang si Chanda Romero at ni Dindo mismo. Pero, sa wakas, nang siya’y magsilang, nawalan si Elsa ng asawa, kaibigan at anak.

Mahusay ang pagkakdevelop sa kuwento ng “Gaano kadalas” at epektibo ang direksyon ni Zialcita. Nagawa nitong masangkot ang manonood sa problema ng mga tauhan. Absorbing ang naging tunggalian ng mga puso’t damdamin. Naipakitang may sapat na motibasyon ang kanyang mga tauhan para pumasok sa ganoong arrangement. Gayunpaman, may ilang katanungang hindi nasagot sa pelikula. Una, paano nakasisiguro si Hilda na ipagkakaloob sa kanya ni Vilma ang anak nito kay Louie sakali ma’t hindi namatay ang bata? Ikalawa, bakit masyadong naging hayagan ang relasyon nina Vilma’t Dindo lalo pa kung isasaalang-alang ang kanilang tayo sa sosyedad? At ikatlo, kung totoong mapera si Vilma, bakit nahirapan siyang kumontak ng abortionist at dahil nga dito’y isinugal pa ang buhay? Kung tutuusin, lalo pang naging prominente ang mga kakulangang ito dahil lubusang nagrely ang pelikula sa samut-saring medical convolutions ng plot: kesyo hindi pwede manganak si Hilda, kesyo may anak nga si Vilma pero blue baby naman at kesyo hindi rin siya pwedeng manganak ulit dahil sa sakit niya sa puso (at ang mga ito ay nakapagtatakang hindi pa nalalaman ni Dindo). Ang madalas magpaangat sa pelikula ay ang acting ng cast. Dahil mas malaman ang kanyang papel at tila na perfect na ni Vilma Santos ang agony ng other woman, mas nangingibabaw ang kanyang performance kay Hilda Koronel. Kahit na mas marami ang nagsasabing si Hilda ang angat dito. Pasulpot-sulpot ang papel ni Hilda at may kahinaan ang motibasyon (isipin mong siya pa ang nagtulak sa sariling asawa sa ibang babae!). Medyo nakaka-distract ang kanilang mga kasuotan (mga gawa ni Christian Espiritu), gaya rin ng ayos ng mga bahay at kasangkapang tila nakikipagkumpetensiya sa tauhan. Epektibo rin ang pagganap ni Dindo Fernando bilang Louie na nahati ang puso para sa dalawang babae. Magaling din ang supporting cast, lalo na si Suzanne Gonzales, ang yayang sosyal, at ang batang si Alvin Joseph Enriquez. Kahit maikli ang kanilang papel, mahusay rin ang rehistro nina Tommy Abuel, ang doktor na nanliligaw kay Vilma, at si Chanda Romero, bilang matalik na kaibigan ni Vilma. - Justino Dormiendo, "Bagong Porma Lumang Pelikula," Posted from E Nadurata’s Vilma Santos web-site

Ang pelikulang umiikot sa tatsulok ng pag-ibig ay isa na sa perennial favourites ng masang Pilipino. Maging ang kapanuhunan pa nina Rogelio dela Rosa at Carmen Rosales ay palasak na ito sa mga pelikulang tulad ng “Maalaala Mo Kaya”, “Tangi Kong Pag-ibig” at “Lydia”. Ang kadalasang katriangulo nila noon ay si Patria Plata o kaya’y si Paraluman. Nag boom ang love triangle movies noong 60’s matapos nag hit sa takilya at manalo ng katakut-takot na Famas awards ang “Sapagkat Kami’y Tao Lamang” na siyang naglunsad kina Eddie Rodriguez, Lolita Rodriguez at Marlene Dauden sa di-mabilang na mga pelikulang pawang ganito ang tema. Halimbawa’y ang “Kasalanan Kaya”, “Babae, Ikaw ang Dahilan” at “Ikaw.” Ngayo’y muli na namang na-resurrect ang triangulo ng pag-ibig sa “Gaano Kadals ang Minsan?” sa katauhan nina Vilma Santos, Hilda Koronel at Dindo Fernando. At sa tingin namin, sa mga nag-portray na ng ganitong klase ng roles lately, sila na ang pinakamalapit sa orihinal at tipong talagang magmamana ng trono nina Lolita, Marlene at Eddie.

Ang istorya nga ng “Gaano kadalas” ay halos hawig din sa isang lumang pelikula nina Lolita, ang “Kapag Puso’y Sinugatan” na pinamahalaan ni Fely Crisostomo at nagwagi ng Famas best picture, best director at best actress awards (for Marlene) noong 1967. Mayroon din ditong batang may congenital heart defect na nasa sentro ng istorya. Hindi na rin bago sa direktor ng “Gaano Kadalas” na si Danny Zialcita ang love triangle. Ganito rin ang tema ng kanyang “Langis at Tubig” na nagpanalo kay Dindo ng dalawang best actor awards noong 1980. Pero dito sa “Gaano Kadalas” ay lalong tumingkad ang mahusay niyang pagha-handle, hindi lamang ng paksa kundi maging sa kanyang mga artista. Magkaibigang matalik sina Lily (Vilma) at Elsa (Hilda). Nalaman ni Elsa na may sakit sa puso ang anak sa pagkakasala ni Lily at may taning na ang buhay nito. Gustong makita ng bata ang kanyang di-nagisnang ama at upang matupad ang huling hiling na ito ay ipinahiram ni Elsa ang asawa niyang si Louie (Dindo) kay Lily. Siyempre pa, ayaw ni Lily noong una pero alang-alang sa anak ay pumayag na rin siya (Noong una’y inakala naming magiging napaka weak ng bahaging ito ng istorya).

Sino ba naman ang babaing buong pusong magpapahiram ng kanyang asawa sa ibang babae kahit na sabihin pa ngang best friend niya ito? Pero nalagyan nina Danny Zialcita at co-scriptwiter na si Tom Adrales ng justification ang pasiya ni Elsa. Talagang gusto niyang ibuyo si Louie kay Lily dahil natuklasan niyang siya’y baog at gusto niyang magka-anak ang kanyang asawa sa kanyang kaibigan. Without this ulterior motive on Lily’s part, magiging hindi kapani- paniwala ang buong pelikula. Tulad ng inaasahan ni Elsa, nagkaunawaan sina Louie at Lily habang nagsasama sa iisang bubong ang dalawa. Maganda ang pagkaka -develop ng pagkakalapit ng kanilang mga damdamin. Credible ang pagkakaroon nila ng affair dahil, to begin with, mukhang cold na asawa itong si Elsa (natitiis niyang magkalayo sila ni Louie nang matagal na panahon) at ito namang Lily ay may ekspiryensiya nang nabuntis ng lalaki kahit hindi sila kasal. Nang mamatay ang bata, nagbalik si Louie kay Elsa pero naging masalimuot ang lahat dahil nagdadalangtao na si Lily. Naging malungkot ang wakas para sa bawat tauhan, lalo na kay Elsa na siyang may pakana ng mga pangyayari. Sa tingin nga nami’y parang napakalupit ng ending para sa kanya.

Mahuhusay ang tatlong main stars. may kanya-kanya silang best scenes. Sina Dindo at Vilma sa unang komprontasyon nila matapos magbuntis ang huli nang mukhang hindi excited si Dindo sa pagdadalangtao nito. Si Hilda ay sa panunumbat niya kay Dindo matapos magbalik ito sa kanila, doon sa eksenang sinasabi niyang “That was the arrangement, Louie”. Pero sa lahat ng mga artista ay si Chanda Romero ang nagustuhan namin sa lahat. Kahit maikli’t halos supporting lamang ang role nito bilang kasosyo at confidante ni Vilma ay talagang markadongmarkado ang kanyang pagkakaganap. Napakaepektibo niyang magdeliver ng mga linya, lalo ng mga babala niya kay Vilma na tulad ng: “Huwag mo ng ituloy. Baka masaktan ka sa bandang huli. Babae ka, lalaki si Louie, siguradong gulo ‘yan.” Parang siya ang nag foreshadow sa mga sumunod na pangyayari sa buhay ni Lily. Nang magbuntis ito, siya rin ang nagbigay ng payo: “Pumatol ka rin. Pwede bang ikaw lang magdusa e kasama siya sa sarap?” Kaya’t siya ang nagsabi kay Louie na gustong magpa-abort ni Lily. Ang iba pang-guest supporting players ay magagaling din: si Ronaldo Valdez ay kwelang kwela sa dinner scene nilang apat nina Chanda, Vilma at Dindo; si Tommy Abuel ay napakagaling bilang doktor na may asawang nanliligaw kay Vilma; at si Gloria Romero bilang ina ni Hilda.

Ang credit na ito sa pagkuha ng mga mahuhusay at kilalang artista kahit na halos guest role lang ang lalabasan ay dapat na mapunta sa direktor na si Danny Zialcita, na hindi nagtitipid sa pagkuha ng kung sinu-sinong ekstra na siyang kadalasang nangyayari sa ibang pelikulang lokal. The lions’ share of credit should really go to Zialcita dahil nagawa niyang bigyan ng bagong bihis ang isang behikulong gamit na gamit na. As usual, naroon ang mga pakwelang dialogue na tatak niya. Halimbawa’y nang makita ni Hilda na nanonood si Vilma sa pagpapaalam niya kay Dindo: “Don’t look, Louie, but I think your wife is watching.” O nang sabihin ni Vilma kay Dindo: “Kung nagkataong ibang asawa mo, I’ll gladly be your willing mistress.” maganda rin ang sets, mga bahay at restaurant na ginamit sa pelikula. Mabilis ang pacing at mahusay ang editing, may eksenang out-of-focus si Felizardo Bailen pero as a whole ay mahusay ang trabaho niya. Nakatulong nang malaki sa ikagaganda ng pelikula ang madamdaming musical score at theme song na ginawa ni George Canseco. Sa lahat ng ginawang pelikula ng Viva Films, dito kami talaga nagenjoy. Ngayong nasa Viva na rin si Zialcita, dapat sigurong magpakitang gilas naman si Eddie Garcia na siyang dating solong direktor ng Viva. - Mario Bautista, "Tatsulok na Pag-ibig," Posted at Eric Nadurata’s Vilma Santos web-site

"...From 1979 to 1986, Zialcita was on a roll, doing one film after another, pulling off nine hits in a row beginning with Gaano Kadalas in 1981 up to his sex comedies that include May Lamok Sa Loob ng Kulambo. He could demand anything from a producer and his wish would be granted. When Viva Films asked him to do Gaano Kadalas, he told Vic and Mina del Rosario that he will only do it if they get George Canseco to write the theme song (most of his popular films had songs by Canseco), and that Hilda Koronel would be one of the leads. Viva granted him both—even if it had to pay more for Hilda than for Vilma. “May utang ako kay Hilda eh, I took her out of Langis at Tubig..." - Jerome Gomez (READ MORE)