Pages

Monday, October 3, 2011

1st shooting day ng Darna and the Giants


Bagama’t bahagyang umuulan at kulimlim ang panahon, naging napakasaya ng first shooting day ni Vilma Santos sa pinakabago niyang pelikula, ang Darna and The Giants, pamaskong handog ng TIIP.

Ang paghihintay ng paghinto ng ulan ay nakapagbigay ng sapat na panahon para makapalagayang-loob ni Vilma ang beteranong bituin na si Katy DelaCruz na makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon. Gumaganap ito na lola nila ni Dondon Nakar (bilang kapatid ni Narda, si Ding), at tulad ng isang propesyonal na artista, mataman nitong tinatanong kay director Maning Borlaza ang mga mumunting detalye ng kanyang karakter bago magsiyuting.

Magsisimula na lamang ang siyuting ay tuloy pa rin ang mga harmless jokes sa set, at tulad ng isang maunawaing direktor, si Borlaza ay tahimik lamang sa kanyang script. Nagbibiro lamang ito kapag inaayos ang mga ilaw at ang kamera, ngunit sa sandaling handa na ang lahat, seryoso na siya at sa nakikitang disiplina, seryoso na rin ang mga kasama sa kanikanilang trabaho.

Papel ni Narda ang unang kinunan kay Vilma, since hindi pa tapos ang costume niya as Darna. Sa bakuran ng tahanan nina Mr. and Mrs. Enerio Custodio sa Barrio Culiat Novaliches ginanap ang mga unang eksena ni Vilma. Pagkabihis ni Vilma ng isang simpleng pambahay, inalis niya an grelos at singsing sabay hindi ng asetona upang maalis din ang cutex sa kanyang mga kuko sa kamay. Dito pabirong tinanong ng make-up artist na si Dading Rabela kay direktor Borlaza kung lalagyan ng false eyelashes si Vilma. Tawanan ang lahat ng tingnan ng matalim ng direktor si Dading.

Mistulang tanawin sa baryo ang unang eksena nila sa kinapapalooban ng paglalaba ni Vilma. Sa foreground ay nagsisibak ng kahoy si Romeo Miranda, samantalang nagpapalipad naman ng sarangola si Dondon, habang nagmamasid si Mommy Kate na nagpipili ng bigas sa may bintana.

“Direk, titingin ho ba ako kay Romy?” tanong ni Vilma bago mag-take. “Ay, naku, wala kang pakialam sa kanya,” sagot naman ng direktor. Sa gayong casual ang friendly atmosphere sa set, ganadong-ganado ang mga bituin at hindi alintana ang katotohanang lampas na ang lunch break. Maging close-up ni Romy na hangos siyang tutungo kay Vilma ay nakatikim din siya ng biro mula kay direktor Borlaza.

“Ikaw, ha? Pag “kissing scene,” sugod-Bataan ka, ha?” Ayong sa script, gagawa ng childish mischievousness si Dondon, na botong-boto kay Romy para sa kanyang Ate Narda. Sasabihin niya kay Romy na mahal ito ng kanyang ate at payag pang pahalik. Sa kabilang dako, gagawa naman siya ng drama kay Narda, na kapag hindi nito sinagot si Romy ay magpapakamatay ang binata. Kaso, ang sagot ni Narda: “Wala ‘kong pakialam. May itak diyan, baka gusto niyang magsaksak sa sarili, o di kaya ay baka gusto niyang tumalong na lamang sa bangin.”

At dahil iba nga ang sinabi ni Dondon kay Romy, laking bigla ni Narda nang halikan siya ng binata sa pisngi. Iyong tayo na iyon ni Narda, isang malakas ng sampal ang dumapo sa kanang pisngin ni Romy at talsikan ang mga bula ng sabon sa kanyang mukha. Galit na galit si Narda. Hiyang-hiya naman ang nabiglang talisuyo. Pagkasabing-pagkasabi ng direktor “Cut!,” Abot-abot naman ang hingi ng “sorry” ni Vilma sa namumula pang si Romy.

In between takes, ikinuwento ni direktor Borlaza kina Vilma at Mommy Kate ang ilan sa magagandang camera tricks ng pelikula. Halimbawa, ay ang eksenang ihuhulog ni Darna ang giant na si Cesar Ramirez sa bulkan. Ipapakita dito ang close-up ng pagbitiw ni Darna kay Cesar sa bibig ng bulkan, at isang continuing close-up ng katawan ni Cesar na hinihigop ng lava. Natural, excited ang Vilma, at amused na amused naman sa kanya si Mommy Kate.

Nagpatuloy ang siyuting, at patuloy din ang pagbibiro ng direktor habang nagbibigay ng instructions sa lahat. Magkaganito man, mababakas naman ang paggalang sa kanya ng buong cast and crew. Ngunit ang mahalaga, naruroon ang camarederie, ang warmth ang casualness, kung kayat relazed ang lahat at natural na natural ang mga bituin sa harap ng kamera.

Nang dakong gabi ay “harana scene” naman ang kinunan. Tatlong up and coming singer stars ang gumanap dito, sina Rodel Naval, Raymond Dabao, at Aristeo Dimavivas na nagparinig ng magagandang awiting katutubo.

As expected, nang dakong tanghali ay dumating nang grupo-grupoang mga nag-aaral sa culiat High school, na walking distance lamang ang layo sa location site. Maging ang ilang guro ay dumating at naghintay ng pagkakataon na magpakuha ng larawan na kasama sina Vilma at Romero. Bagama’t punon-puno ng tao ang malawak na bakuran, tahimik naman sila kapag take. Kaya lang, nahirapan ang crew sa pagpapaalala na huwag nilang tapakan ang napakaraming tanim doon. Napilitan tuloy na “itago” si Vilma sa loob ng bahay nina Mr. custudio kapag hindi rin lamang siya kailangan sa eksena. Ngunit sa sandaling matanaw nila ito, dagsa ang tilian ng mga tao.

Mga isang lingo lamang at inaasahan ni direktor Borlaza na matatapos lahat ang eksena ni Narda. Tamang-tama naman iyon upang matapos ang custome ni Vilma para sa mga Darna scenes na karamihan ay kukunan sa isang makatotohanan and colorful na kuweba na ipinagawa sa loob ng studio grounds ng Premiere Productions. Kulay gold ang costume dito ni Vilma na may red sash sa may baywang.

At upang matapos ang pelikula in time for its December 22 playdate, malamang na ipagpaliban muna ni Vilma ang pagtungo sa Hongkong para sa dubbing ng Twin Fist For Justice. Gayon din, hindi na muna niya sisimulan ang Phantom Lady, since bukod sa malayo pa ang playdate nito ay hindi pa rin tapos ang costume niya.