Tinatawag natin ang ating sarili bilang Vilmanian. Paano tayo naging ganito? Eto ang ating mga alaala…ng ating pinamulan.
John Malit - Noong panahon na nakamulatan kong ako’y isang Vilmanian, napakalaking ligaya kapag may nababasa akong balita mula sa kanya. Kahit na 2 yrs old na ‘yung balita, bago pa rin iyon para sa akin. ‘yun nga lang, sa tv lang ako umaasa para mapanood ko si Ate Vi, kasi hirap po ang buhay namin noon. 23 yrs old na po ako ng makapanood ng sine. Can u imagine, wala akong ginawa kundi igala ang paningin ko sa loob ng sine, nakakahiya man sabihin, gf ko pa ang nagbayad ng ticket para mapanood namin iyong Bituin walang ningning” ni Sharon (kc sharonian yung gf ko nun). Ayun nasundan lang noong maka-graduate na ako ng college at magkatrabaho. Vilma movie na yung mga pinapanood ko. Ang sarap sariwain ang nakaraan kahit gaano man ang kahirap ng buhay, sa simpleng picture at balita mula sa ating mahal na idolo ay nakaka-alis na ng problema. Kahit nga ngayon, pag-stress na ako sa trabaho lalo sa amin ni misis, magbabasa lang ako ng balita mula dito sa e-groups ng mga Vilmanians, masaya na ako.
Rene Maximo – Akala ko magiging silent Vilmanian na lang ako forever. Una sa lahat…way back 1970s, panahon pa ng The Sensations, doon yata ako nagsimulang humanga sa The Queen. Lahat halos ng kamag-anak kong babae eh pulos Vilmanian lahat. Kaya masayang manood ng TV na black & white pa. Tuwing tanghali, palagi kong dinadasal na sana eh puro movies ni Ate Vi ang ipalabas. Ang saya-saya ko pag natutupad ang wish ko. Natatandaan ko pa yung Vilma & The Beep Beep Minica, Ophelia at Paris, King Khayyam & I, Baby Vi, Dama de Noche, and the list goes on. Unang movie na napanood ko sa sinehan ay yung Rubia Servios. Kahit na I was a minor then, mabuti at napakiusapan ng pinsan ko ang takilyera kaya pinapasok ako. Gandang-ganda ako sa pelikula. Tapos nung awards night na, 3 kaming Vilmanians ang nanood, while yung tiyahin naming Noranian eh natulog na dahil unang mga technical awards eh nakuha ng Rubia (besides sa mga hula na si Ate Vi daw ang mananalo) kaya maaga syang natulog. Then nanalo nga si Ms. Aunor. While walking paakyat sa stage, one of my cousins said na sana ay madapa si Ms. Aunor.
Unknowingly, nakikinig pala yung tiyahin namin kaya biglang lumabas at inaway kaming tatlo. Nalaman ng father ko ang nangyari kaya pinagalitan kaming lahat. One stormy weather noon, we were eating sa kitchen namin, at walang kuryente. Bigla na lang nagliwanag ang paligid at na shocked na lang kaming lahat na wala na pala kaming bubong, natangay ng bagyo. All of us hurriedly went up to save things na huwag mabasa ng ulan. Ang una kong binuhat ay yung kahon ng clippings ko ni Ate Vi. I was worried kasi na baka mabasa at matangay ng tubig. Until now, nasa kahon pa rin yung mga clippings ko at palagi kong tinitingnan pag umuuwi ako ng Pilipinas. One of my sisters was an officer in CAT when she was in high school. One time, she asked me what kind of parusa daw sa mga COCCs na madali lang, ayaw daw nyang pahirapan ang mga bata. Sabi ko everyday magdala sila ng mga pictures ni Ate Vi. Kaya araw araw may pasalubong sa akin ang sister ko ng mga pictures ni Ate Vi, additional sa mga collections ko. There was one time when Ate Vi shot a movie in our place. The movie was Biktima. I was in elementary then. After school, my classmate told us na andun nga daw sa dam si Ate Vi. Without hesitation, lumusong ako sa tubig at halos hanggang baywang ko na yung tubig, tumuloy pa rin ako para makita ng personal si Ate Vi. I was in heaven then. First time ko syang makita ng personal. Palagi akong nakasubaybay sa lahat ng nangyayari sa kanya. Maganda man o hindi magandang balita, wala akong pakialam, ang alam ko karugtong na ng buhay ko si Ate Vi. Kahit na nung mag work ako sa isang bank sa Makati, I made it a point na manood ng live sa Metropolitan Theater ng ‘Vilma.” Kahit na naka necktie ako, wala akong pakialam na pumipila sa labas ng Met, kasama ko yung officemate kong Vilmanian din. Then lumipat for a while ang show sa Rizal Theater dahil sa away nila ni Mrs. Manzano, pumila din kami doon to get tickets days before the show. Marami rami din akong collection ng movies ni Ate Vi, in VHS format nga lang. Pag umuuwi ako hindi ako nagsasawang panoorin lahat ang mga tapes na yon. Then I’ve read na meron nga daw na Vilma Newsletter na ginawa ang mga dear Vilmanians. Only last December that I got the courage to request, at pinagbigyan naman ako. I was so happy. Lastly, salamat sa magagandang postings na inilalagay ninyo sa board. Hindi nyo lang alam ang laking tulong nun. Nakakaalis kasi ng lungkot pag nagbabasa ako ng mga postings ninyo.
Franco Gabriel - Early ’70’s when I first heard of Vilma-Edgar team, eh kasi naman puro sila ang topic sa bahay, my mom loves Ate Vi so much at syempre kampi lahat ang sisters ko sa pagka-Vilmanian ni nanay. Bata pa ko noon, di pa ko nag-aaral pero napapanood ko na siya sa TV. It was year 1973 when I reached grade school ang unang bag ko pa noon ay may design nina Ate Vi at Bot na nakahawaiian sila, kuha yata sa “Aloha My Love”, syempre si Mother ko ang namili ng school supplies, so what do we expect? As a kid, aliw na aliw ako sa mga fantasy movies ni Ate Vi like Darna, Dyesebel, Phantom Lady etc. at syempre yung mga suspense thriller nya like Takbo, Vilma, Dali at saka yung Hatinggabi na Vilma. Puro nga iyon ang topic namin sa school kahit pare-pareho naman namin itong napanood. Ito yung panahon na nauso ang kanta para kay Guy na “it’s the real thing, si Norang maitim, nagtago sa dilim and so-on” (jingle yun sa coke). Pang-asar ba namin sa mga noranians. Ito rin yung panahong nanonood ako regularly ng “Ayan eh” at saka “Dalambuhay ni Rosa Vilma,” Meron pang mga ibang TV shows noon na di ko rin makalimutan like “Tangtarantang” ni Mang Nano pag weekend, saka yung “Oras ng Ligaya” nina Sylvia La Torre at Oscar Obligacion pag tanghali. Fast Forward. Kainitan ng Vilma-Nora noon labanan nina Senyorita Rubia Servios at ang kanyang Atsay, nasa high school na ako noon. Masiglang masigla ang rivalry ng dalawa. Syempre merong awards night na panalo at meron ding talo, pinakamasakit ay yung sa Rubia Servios, walang kibuan sa breakfast, parang ayaw naming pag-usapan ang MMFF last night, malungkot kaming lahat. change the topic please sabi ng Ate ko. I considered the ’80’s as one of my colorful years as Vilmanian, kasi lahat na yata ng movies niya ay pinanood ko, mula Pakawalan mo Ako, Langis at Tubig, Paano ba ang Mangarap up to Pahiram ng isang Umaga. Silent Vilmanian ako nung 80’s kasi naman nasa college na ko noon eh pero panay pa rin ang pila ko sa mga movies niya. Ito rin yung dekada na super init ng career ni Ate Vi mapa TV, movie or endorsement.
I left the Philippines during the ’90’s but it did’nt stop me to search for Vilma Santos news. Umuwi ako noong 2002, I had a chance to watch Dekada ’70 masaya dahil alam kong big hit ang movie, talagang siksikan ang bawat sinehan pero bumalik ako sa States ng mabigat ang dibdib natalo si Ate Vi sa MMFF 2002. But if I look at the brighter side, this incident became the way to meet Jojo Lim the Solid Vilmanian president and the rest was history. Nasa Abante ang name ni Jojo, hindi daw makatulog at makakain ang Vilmaniang ito dahil sa pagkakapanalo ni Ara Mina over Ate Vi nandoon din ang contact number niya sa article ni Allan Diones. I did’nt hesitate to call Jojo & introduced myself. Yun na ang naging daan para makilala ko si Ate Vi in person. The first encounter was during the Lipa fiesta in 2003 hanggang sa maging every year na pero ang pinaka the best ay sa New York during her show. Ang haba ng kwentuhan namin noon ni Ate Vi at mga Vilmanians inabot ng 3:00 am at talagang naka upo na kaming lahat sa hallway ng hotel, very sweet siya at parang di napapagod. Ang sarap ng pakiramdam, doon ko napatunayan kung gaano kabait at down to earth si Ate Vi. Kung gaano kaganda ang mukha niya ay ganoon din kaganda ang kalooban niya. Thanks to my mom & sisters for bringing me up of becoming a Vilmanian.
German Shepherd - Noong unang bahagi ng dekada ’70, maliit pa akong bata at wala pang muwang, ay karay-karay ako ng Nanay ko sa panulukan ng Quezon Ave. at Zurbaran para manood ng parada ng mga bituin na kasali sa Manila Film Festival. Naroon kami, ako at ang isa ko pang kapatid na babae, upang hintayin ang float nina Vi at Bot sa pelikulang LOVE LETTERS. Tuwang tuwa kaming lahat nang magdaan sa harapan namin ang float ng LOVE LETTERS. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Awang-awa ako sa aking sarili dahil basang-basa ako. Pero ang Nanay ko at kapatid ay halos di ako pansin maging ang kanilang mga basang-basang sarili dahil naririnig ko kung kagaano sila ka-worried at baka raw magsakit sina Ate Vi at Kuya Bobot. Sa loob-loob ko, basang-basa na kaming lahat pero ang nasa isi[p pa rin ng Nanay at Ate ko ay ang kapakanan ng aming mga idolo. Sa mura kong nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang ang kanilang pagmamahal sa dalawang taong hindi naman sila kakilala. Only when I reached the age of reason that I came to realize that one would do everynting for his movie idol.
My love for the Queenstar has grown through the years, a legacy that I inherited from my late Nanay. I watched the many so-so / sing and dance movies of Her Royal Highness, Queen Vi. To me, all of them were beautiful because of her mere presence in those films. One of my favorites was her movie with Bobot entitled ANGELICA. Even the theme song interpreted by Bobot with the same title was haunting. Then came DAMA DE NOCHE. It was one of Vilma’s early acting greats. She was barely eighteen but she played the dual role with aplomb. And there were others: WONDER VI, PHANTOM LADY, KAMPANERANG KUBA, IBONG LUKARET, ANAK NG ASWANG, and the list is endless. Of course, I loved LIPAD, DARNA, LIPAD with Ate Vi in a modest two-piece costume. It was the first time ever that the term BLOCKBUSTER was used in a local movie because of the record-breaking gross and the over-extended run which made an FPJ movie shown at the same time a poor and distant second.
I also saw all her DARNA installment but DARNA ANG THE GIANTS is particularly memorable because it was a Metro Manila Filmfest topgrosser. DYESEBEL AT ANG MAHIWAGANG KABIBE with its famous scene showing Ate Vi riding a giant seahorse was also a film fest top grosser and Best Musical Movie. Until she metamorphosed into the great BURLESK QUEEN, another film fest top grosser besides sweeping almost all the major awards including Best Actress for the Queen and Best Picture. From then on, there was no stopping Ate Vi who tackled a kaleidoscope of roles while her rival YKW continued to play just “api” and “kawawa” roles. The first grandslam via RELASYON, ironically was a quiet and restrained role. A far cry from her usual body-and-soul style of acting. BROKEN MARIAGE AND SISTER STELLA L continued to bring her endless honors. Vilma won in RELASYON against Nora Aunor in Himala which most Noranians considered as her most memorable role to date. The movie did not give her a miracle in terms of acting award. Then came TAGOS SA DUGO which i think was one of her most well-acted movie. She was robbed of a grandslam in this Maryo J. delos Reyes opus. Fast forward: After reigning the longest as Box Office Queen, she had once again regained the same title (in spite of her being already a Hall of Famer in this title) via ANAK which is still the second highest grossing movie in the Philippines after TANGING INA, which Ai Ai delas Alas, who according to her words, is a Vilmanian from birth and her tribute to her idol as she mimicked her in many a scene in the said movie. ANAK should have been another grand-slam for the Queen but the award-giving bodies, except Star Awards, made Gloria Romero a sentimental favorite, an accolade which she deserved considering her age. Realizing that then Queen has gathered the most number of grand slams in RELASYON, DOLZURA CORTEZ STORY, BATA, BATA PAANO KA GINAWA, DEKADA ’70 and the prestigious UP GAWAD PLARIDEL plus two international awards, my Nanay’s legacy was worth inheriting.
Buboy Medina - Noong nasa kindergarten pa lang ako ng napanood ko ang “Lipad, Darna Lipad” sa television. Ginagaya ko talaga siya then gumawa ako ng costume like Darna then isinusuot ko pa. Pinakamemorable experience ko bilang isang Vilamanian ay noong nagkausap kami last May 2003 ng manalo siya sa Gawad Urian. Overseas call ito at siya mismo ang nakausap ko. HEAVEN ANG FEELINGS KO NOON, TEARY EYED PA AKO. Mahal na mahal ko si Queen Vi, kaya ko siyang ipaglaban. Hahamakin ang lahat…maipagtanggol ko lamang ang nagiisang REYNA!
Eric Nadurata – I saw her on TV, “The Sensations” iyon, nasa grade school pa ako. Gustong-gusto ko ang sweetness ng beauty niya at ang galing niya sa pagsagot sa Q&A portion ng show. Ate Vi always surprises me. She always reinvents herself, and comes out victorious each time. Sabi ko nga she started very sweet, then came “Lipad, Darna, Lipad”, she then went daring via “Burlesk Queen”, then came her award-winning films that tackled an impressive range of themes. Ang mga roles that she portrayed is also very impressive. Naging madre siya at querida, naging Darna at Dyesebel, may Aids at may cancer, naging mahirap at mayaman, naging abugado at doctor, schizophrenic at napakarami pang iba. Siya lang ang tanging batang aktres na naka-sustain ng kaniyang popularity hanggang sa pagiging dalaga. Tessie Agana and Snooky were big child stars, pero hindi nila narating ang kasikatan na narrating ni Ate Vi. In fact, even the other Movie Queens can’t match her enduring popularity and box-office appeal. None of our movie queens reigned for more than 10 years, but Ate Vi, the Queen of them all is still at her peak for 35 years already!
Iba ang aura ni Ate Vi, nakakahawa ang pagka-positive niya. First time I saw her face to face noon YCC awards for Dakada ’70. Grabe ang magic niya pagpasok niya sa venue. Memorable din kasi, nagloko ang dala kong camera, mabuti na lang nakapagpa-picture pa rin ako with her sa tulong ng isang vilmanian. Nangyari uli ito, sa opening ng CineManila International Film Festival. Nagloko uli ang camera ko, when I was about to take shots of Ate Vi with Lou Diamond Phillips and Tia Carrere. Sayang ito, kasi ang daming foreign celebrities na dumating noon. Aral ito sa akin kaya, ngayon dalawang camera na ang dala ko each time may affair with her. Nuong nagpa-pirma ako kay Ate Vi. Medyo ninerbiyos ako kasi baka hindi natandaan ni Ate Vi ang pangalan ko. Bago lang ako, at hindi naman kami madalas na magkita, pero to my pleasant surprise, sinulat niya ang name ko! Natandaan niya ang name ko! Grabe iyon! Imagine, with all her works both as an actress and public servant, not to mention as a mother and wife, natandaan niya ang name ko! Naku, heaven talaga iyon! Kung may mas mataas pa sa heaven iyon pa rin iyon! Another instance, magbi-birthday siya noon. May dala akong gift na image ni Padre Pio, pero because of “lapse of judgment” (di ba, Garci?) nakalimutan kong isulat ang name ko sa card. In short, nai-abot ko ang gift without my name. After several weeks, nang magkita kami uli sa isang taping, I told her about my gift. Sabi ko “Ate Vi, I forgot to write my name doon sa card, but I hope you liked it.” Sabi niya “Alin ba ang gift mo?” nang sinabi ko na it was the image of Padre Pio, her face light up and sincerely said, “thanks ha.” Ramdam na randam mo ang kaniyang sincerity.
Father Juancho Gutierrez – Meeting Vilma Santos at the Philippine Fiesta on August 21, 2005 was truly a moment of blessing for me. I have been an avid fan of hers since Grammar School. I never thought in my wildest dream that I would meet her face to face here in New Jersey. Meeting her, I found out that she was really a downto-earth person. She never acted like a diva or the famous movie star and successful Mayor that she is in the Philippines. I admire her more for this. I guess this is the reason why today more and more people continue to admire her….she showed me the traditional respect that we Filipinos give to our elders and those in position of leadership in our community by making the “mano” gesture to me. I admired her more for this because it was a sign of her humility and grace. The greatest actress the Philippine Cinema has ever produced making “mano” to an unknown priest in New Jersey was truly a Memoirs of Vilmanians humble experience not only for her but for me as well. At that moment, I see in Vilma someone who is humble, approachable and sincerely acknowledges the blessings God has bestowed on her. August 21, 2005 will always be a very special day for me. I will always remember it as a blessing from God.
Nelvin M. Rea – Pagmamahal at biyaya ng Diyos ang siyang naging susi at naglilok sa pagiging Vilmanian ko. Inimulat sa akin ng aking nanay at iniukit niya sa isipan ko na “Si Vilma Santos… iyan ang idolo ko at magiging huwaran mo— wala nang iba!” “Ang pagsunod sa payo ng magulang ay ang pagsunod sa tamang daraanan”. Sa mga panahong iyon sa pagiging musmos ko, wala akong panahon kay Vilma…ang nais ko ay maging malaya, ang eskuwela, libangan,at maraming laruan. At siguro dahil sa hirap ng buhay, kailangan kong iwaksi sa isipan ko ang lahat ng NAIS ko. Ang ganang prayoridad ko ay ang tumulong sa lahat ng gawaing bahay, punuin ng tubig ang aming paminggalan, mamulot ng plastik sa dalampasigan at mangahoy sa hulo kasama ng mga kapatid ko. Sa hirap na dinanas ko ay sapat na para makalimutan ko ang makipagsabayan sa mga pangarap ko…Hindi siya nagbago ang inay ko sa kanyang pag-ibig kay Ate Vi… nanatili siyang matatag…lumalaban hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. At kahit ngayong wala na siya. Hinahangaan ko ang kanyang paninindigan sa isang Vilma Santos. Isang hindi mapapantayang pamana ni Inay sa akin ay ang mamuhay na may isang Vilma Santos sa aking puso.
Alan Trambulo – Lipad Darna Lipad, ang unang movie ni Vi na napanood ko sa amin sinehan sa Batangas. I was 6yrs old at kasama ko ang buong pamilya ko. Last full show na kami nanood kasi during the day sold out ang ticket at wala ka nang silya maupuan. Sigawan at palakpakan kami kay Darna Vi. After the movie, wala lang , sigaw ako ng sigaw ng “Darna!”. Ang mukha ni Ate Vi ang nakiki- ta sa panaginip ko habang hinabol ako ni Gloria Romero na gumanap na aswang. She saved my life so manytimes sa aking nightmare kay aswang Gloria. She became my heroine. Iba ang naging impact sa akin ni Darna dahil di lang isang hero sa aking musmos na pag-iisip ang ibinigay nya, she gave me a superwoman, a role model sa persona ni La Santos. My family is all Vilmanian, specially my sister who keep copying the styles of Vilma, from her hair styles to fashion. My sister Carol even sneaked me in sa controversial movie ni Ate Vi, “Rubia Servious” sa Magalles Theater noon. Habang hinuhubog ako ng aking kapatid na maging Vilmanian, I became aware sa mga nagaganap sa showbiz. Ang awayan Vi-Guy fanatics. Lumaban at nakipagsabunatan din ako sa bestfriend ko na Noranian na para sa amin ay katuwaan lamang. Ang pakikipagtalo sa aking kapatid na lalake over basketball versus Vilma show. Magdamagan puyatan sa awards nights, win or lose si Mayor. Through the years, di nagbago ang paghanga ko sa kanya, but lalo pang tumindi, sobra! Wala na makakapigil pa sa akin pagiging isang “VILMANIAN.” … ‘yung NY-NJ visit nya sa Phil.Fiesta 05, grabe ang experienced ko sa kanya. Unforgetable dahil we communicate almost everyday. ‘Yung closed door meeting namin ng producer, I saw her other side. For being frank and honest n’ya sa nararamdaman nya. I know she was death tired from her trip sa NY, pero sige pa rin sya basta para sa Vilmanians ito. Very quick lang, alam n’yo i was with her sa loob ng hotel room niya while she was being prep by her makeup artist, busy na ang lahat , i voluntarily ironed her outfit that day. Just imagine, pina-plantsa ko ang suit ni Ate Vi for the show.
Charles Gomez - Sa unang pagtatagpo pa lamang namin ni Ate Vi sa kaniyang opisina sa Lipa, ay nadama ko na ang kakaibang pagmamahal na ibinibigay niya sa kaniyang mga tagahanga. Magiliw niya akong sinalubong at kinamayan, at idinampi pa niya ang kanyang kamay sa aking mga pisngi. Hindi-hindi ko makakalimutan ang pagkakataong iyon. Nung kami nama’y magkatagpong muli sa press party sa Libis, buong lambing taglay ang kakaiba niyang nigiti na binansagan niya ang inyong lingkod ng bagong pangalan. “Dubai” na raw ang itatawag niya sa akin, at pangatawan ko na raw iyon. Galing sa isang Vilma Santos, who can say otherwise? Nung ako nama’y nasa Lipa Fiesta, buong pagmamahal niya akong dinampian ng halik nang iabot ko sa kaniya ang aking handog. Bagama’t pagod sa buong gabing iyon, nandun pa rin ang tatak niyang ngiti. Iba-ibang nga ang isang Vilma Santos. At nang gabing pabalik na ako rito sa aking pinagtratrabauhan sa Gitnang Silangan, she sweetly called me to say “hello” and bid her best wishes. Iyon ang gabing di ko makakalimutan. Kumpletong-kumpleto ang pagiging Vilmanian ko. to be continued
To download V magazine Issue 07, CLICK HERE