Pages

Monday, July 20, 2015

Remembering Aida Fandialan


Matandang Dalaga - Vi: "...Alam niyo naman po kung gaano kaimportante para sa akin si Ate Aida. Wala ka pa Luis, wala ka pa Daddy [Ralph], wala ka pa Ryan, nasa akin na si Ate Aida...Lagi ko siya kasama sa trips [abroad]. Pero ito, hindi ko siya kasama because she stayed with Ryan. But then, [it was only for] ten days. Kaya siguro ako nahihirapan tanggapin. It was too sudden. And I was expecting, pagbalik, I'd still see her sa ICU. But [si] Ate Helen [Renta] nag-text na she [Aida] passed away. Kaya hanggang ngayon, hindi ko siya kayang tingnan. I just hope she understands...Huwag niyo ako titirahin dahil titirahin din niya kayo. Ganun talaga siya magmahal. Although it's true, masungit [siya minsan]. Matandang dalaga ho kasi. Nag-aaway kami. Pero lagi 'yang ipinapakita yung love at loyalty niya sa akin...Ate Ayds, thank you. I'll miss you. I love you. Happy trip..." - Rachelle Siazon, PEP, 24 July 2014 (READ MORE)

Elegant Purse and Well-heeled Shoes - "...She was the oldest daughter of uncle Santiago and wife Sinay, and among the older group of cousins we younger ones looked up to. Once a year, she visited her dad's grave in Alaminos, and always stopped by at our house whether we were in San Pablo or Calauan or Alaminos. She was always pustoriosa, smartly dressed, with matching elegant purse and well-heeled shoes. I remember when she brought Amalia Fuentes to our house at the height of Amalia's popularity, and I so googly-eyed, and her stature as my cousin grew by leaps and bounds. She would bring me around to Manila and showed me personal pictures of her celebrity friends. We her relatives are aware of her closeness to her other families, and that she glowed in their world..." - Lillian Fandialan Alcantara Brion, Facebook post

Aida Invitation - "...This pic was taken during my visit Feb of 2007 at Rockwell. My dear friend Aida Fandialan had called, "Babes, VILMA is hosting lunch for you. Kelan ba alis mo?" So there we were at a private room, so big but kami kami lang with all the privacy and exclusive food prepared by special chef Jesse...Aida added, "sama mo family mo" And so my family came too. Aida was the right hand of GOV VI. I first met AIDA during the early days of Bobby Vasquez and Amalia Fuentes. Known her for a looong time. very Nice lady and yes, close to Liezl Martinez and Albert. Aida and I were just chatting a few days ago. She even said, "When you come for your annual visit, top priority ka ni Vilma kasi you missed each other last time..." Vilma sent food and kakanin to our place in AAV last visit -- and I know it was Aida who reminded her...will miss you Aida, praying for you..." - Bk Jimenez, Facebook post, 20 July 2014

Aida in Las Vegas - "...Probably the most excited in the group was Vilma and Ralph’s son Ryan Christian who, with Ralph and “the men in the group” (as Vilma’s Girl Friday/accountant Aida Fandialan put it), watched the Pacquiao-Bradley bout in Las Vegas, thanks to the 10 complimentary tcikets given to them by Manny Pacquiao. Did Ryan place a bet and win? Secret! “We girls decided to watch the Michael Jackson show featuring impersonators,” said Aida. They spent four days (April 10 to 13) in Las Vegas just sight-seeing. Ryan graduated last March from La Salle Greenhills High School and they inquired from two schools (one of them UCLA) where he might study next year. This school year, Ryan will take a Business Course in Ateneo. Back in L.A., the group visited the same places they have been to. Out there, Vilma enjoyed being just herself, unperturbed by the prying eyes of the public. “We had an Easter Sunday reunion,” added Aida, “and it was Vi who did the grocery. Enjoy na enjoy siya sa pagpu-push ng cart...” - Ricky Lo, The Philippine Star, April 24, 2014 (READ MORE)

After Carmen - "...Early Saturday morning, Nov. 2 (All Souls Day), a day before Ate Vi’s birthday on Nov. 3, Ralph got the tragic news that his mom, Carmen Gonzales-Recto, died in her sleep in Cambodia where she was on vacation with her close friend Cely Fajardo and her family. Cely used to be the chief of staff of Carmen’s late husband, Rafael “Raffy” Recto. She was 72. She was reported to have pneumonia. It was Aida Fandialan, Ate Vi’s Girl Friday/accountant, who broke the news to Funfare in a text message dripping with grief. “Ma’am Carmen and her group were scheduled to fly back to Manila that morning,” narrated Aida who’s a regular member of Ate Vi and Ralph’s entourage of their family trips abroad. “She woke up early, dressed up and had coffee. While waiting for her companions to dress up, Ma’am Carmen decided to take a nap. She never woke up. She died peacefully.” Shocked by his mom’s sudden demise, Ralph was inconsolable; he couldn’t stop crying. Herself grief-stricken, Ate Vi tried to comfort Ralph as, together, they struggled to make sense of the tragedy. Ate Vi suggested that they forego with the dinner asalto that night but Ralph said no, everything should proceed as planned. They had dinner at the Kato Restaurant at the Garden Tower of the New Otani Hotel. It was a sad-happy affair. “Ralph had mixed emotions like all of us,” noted Aida..." - Ricky Lo, The Philippine Star, November 5, 2013 (READ MORE)

Mama Aida - "...Kapamilya ang turing ni Mama Vi at ng kanyang pamilya kay Mama Aida na sumakabilang-buhay noong Linggo dahil sa stroke. Ikinalungkot ko ang balita tungkol sa sudden death ni Mama Aida na madalas na mag-text sa akin. Siya rin ang koneksyon ng mga entertainment press na may mga message na gustong iparating kay Mama Vi. Nasa London si Mama Vi at ang kanyang mister na si Senator Ralph Recto nang ma-stroke si Mama Aida pero nakabalik na sila ng bansa noong Linggo..." - Lolit Solis, Pilipino Star Ngayon, 22 July 2014 (READ MORE)

Before Politics - "...Massive stroke raw ang ikinamatay ni Ate Aida Fandialan, accountant ni Governor Vilma-Santos bago pa man pumasok sa pulitika ang Star For All Seasons. Itinakbo pa siya sa Asian Hospital pero binawian na rin ng buhay. Maraming taon ding nagsilbi si Ate Aida kay Gov. Vi. Siya ang tumulong upang ayusin ang kanyang finances nu’ng time na problemado ang aktres sa pera. Naging malapit din siya kay Aga Muhlach dahil tinulungan din nitong ayusin ang mga datung ng aktor. Kagagaling lang ni Gov. Vi at ng pamilya sa London bago mamatay si Ate Aida. Naghanap kasi sila ng school doon na papasukan ng anak na si Ryan Christian. Nagpasalamat si Gov. Vi through text bilang pakikiramay namin. Siguradong hindi pa siya maka-get over sa sinapit ni Ate Aida na nagsilbing confidante na rin niya..." - Jun Nardo, Pang-Masa, 22 July 2014 (READ MORE)

Second Heart Attack - "...Nagsisisgaw daw si Batangas Governor Vilma Santos-Recto, when last Saturday, while obviously preparing for her trip back to Manila, from London, where she was with husband, Senator Ralph, nakarating sa kanya ang balitang her personal accountant and confidante, si Aida Fandialan, passed away. Biglaan ang naging kamatayan ni Aida, considering that that particular day (obviously Friday), na ini-rush siya sa Asian Hospital in Alabang, after complaining na sumasakit ng matindi ang kanyang batok, kausap daw siya ni Tess Fuentes. She was reminding Tess of her Thursday appointment with Governor Vi this week. That particular day, according naman sa movie columnist na si Len Llanes, nakatanggap siya ng text message from Aida, request her na isama siya nito sa listahan ng kanyang ‘friends’ sa kanyang facebook account. Ayon naman sa mga staff ni Ate Vi na nagdala kay Aida sa ospital, parang nakaka-recover na si Aida, nang iwanan nila ito sa hospital. Kaso nga daw, ayon sa doctor assigned to her, she suffered a second heart attack, midnight of Saturday. Aida was pronounced dead five in the morning Sunday. Her remains now lies in state at the Loyola Memorial Chapel in Sucat, Paranaque City. We all urge readers of Tonight to please say a prayer for the repose of the soul of Aida..." - Nel Alejandrino, Journal, 21 July 2014 (READ MORE)

Aida would have turned 72 in November - "...Monday night, Batangas Gov. Vilma Santos mustered enough courage to attend the wake for Aida Fandialan (her dear friend, confidante, accountant and Girl Friday rolled into one) at the Loyola Memorial Chapels in Sucat, Parañaque City. Aida suffered a stroke (her second in 10 years) last Saturday (July 19) morning and died early the next day at the Asian Hospital where she was rushed to the ICU. Vilma and husband Sen. Ralph Recto (with usual traveling company) were in London to look for a school for their son Ryan Christian (who graduated from La Salle Greenhills last March) who was left behind along with his Tita Aida who took care of him. The entourage was about to leave London when Vilma got a text message that Aida was hospitalized. When they arrived at the NAIA Sunday afternoon, first thing Vilma asked was how Aida was. Told that she had died, Vilma broke down. It turned out that she didn’t get the second message texted to her while she was already airborne. Aida had been with Vilma and her family for more than 35 years. She was already virtually a member of the family with whom she always traveled, except on the recent one. To calm her down, Vilma has to be injected with a sedative. At the Loyola Chapel where Aida’s remains lie, Vilma at first couldn’t bear to look at Aida inside the white coffin. But after the Mass, she slowly walked toward the coffin and broke down again. Nobody could pacify her. A Mass will be held again tonight at 7, last night of the wake. Aida will be buried on tomorrow morning after another Mass. Aida would have turned 72 in November..." - Ricky Lo, The Philippine Star, 23 July 2014 (READ MORE)

Last Invite - "...Guess...kung sino ang unang nag-course ng invitation ni Batangas Governor Vilma Santos para mag-join si Angel Locsin sa Alay Lakad sa probinsya kahapon? The late accountant-secretary-cum-confidante ni Ate Vi na si Aida Fandalian, that’s who. Guess how long ago was this? One month before Aida’s death late July. Those who have encountered Aida know how makulit she can be, lalo’t utos ni Ate Vi. Through us, we assured Aida na Angel is too willing to honor the request of boyfriend Luis’ (Manzano) mom. But then, she still kept reminding us through text message. The last message we got from Aida was two days before she died of heart attack. Wherever you are now, Aida, it may interest you to know that Des Lacson, Angel’s new road manager, said the Alay Lakad went well. Thanks again, Aida..." - Nel Alejandrino, Journal, 05 Sep 2014 (READ MORE)

Aida Fandialan, 71, died of heart attack on July 20, 2014. She was the accountant, confidante, and family friend of Batangas Governor and movie actress, Vilma Santos-Recto. Prior to her position as financial care taker of Governor Santo-Recto, she used to be the accountant of actor Agah Muhlach and veteran movie queen, Amalia Fuentes. - RV

Saturday, July 18, 2015

Operation Damayan 1972


Operation Damayan - The Action took place in two place: studios one and two of the ABS-CBN network. The happening: a star-studded show aptly called Damayan '72. It was a six-hour tv happening, manned by no less than top tv men Tony Santos, Ben Aniceto and Ver Lunaria, and with the participation of practically all of the celebrities from radio, tv, stage and the movies eager to help in one way or another the unfortunate victims of the two-week deluge, particularly those in Central Luzon. Nora Aunor, in a poncho of Igorot materials, came with a P1,000 check. Vilma Santos and Edgar Mortiz gave several sacks of rice. Gines Soriano, Nestor de Villa to his movie fans, contributed P2,000.

The cast of Nardong Putik, through Ramon Revilla, handed out a P1,000 check. Comedianne Chichay turned in a P1,000 doncation which, she said, she solicited from friends and admirers. The rest - and this included the sisters Maritess and Tina Revilla, Jay Ilagan, Tirso Cruz III, Perla Adea, Novo Bono Jr., Lita Gutierrez, Perla Bautista, Victor Wood, Romy Mallari, Garaldine, Connie Angeles, Dindo Fernando, Dolphy, Panchito, Sahlee Quizon, Ike Lozada, Lillian Laing, Rosa Aguirre, and Carina Afable - not only performed free, to the delight of televiewers, but also gave donations in cash and in kind. The Happening proved one thing: despite their human frailties, the spirit of kawanggaw (charity) and pakikisama (camaraderie) remains intact among our movie stars. - Graphic Magazine, 23 August 1972

Damayan '72 by Channel 2 (ABS-CBN) A Heart-Stirring Success - Something wonderful happened in Channel 2 noong August 5. At itoý and Damayan, ang paghingi ng saklolo para sa flood victims ng ABS-CBN na ang focus ay nasa showbiz people. Noon lang nangyari sa TV history na magkakasama ang TV, radio at tambak na movie people sa isang programa. Ang Damayan ay hindi ordinary TV program kundi pagla-launch na pagbibigay-tulong sa mga nasalanta ng baha sa Luzon where the movie and other showbiz personalities gladly and unselfishly gave their all. Ang tutoo, maraming maganda't di inaasahang pangyayaring naganap nang gabing naturan. Isa na ang pagkikita nina Vilma Santos at Nora Aunor. Bago sila nagsidating, tense ang lahat. Pagka't baka raw mag-isnaban ang dalawa the moment they see each other. At siyempre, tiyak daw na magkakaisnaban din ang kanilang fans. But to everyone's delight, it was a beautiful meeting that happened between the two champion superstars. Para bang long lost friends (mahigit na 2 years silang hindi nagkasama sa isang pook) sila at sweet na sweet talaga. Kuwentuhan, tsismisan, at biruan ang dalawa. Who sez Vi and Guy are enemies?

Isa pang heartwarming happening ay ang konfrontasi nina Sahlee Quizon at Guy kung confrontation ngang matatawag ang halikan at pakawalang kuwentuhan ng dalawa. And gosh, imagine na "badi-badi"ang dalawang itinuturing na magkalaban sa korona bilang Jukebox King! Di ba dyagan? Sino rin ang nagsasabing mortal protagonists sina Victor Wood at Eddie Peregrina? Naroon din si Manny de Leon, Pero sa laking panghihinayang ng lahat, hindi niya nakaharap si Guy at Tirso Cruz III. Pero tiyak, it would have been a pally wally meeting din. That feeling was in the air that night. Bakit hindi naman mata-tug ang heartstring ninyo. Kahit mga artistang wala na sa limelight ay nagpunta rin sa Damayan para maiambag ang kanilang tulong sa ating flood victims. Lahat ng artistaý nag-extend ng help in cash o food, clothing, medicines at mayroon pa ngang sa lahat ng forms na iyon. Ang ABS-CBN, ipinangakong papantayan daw ang cash donation ng mga artista. Those who very generously helped ay si Guy (P1,000), Nestor de Villa (P2,000), at and the Ambivalent Crowd (P4,606) to mention few. And mind you, more or less 90% of the movie stars came to help in any way they can. God bless you all na mga showbiz people who did their bit para sa mga napinsala nating kababayan. Thank you also sa iba (Mayor Amoranto, city couselors, etc) who gave their unselfish help. - Cleo Cruz, Superstar 21 August 1972

Para sa Mga Flood Victims: On with the show's star-studded "Operation Damayan" - Dahil sa flood victims isang very significant happening ang naganap sa kasaysayan ng local entertainment and charitable projects. Ang tinutukoy namin ay ang star-studded "Operation Damayan" na inilunsad ng ABS-CBN through its very popular tv show sa Channel 2, ang On With The Show. Ginanap noong nakaraang Sabado ng gabi, ang On With The Show's "Operation Damayan" ay dinaluhan na mahigit na 80 artista sa pelikula, radyo, telebisyon at tanghalan - isang pambihirang pangyayaring ngayon pa laman naganap sa mga rare occassion na tulad nito. Isipin na lamang ang mahigit na 80 artistang nagkasama-sama sa iisang okasyon? Ang "Operation Damayan" ay inilunsad ng ABS-CBN para sa mga biktima ng baha sa Central Luzon. Sa pamamagitan ng kanilang malaganap na palatuntunang On With The Show, nanawagan sila sa lahat ng artista - sa radyo, telebisyon, tanghalan at pelikula - para makiisa sa kanilang napakagandang proyekto. At hindi naman nabigo, sa halip, higit pa sa kanilang inaasahan ang naganap. Santambak na artista ang dumating na hindi lamang nag-perform nang walang bayad, kung hindi nanawagan pa rin sa lahat ng mga civic-minded citizen to contribute in whatever means para makatulong sa mga flood victims.

Hindi lamang iyon, iilan sa mga dumating artista ay nagsipagcontribute pa ng cash money and goods. Tulad nina Nora Aunor na nagbigay ng P1,000; Fernando Poe Jr - P3,000; Vilma Santos - P1,000; Nestor de Villa - P2,000; The Ambivalent Crowd - P4,660; Jimmy Morato - P100 at iba pa. Dahil sa dami ng artistang dumalo, ang isang oras na On With The Show ay ginawang 6 na oras. Iyo'y upang mapagbigyan ang lahat ng mga dumalong bituin na makapaghatid ng kani-kanilang message or sympathy sa mga flood victims. Dahil sa flood victims, nagkasama-sama ang mga adult star at ang mga young ones. Sa unang pagkakataon, nawala ang pagitang humahati sa kanila - nagkasama-sama sila for a good cause. Dahil din sa flood victims, naging magkakaibigan ang mga yound stars. Ang iba na dati ay hindi nagbabatian ay nagyapusan at naghalikan bilang tanda ng pagkakaibigan. For the first time, nagkabati-bati sina Nora Aunor, Vilma Santos, Tina Revilla, at Sahlee Quizon! Nang gabing iyon, mahigit sa P12,000 ang nalikom ng "Operation Damayan" mula sa mga artistang dumalo, bukod pa sa katakot-takot na bundles of packages na naglalaman ng mga relief goods. Ang lahat ng mga padalang tulong o contributions ay ipapamahagi sa mga sinalanta ng baha.

Meanwhile, bukod sa cash money - ang lahat ng kinita mula sa iba't ibang sponsors ng 6 na oras na show ay ipagkakaloob na lahat ng ABS-CBN Studio sa mga flood victims! Talagang kapuri-puri anbg ginawang ito ng ABS-CBN Studio. Ito ay patunay lamang na ang ABS-CBN Studio ay involved sa lahat ng mga nangyayari sa bansa - lalo na tulad nito. Sa pamamagitan nito, nais naming papurihan at pasalamatan ang ABS-CBN Studio, ang buong cast ng On With The Show, Direk Tony Santos Sr., mga crew members - at higit sa lahat - ang lahat ng artistang nakiisa sa "Operation Damayan" - We salute you! Ilan sa mga artistang dumalo ay ang mga sumusunod: Nora Aunor, Tirso Cruz III, Woody Cruz, Eddie Peregrina, Nida Blanca, Maritess at Tina Revilla, D'Two of Us, Carina Afable, Eddie Mesa, Ike Lozada, Sahlee Quizon, Imelda Ilanan, Aurora Salve, Novo Bona, Marlene Dauden, Vic Pacia, Margie Tanquintle, Dases Lazareta, Janine Frias, Romy Lapuz, Ariel Ureta, Nova Villa, Jay Ilagan, Vilma Santos, Edgar Mortiz, Carmen Pateña, Geraldine, Elizabeth Bankhead, Rosanna Marquez, Fred Panopio, Marilen, Lita Gutierrez, Dindo Fernando, Tony Santos jr, Manolo Favis, Arleine Medina, German Moreno, Ike Lozada, Maya Valdez, Lillian Laing, Marilyn Paspero, Perla Adea, Espie Fabon, Romy Mallari, Mary Ann Murphy, Eddie & Boyet Ilagan, Gina Alajar, Danny Cruz, Elizabeth Ledesma, Armando Ramos, Millie Mercado, Romy Jalosjos, Jeanne Young, Eddie Gutierrez, Panchito, Caridad Sanchez, Ronald Remy, Jerry Pons, Vic Vargas, Fred Montilla, Boots Anson Roa, Lily Marquez, Bert Lerory Jr, Yolanda Casanova, Dolphy, Chiquito, Medy Valdez, Rio Del Mundo, Victor Wood, Jimmy Morato, at ipa ba pang hindi na namin matandaan ang mga pangalan. Sa mga binanggit naming artista, More power to you and may your tribe increase! - Rino Fernan, Weekly Movie Specials Magazine, 19 August 1972, Photos: Vergel C. Hao, Tropical Studio

The Great Philippine Floods of 1972 - "...In July 1972 the island of Luzon in the northern part of the Philippines archipelago experienced its most serious floods recorded or remembered by man. At one time a vast inland sea connected Lingayen Gulf with Manila Bay (Fig. I). 775 persons were confirmed dead and damage to the economy amounted to some L60 million. The series of events started with moderately intense typhoon which passed about 50 miles to the north of Manila at the end of June. This storm was accompanied by heavy rains which created local flooding in central Luzon. During the first half of July rain was above average. A fall of 388.6 mm was recorded at the Philippine Weather Bureau's Science Garden in Quezon City, a northern suburb of Manila, during period 1-16 July inclusive. The average for July for that station is 350.4 mm. Although not unduly excessive for the rainy season in the tropics, the falls were sufficiently large to prevent drainage and evaporation of the flood waters which had already accumulated from the passage of the typhoon in late June. The stage was set for the phenomenal events of 17-21 July culminating in the continuous torrential downpour which lasted from midday, Tuesday the 18th to midday, Friday the 21st. I will put down the events as I remember them..."

The Days the Rains Came - "...Intemittent heavy rains had been falling during Mondy 17 July and Tuesday morning 18 July. At noon on the latter day I was in Manila and wondering whether it was worth risking the 40 minute car drive to my office in Quezon City. The sky looked a little brighter and the rain had stopped for a couple of hours. Road and traffic conditions would not be too bad if there was no more heavy rain in the afternoon. I decidedc to go. Before many minutes had passed I began to have doubts about my forecast. The sky began to look distinctly dark and ominous. By the time I reached the office it was pouring steadily. It did not let up until 72 hours later. I had a off-chance visitor and it was not until 5 pm that I was ready to go home. The rate of fall had, if anything, increased. On the way out I dropped into the Central Forecast Office. The synoptic chart did not show anything particularly unusual. A vigorous typhoon was centered 1500 miles to the north-east and a moderate pressure gradient of the monsoon type covered the South China Sea. Fresh southwest winds were reported from ships to the west of the Philippines. I asked the forecaster on duty why it was raining so steadily..." - A. H. Gordon, Wiley Online Library, Vol 28 Issue 10 Abstract (READ MORE)

Aug 4, 1972: Philippines hit hard by flooding - Floodwaters finally recede in Luzon, Philippines, on this day in 1972, revealing devastation and hundreds dead. An astounding rainfall in July had caused rivers all over the large island to flood. One storm after another battered Luzon in July 1972. Manila received nearly 70 inches of rain during the month. On July 13, a monsoon caused several dikes to fail and 32 people lost their lives in the resulting flood. Less than a week later, a typhoon dropped even more rain on the already saturated region. Dikes throughout the area broke down, flooding large swaths of land. Millions were left homeless and 142 people died. Nearly all major and minor roads were under water or mud. The flooding continued until the rivers finally peaked on August 4. In addition to the thousands of people forced from their homes, the rice crop for the season was lost. Food riots broke out in several places and looting was rampant. Cholera and typhoid epidemics also resulted. - This Day In History (READ MORE)

Saturday, July 4, 2015

Kinakaharap at Hinaharap ng Industriya ng Pelikulang Pilipino


Kinakaharap at Hinaharap ng Industriya ng Pelikulang Pilipino
ni Vilma Santos, U.P. Gawad Plaridel 2005 Awardee

Established in 2004 by the University of the Philippines (U.P.) College of Mass Communication, the annual U.P. Gawad Plaridel is the sole award given in the U.P. System to outstanding Filipino media practitioners who have excelled in any of the media (print, radio, film, television, and new media) and have performed with the highest level of professional integrity in the interest of public service. The award is named after Marcelo H. del Pilar (nom de plume, Plaridel), the selfless propagandist whose stewardship of the reformist newspaper La Solidaridad helped crystallize nationalist sentiments and ignite libertarian ideas in the 1890s. Like Plaridel, the recipient of the award must believe in the vision of a Philippine society that is egalitarian, participative, and progressive, and in media that are socially responsible, critical and vigilant, liberative and transformative, and free and independent.

The first U.P. Gawad Plaridel was given to Eugenia Duran-Apostol in 2004 for her contributions to print media. For the year 2005, the award was given to an outstanding practitioner in film — Ms. Rosa Vilma T. Santos-Recto (aka Vilma Santos). She was chosen, among other reasons, for building a brilliant career which saw her grow from popular icon to professional actor through self-discipline and tireless honing of her craft; for bravely using her popularity as an actor to choose roles which bring to the public attention an astounding range of female experiences as well as an array of problems confronting women of different classes and sectors in contemporary Filipino society; and for bringing to life on screen characters whose stories have the effect of raising or transforming the consciousness of women, leading them a few steps closer to a deeper understanding of their situation vis-à-vis the patriarchy and to the ability to control their own lives and make empowered choices of their own.

As the 2005 awardee, Santos delivered this Plaridel Lecture during the U.P. Gawad Plaridel Paggawad at Lektyur on July 4, 2005 at the U.P. Film Institute Cine Adarna (formerly U.P. Film Center). More than 1,000 people attended the event, among them National Artist Napoleon V. Abueva (who sculpted the U.P. Gawad Plaridel trophy); Senator Ralph Recto; U.P. President Emerlinda R. Roman; U.P. Diliman Chancellor Sergio S. Cao; 2004 U.P. Gawad Plaridel awardee Eugenia Duran Apostol; Film Development Council of the Philippines Chair Laurice Guillen-Feleo; Film Academy of the Philippines Chair Atty. Espiridion Laxa; ABS-CBN Executive Vice President Charo Santos-Concio; film directors Chito Roño and Jerry Sineneng; film critic Dr. Bienvenido Lumbera; writers Ricky Lee, Pete Lacaba, and Marra PL. Lanot; actor Tirso Cruz III; and faculty members and mass communication students from U.P. Officials, faculty members, and students from Miriam College, Polytechnic University of the Philippines, University of the East, Trinity College of Quezon City, Ateneo de Manila University, De La Salle University (Lipa), and the Batangas State University were also present.

Noong ginawa ko ang pelikulang Ging (1964), ako ay sampung (10) taong gulang. Mahigit kumulang 200 pelikula na ang aking nagawa. Kaya sa araw na ito, nais kong ibahagi ang naging karanasan ko at mga pananaw sa mahabang panahong ito sa daigdig na pinanggalingan ko: ang daigdig ng pelikulang Pilipino, ang daigdig din na naging dahilan kung bakit ako ay nasa harapan ninyo ngayon, ang daigdig na ang sabi ng iba ay naghihingalo na. Malayong-malayo sa kasalukuyang paghihingalo ang industriya ng pelikula noong nagsisimula pa ako dito. Mula edad 9 hanggang 15 ay nakagawa na ako ng 25 pelikula, halos 5 pelikula bawat taon. Sa maagang panahong iyon, ako ay kumikita na. Ilan sa mga pelikulang ginawa ko noon ay ang Trudis Liit (1963), Anak, Ang Iyong Ina (1963), Naligaw na Anghel (1964), Hampaslupang Maton (1966) at De Colores (1968). Hindi ko alam kung ang mga ito ay dapat kong ipagmalaki, pero para sa akin, dito ako nag-umpisa, at maaayos at magagaling ang mga pelikulang ito. Nakakatawa lang ang mga titulo. Pero ipinagmamalaki kong sabihing kumita ang mga pelikulang iyan. Kasi, wala pang pirated CDs at DVDs noon, wala pang cable television. Madalang pa ang dating ng dayuhang pelikula. Noong mga panahong iyon, mga 10 taon pa lang ako ay may teleserye na ako. Ito ay Ang Larawan ng Pag-ibig. Primetime ito na ipinapalabas mula 6:00 hanggang 6:30 ng gabi. Noong nagdadalaga na ako noong 1960s at unang bahagi ng 1970s, pakanta-kanta at pasayaw-sayaw naman kami ng aking kasamahan. Kung hindi sa loob ng studio ay ginagawa namin iyon sa ilalim ng punong mangga. Sa loob lamang ng dalawang linggo ay may bagong pelikula na namang ipalalabas at tinatangkilik naman ng mga fans. Ilan sa mga pelikulang ito ay ang Songs and Lovers (1970), I Love You Honey (1970), Edgar Loves Vilma (1970), Takbo, Vilma, Dali (1972), Hatinggabi Na, Vilma (1972), at Vilma and the Beep, Beep, Minica (1974).

Totoo pong nakakatuwa ang mga titulo, pero noong mga panahong iyon, tuwang-tuwa ang mga fans, at lalo silang naligayahan noong ginampanan ko ang papel ng isang Dyesebel at nang ako ay naging Darna din. Pambihira ang mga fans noong araw. Ang tawag sa kanila ay mga fanatics. Ang ginagawa nila ay ginugupit lahat ng artikulo ng kanilang mga idolo, nililinis, inaayos at inilalagay sa album. Hanggang ngayon, sa aking tanggapan sa Lungsod ng Lipa, ay nagpupunta pa rin sila sa akin, mga kasing-edad ko na rin at ipinapakita nila sa akin ang mga album – iyong iba’y kulay sepia na – at pinapapirmahan. Pero dumating ang punto sa buhay ko na kailangan ko nang magpasya kung ano ang dapat na maging direksiyon ng aking buhay bilang isang artista. Ako ay ginabayan ng aking mga magulang at mga taong malalapit sa akin, tulad nina Atty. [Espiridion] Laxa, Manay [Marichu Maceda] at ang naging manager ko noon, ang yumaong si William Leary. Hindi naman maaaring habambuhay ay wala akong gagawin kundi magpa-cute sa mga papel na ginagampanan ko. Hindi na rin gaanong kinakagat ng mga tao noon ang mga love team. Noong mga panahong iyon, tumitindi na ang kompetisyon sa pag-arte. Naghahanap na rin ako ng mga pelikula na babagay sa edad ko, mga pelikulang masasabi kong puwedeng seryosohin. Naghahanap na ako ng matinong script, may istorya, may nilalaman, iyong maiintindihan ng mga tao, hindi hiwalay sa katotohanan. Nag-iisip na ako. At unti-unti nang nabubuo sa aking isip ang magiging direksyon ng buhay ko bilang isang artista. At nag-umpisa akong tumanggap ng mga pelikulang mas malaman kaysa doon sa mga naunang pelikulang aking ginawa. Malaman dahil mas may script, mas may istorya at direksyon. Kabilang sa mga pelikulang ito ang Tag-ulan sa Tag-araw (1975) at Nakakahiya (1975) at Nakakahiya II (1976) kung saan nakasama ko ang namayapang si Eddie Rodriguez. Nariyan din ang Dalawang Ibon, Isang Pugad (1977) na ginawa ko sa Lea Productions.

Ang mga pelikulang ito at iba pang ginawa ko noon ay nakatulong sa akin para mahasa ko ang aking kakayahan sa pag-arte. Bukod dito, kumikita rin ang mga pelikula ko noon at napakahalaga para sa mga prodyuser at artistang katulad ko ang kumikitang pelikula. Hindi tayo nawawalan ng assignment. Noon na may nag-alok sa akin ng isang pelikulang naiiba sa lahat ng pelikulang ginawa ko – ang Burlesk Queen (1977). Hindi ko pa nagagawa ang papel na ginampanan ko rito. Kinakailangan nito ang ibang klaseng tapang ng loob. Naitanong ko sa sarili ko noon: Tanggapin kaya ako ng mga manonood sa ganitong papel? Ano kaya ang sasabihin ng mga madre? Ako ay nag-aral sa St. Mary’s Academy sa ilalim ng RVM Sisters. Kay rami kong pagtatanong at pagdududa. Hanggang sa mabasa ko ang script. Kay ganda ng script! Nagpasiya akong sumugal dito. Dalawampu’t tatlong taong gulang ako noon. Ang pelikulang ito ang nagmulat sa akin sa maraming bagay. Naging matagumpay ito. Pinilahan at pinuri pa ng mga kritiko. Binuksan pa nito ang isipan ng mga tao sa kalagayan at tibay ng loob ng isang babae. Naisip ko rin na kung lalo kong pagbubutihin ang pagganap sa pelikula, kung magiging propesyunal ako sa aking pagtatrabaho, at kung pipili ako ng mahusay na script, may mararating ako sa larangan ng napili kong mundo – ang mundo ng pelikula. Kaya lang puro mga commercial films ang dumadating sa akin noon, pero mga magagandang pelikula din naman. Ang mga ito ay hinango sa komiks at radyo, tulad ng Sinasamba Kita (1982), Gaano Kadalas Ang Minsan? (1982), Paano Ba Ang Mangarap? (1983). Kumita ang mga pelikulang ito. At kapag marami kang pelikulang kumikita ay talagang sikat ka at mas marami ang offers. Ang kasabihan noon ay sukatan daw ng kasikatan ng isang artista ang tinatawag na box-office appeal niya. Mabuti na lamang at nariyan ang ating mga magagaling na direktor noong mga panahong iyon, katulad nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, Mike de Leon, Laurice Guillen, at Marilou Diaz-Abaya.

At dumating na nga at inalok sa akin ang papel ng isang kerida sa pelikulang Relasyon (1982). Muli ko na namang tinanong ang aking sarili: Uubra ba ito sa mga tao? Kasi ang bida ay isang kerida. Pero may laman naman ang istorya. Maraming kababaihan ang makaka-relate sa papel na iyon at si Ishmael Bernal pa ang direktor. Tinanggap ko ang pelikula. Kinilala, kumita ang pelikula, at pinalad akong manalo ng award sa iba’t ibang award-giving bodies. Dito ko nakuha ang aking grand slam. Pagkatapos ng Relasyon, kasunod agad na ginawa ko ang pelikulang Broken Marriage (1983). Si Ishmael Bernal muli ang nagdirek nito. Inilalarawan ng pelikulang ito ang nangyayari sa mag-asawang hindi pareho ang prayoridad sa buhay. Dahil dito ay nagkahiwalay sila at naapektuhan ang kanilang mga anak. Pero mayroon akong napakalaking natutunan sa paggawa ko ng pelikulang ito. Noong nanalo ako ng mga awards – grand slam pa – sabi ko sa sarili ko: “Magaling na ako!” Pagkakuha ko ng isa sa apat na award, nag-unang shooting day na agad ang pelikulang Broken Marriage at drama agad ang unang eksena namin ni Christopher de Leon. Aba! Na-take 7 ako! Sabi sa akin ni Ishmael Bernal: “Bakit Vi, ano ba ang nangyayari sa iyo? Nagdadrama ka pero bakit may twinkle-twinkle ang mga mata mo?”.. Sabi ko: “Direk, umaarte naman po ako, ah.” Sinabihan ako ni direk ng “Anong arte yan!!!?” At ipinasok niya ako sa kubeta, at ako ay ikinulong niya dito. Pagkatapos ay pinag-jogging niya ako ng 10 minuto. Ang sabi niya sa akin: “Huwag kang mag-ilusyon! Hindi ibig sabihin na dahil tumanggap ka ng award, eh, magaling ka na! Mag-jogging ka diyan at tanggalin mo ang ilusyon na iyan sa iyong sarili!” Pagkatapos ng insidenteng ito, natanim sa isip ko na ang pag-aaral pala, paghahasa at pagdagdag ng kaalaman sa larangang aking pinili, ay dapat tuluy-tuloy. Hindi ibig sabihin na dahil may best actress award ka ay ikaw na ang pinakamagaling at hindi mo na kailangang mag-aral.

Maraming magagaling, kaya kailangan walang hinto ang pag-aaral. Ito ay patuloy kong ginagawa. Pagkatapos ng pelikulang Broken Marriage, naging madre naman ako sa pelikula ni Mike de Leon na Sister Stella L. (1984). Kasabay nitong ipinalabas ang pelikula ni Ms. Sharon Cuneta. Hindi ko lang maalala ang titulo ng pelikulang ito ni Sharon, kung Bituing Walang Ningning (1984) o Bukas Luluhod ang mga Tala (1984), pero sabay ang unang araw ng palabas ng aming mga pelikula at talaga napaluhod ang ningning ng tala ko dahil nilangaw ang pelikula ko! Umiiyak akong nagpunta kay Mother Lily [Monteverde], pero ang sabi lang niya: “Ganyan talaga ang buhay.” Gayunpaman, ako ay labis na natutuwa – at aking ipinagmamalaki ito – sapagkat sa kabila ng mapait na nangyari sa pelikulang Sister Stella L., hanggang ngayon ay natatandaan pa ng mga tao ang pelikulang ito at itinuturing pang isa sa mga pinakamahuhusay na pelikula sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Napakatapang ng pelikulang Sister Stella L. Lakasan lang talaga ng loob. Marami talaga kaming itinaya sa pelikulang ito. Dalawampung taon na ang nakakaraan, ngunit sariwa pa sa akin ang mga eksena kong ginawa dito. Napaka-makatotohanan ang mga eksenang aming ginawa para sa mga manggagawa. Pero sa ngayon, makaraan ang 20 taon, parang iyong aming inilahad na mga problema noon ay siya pa ring mga problema natin ngayon. Parang walang nagbago. Sa pelikulang Rubia Servios (1978) na ginawa namin ni Direktor Lino Brocka, biktima ng rape naman ako dito. Pero sa halip na manahimik at umasa na lang sa batas, ako ay naghiganti. Pinatay ko ang aking rapist na si Phillip Salvador. Natakot ako sa ending ng pelikula dahil baka kung ano na naman ang sasabihin ng mga makakapanood. Pero nakuha ko ang simpatiya ng mga manonood at tinangkilik ng mga tao ang aking pelikula. Marahil ay naging epektibo ang aking pag-arte dito at nagabayan ako ng husay ni Direk Lino Brocka.

May kasabihan kami sa industriya na sa pelikula, bawal na bawal patayin ang bida. Hindi raw nagugustuhan ng mga fans. Dahil dito, hindi raw kumikita ang pelikula. Pero may ginawa akong dalawang pelikulang talaga namang sumugal kami. Katulad ng pelikulang Pahiram ng Isang Umaga (1989) na isinulat ni Jose Javier Reyes na ginawa namin ni Direk Ishmael Bernal noong 1989. Namatay ang karakter ko sa pelikulang ito pero kumita ito, taliwas sa tradisyunal na paniniwala ng ibang tao. Ngunit higit na mas mahalaga ang nilalaman ng pelikulang ito. Nadiskubre ng karakter ko sa pelikulang ito na mayroon siyang kanser at ilang buwan na lamang ay babawian na siya ng buhay. Pero naging matatag siya. Hinarap at inihanda niya ang kanyang sarili sa kahihinatnan niya at ng kanyang anak. Ipinakita nito ang katatagan at katapangan ng isang babae sa harap ng napakatinding krisis sa kanyang buhay. Gayundin ang pelikulang Dahil Mahal Kita (The Dolzura Cortez Story) (1993) na hango sa tunay na buhay. Ginampanan ko ang papel ng isang biktima ng anti-immune deficiency syndrome (AIDS) na namatay dahil sa sakit na ito. Ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na tumalakay sa sakit na AIDS. Pumayag akong gawin ang pelikula dahil sa pamamagitan nito, mailalarawan namin ang tunay na nangyayari sa isang biktima ng AIDS at ang nagiging kalagayan niya sa ating lipunan. Noong isinali namin sa Manila Film Festival ang pelikulang ito, tinangkilik ito ng mga manonood. Nabuksan pa namin ang mga mata ng tao tungkol sa sakit na AIDS. Sa pelikulang Ipagpatawad Mo (1991), sinikap naman naming talakayin ang isa pang uri ng sakit na hindi naman nakamamatay pero kailangang harapin at unawain lalo na ng isang magulang na may anak na nagtataglay ng ganitong sakit: ang autism. Ito ang unang pelikulang tumalakay sa sakit na ito. Sumugal kami dito at pinanood naman ito ng napakarami nating mga kababayan.

Sa pelikulang Anak (2000) naman, makatotohanan naming nailarawan ang mga problemang umuusbong sa pagitan ng anak at ng isang magulang, lalo na ng isang ina, na kailangang mangibang bansa para magtrabaho at masuportahan ang kanilang mga pangangailangan; ang hirap na dinaranas at tinitiis ng mga domestic helpers natin; ang kaawa-awang kalagayan ng mga anak na naiiwan nila; at ang katatagan ng isang babae bilang ina at asawa sa gitna ng kahirapan at mga pagsubok sa buhay. Isa rin ito sa mga pelikulang talagang tumatak sa akin. Hindi ko rin ito makakakalimutan. Ganito rin halos ang mga karakter na aking binigyang-buhay sa mga sumunod kong pelikula. Katulad ng Bata-Bata…Paano Ka Ginawa (1998) ni Direk Chito Roño. Ginampanan ko ang papel ni Leah Bustamante na ayaw magpatali sa leeg at maging sunud-sunuran lang sa kinakasamang lalaki. Prangka. Matapang. May tiwala sa sarili. May sariling prinsipyo at pamantayan sa buhay bilang isang tao, bagama’t isa rin siyang ina. Samakatuwid, hindi siya ordinaryong babae. Sa Dekada ’70 (2002), nagkasama kaming muli ni Direk Chito Roño. Ginampanan ko ang papel ng isang tahimik na ina na dahil sa kanyang personal na karanasan ay namulat sa hindi makatarungan, hindi makatao at mapang-aping elemento ng diktaduryang pamahalaan. Ipinakita rin dito ang pagkamulat ng isang tipikal na maybahay sa hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa karapatan at kakayahan ng mga babae at ang pagbibigay-halaga niya sa kanyang sarili. Itong mga bagay na ito ang nagbunsod sa kanya na makiisa at makilahok sa mga pwersang nakikipaglaban para sa pampulitika at panlipunang pagbabago. Isa itong pelikula na akin ding ipinagmamalaki.

Gusto ko ring pasalamatan ang mga aktor na nakasama ko na nagbigay ng kanilang suporta. Ang mga naglapat ng musika, mga editor, mga production designers, at lahat ng mga nakasama namin na tinatawag nilang technical staff o mga tao sa likod ng kamera. Higit sa lahat, gusto kong pasalamatan ang lahat ng aking naging mga prodyuser, sapagkat sila ang nagtiwala sa inyong lingkod at nagbigay sa akin ng mga pelikulang tunay na maipagmamalaki. Kung may pagkakaisa talaga ang lahat, nagtatrabaho, nagtutulungan, may kakayahan at may direksyon ang kanilang pinaghihirapan, makakalikha talaga tayo ng isang pelikula na mataas ang kalidad at talaga namang kaya nating ipagmalaki. Bagama’t wala na sa ating tabi ngayon sina Direktor Lino Brocka at Ismael Bernal at hindi na aktibo si Mike De Leon, marami pa rin tayong mga direktor na nagtataglay ng galing o talino. Nariyan sina Direk Chito Roño, Olive Lamasan, Jeffrey Jeturian, Jerry Sineneng, at marami pang iba. Marami rin tayong mga manunulat at teknisyan na malikhain, mahuhusay, at propesyunal na nakakalikha ng mataas na uri ng pelikula. Kailangan lamang na mabigyan sila ng sapat at angkop na pagkakataon at suporta upang maipakita at lalong mapagyaman ang mga katangiang ito. Kaya sana, sa panahong ito, sumugal tayo sa kanilang talento. Kung naging matagumpay ang mga pelikulang nabanggit ko ngayon dito ay sapagkat naging mapalad ako at ako ay natulungan ng mga magagaling na direktor at manunulat tulad nina Pete Lacaba, Ricky Lee, Jose Javier Reyes, at Lualhati Bautista.

Subalit maraming problemang kinakaharap ngayon ang ating industriya. Marami sa mga kasamahan namin sa industriya ang wala nang hanapbuhay ngayon. Katunayan, marami akong mga kasamahang aktor at direktor na dumadalaw sa aking tanggapan sa Lipa para humingi ng tulong. Halos telebisyon na lamang ang bumubuhay sa kanila. Ngunit ang karamihan ay wala na talagang trabaho. Ayon sa Newsbreak, noong 1971 ay nakagawa ng 251 pelikula ang ating mga prodyuser. Subalit, ayon sa Film Academy of the Philippines, halos 164 pelikula lamang taun-taon ang nagawa mula 1996 hanggang 1999 at bumaba pa lalo ito sa mga 82 pelikula taun-taon noong 2000 hanggang 2003. Noong nakaraang taon, 55 pelikula na lang ang nagawa ng ating mga prodyuser. At hindi lahat ng mga pelikulang ito ay kumita. Maraming dahilan kung bakit paunti nang paunti ang gumagawa ng pelikula. Una, halos 50% ang ipinapatong na buwis sa ating pelikula. Pangalawa, hindi pa naipapalabas sa mga sinehan ang isang pelikula, napapanood na agad ito sa pamamagitan ng mga pirated CDs at DVDs. Ayon sa isang prodyuser ng pelikula, kikita pa sana ng mga karagdagang 20 hanggang 30 milyong piso ang kanilang pelikula kung wala sanang lumabas na pirated CDs ng pelikula bago ito ipalabas sa mga sinehan. Pangatlo, kung noong araw ay marami ang tumatangkilik sa ating mga pelikulang Pilipino, ngayon ay halos hindi na makayanang gumugol ng pera sa panonood ng sine. Mahal na ang tiket. Noong nag-umpisa ako ay 7.50 lang yata ang tiket. Ngayon ay 80 hanggang 150 pesos na. Ngayon, ang mga sine ay nakikita na lamang sa mga mall. Ang mga sinehan na sinasabi nating mga pang-masa kung saan sila ay kumportableng pumupunta katulad ng Odeon, Cinerama, Roxan, Galaxy, at iba pa ay sarado na yata lahat ngayon. Isa pa sa nagpadagdag ng hirap ay ang pagtaas ng pamasahe. Nagmahal na rin ang mga pagkain sa mall.

Pang-apat, masyadong matindi na ang kompetisyon ngayon. Mas tinatangkilik at kumikita ngayon ng malaki ang mga dayuhang pelikula. Katunayan, ayon kay Jose Javier Reyes, ang pelikulang Spiderman 2 (2004) ay kumita ng 27 milyong piso sa Metro Manila sa kauna-unahang araw pa lamang pagkatapos ng Metro Manila Film Festival. Anong pelikula natin noong nakaraang festival na ito ang kumita ng ganito kalaki sa isang araw? Noong film festival, hanggang walong pelikula ang ating ipinalabas at iyon ang araw ng mga lokal na pelikula. Pero walang kumita ng ganoon sa isang araw. Kumita lamang ng 5 o 10 milyong piso, parang napakasaya na. At dahil mas madali, mas mura, at mas malayo na malugi ang mag-import ng dayuhang pelikula kaysa gumawa ng pelikula dito sa ating bansa, may mga prodyuser na itinutuon na lamang ang kanilang pansin sa pag-import ng mga pelikula. At nangyayari na rin ito sa ating telebisyon. May mga prodyuser tayo na nagiimport na lamang ng mga telenovela mula sa Korea, Taiwan, at Mexico. Mas mura ito kaysa magprodyus ng lokal na telenovela. Pero sa dakong huli, ano ang mapait na nangyayari? Marami sa mga kababayan natin ang nawawalan ng trabaho, mula direktor, aktor, manunulat, teknisyan, hanggang sa mga maliliit na manggagawa katulad ng mga ekstra, karpintero, pintor, at mga mananahi na kailangan sa production design. At sino ang binibigyan natin ng trabaho? Ang kumikita po ngayon ay mga taga-ibang bansa pa. Ako’y labis na nalulungkot sa katayuan ngayon ng ating industriya ng pelikula. Ngunit sa kabila nito, ako’y naniniwala na kaya pa nating sagipin ang industriya. Sa palagay ko, dapat pagaralan ng ating pamahalaan kung paano mababawasan ang buwis na ipinapataw dito. Napakabigat nito. At napakataas na at pataas pa nang pataas ang production cost ng paggawa ng pelikula. Kaya nagiging matamlay ang ating mga prodyuser na gumawa ng pelikula, katulad ng nangyayari. Pito-pito na lang daw. Pero hindi sila masisi dahil negosyo din ang paggawa ng pelikula.

Kailangan ding pag-aralan ng ating pamahalaan ang paglalagay ng regulasyon sa pagpasok ng mga dayuhang pelikula. Hindi naman pipigilan ang pagpasok nila. Ang sinasabi ko lang ay bigyan namang prayoridad, pagmalasakitan naman natin ang sariling produkto. Nais ko ring idagdag na kailangan din naman pagbutihin ang mga istorya sa paggawa ng pelikula. Hindi iyong nangongopya na lamang. Kailangan namang de-kalidad. May tatak Pinoy. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon pa ring gumagawa sa atin ng pelikula na mataas ang kalidad, maipagmamalaki, nakikipagsabayan at kinikilala sa ibang bansa. Ang ibig sabihin ay may pag-asa, may ibubuga. Pero iilan na lang sila. Ako naman ay handang ibaba ang aking talent fee. Ang kondisyon ko lang naman ay gusto kong makitang may laman ang iskrip. Katunayan, may nag-aalok sa akin na gumawa ng pelikula para sa isang independent film producer. At tinatanong ako kung magkano ang talent fee ko. Ang sabi ko sa kanila ay ipakita muna nila ang iskrip sa akin. Madaling pag-usapan ang talent fee. May mga lumalapit sa amin ni Senator [Ralph] Recto upang humingi ng tulong at suporta. Si Senator Recto ay isa sa mga awtor ng pagtatayo ng Films Rating Board na nagbibigay ng insentibo sa mga pelikulang mataas ang kalidad Sa amin sa Lipa, nagpasa kami ng isang batas na nagbabawas ng amusement tax mula 30% to 15% sa lahat ng pelikulang Pilipino na ipapalabas sa mga sinehan sa aming bayan. Ang buhay o ikabubuhay ng pelikulang Pilipino ay nasa ating mga kamay mismo. Nasa ating pamahalaan, sa ating mga prodyuser ng pelikula, sa atin mismong mga manonood, sa atin mismong naririto ngayon. Tulungan nating makabangon ang industriya ng pelikula. Lahat – kasama ako – ay kailangan talagang makiisa! Sa pelikula nagkakatagpo-tagpo ang iba’t ibang uri ng sining – ang panitikan, performing arts, musika, potograpiya, at iba pa. Kaya napakabisang instrumento ito sa pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan sa mga tao.

Hindi nakapagtataka kung bakit napakalakas ng impluwensya ng sining na ito sa ating mga kababayan. Kadalasan, dito nila idinidikit ang mga desisyon nila sa buhay. Kaya sa pamamagitan sa pelikula, mas epektibo nating napapa-unlad, napapalawak at nabubuksan ang kaisipan ng mga manonood natin tungkol sa iba’t ibang bahagi ng ating buhay at sa lipunang ating ginagalawan na dapat ay nasasalamin dito. At dahil dito, mas napabubuti nila ang pagdedesisyon sa buhay, ang pakikitungo sa kapwa, ang partisipasyon sa paglikha ng isang lipunang maunlad, malaya at matatag at may malasakit sa kapwa. Kaya dapat nating alagaan at ingatan ang ating pelikula. Marami at mabigat ang problema ng ating industriya ng pelikula. Marami at mabigat din ang mga problemang kinakaharap ng ating mga mamamayan at ating pamahalaan, na ang iba ay masasalamin sa ating mga pelikula. Kailangang pag-isipan natin ang mga ito. Kumilos tayo batay sa ikabubuti ng higit na nakararami habang may panahon pa. Naalala ko po tuloy ang sinabi ng karakter ko sa pelikulang Sister Stella L. Bilang pangwakas, uulitin ko ito sa inyo dahil gusto kong ipaalam sa inyo na ngayon na ako’y naging isang punonglungsod at naharap na sa realidad ng buhay, ngayon ay mas naiintindihan ko na ang mga salitang ito: Marami pa akong hindi alam at dapat malaman tungkol sa mga kasalukuyang kalagayan ng mga sistema ng lipunan. Kailangan ko pang patuloy na mag-aral at matuto. Pero ang mahalaga, ako ay narito na ngayon, hindi na lamang nanonood, kundi nakikiisa sa pagdurusa ng mga hindi nakakarinig, tumutulong sa abot ng aking makakaya. Kaya kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa? - Plaridel Magazine, February 2006
2005 Gawad Plaridel
#GawadPlaridel2005, #VilmaSantos, #GovernorVi, #PelikulangPilipino